kabanata 58-61

545 6 0
                                    

Ang ikalawa namang bahagi ng libro ay tungkol sa Yang Feng Shui, na nagsasaad ng pagpili ng tahanan nang naaayon sa Yang, ang tirahan ng mga nabubuhay.

Parehong nagkaroon ng detalyadong diskripsyon at ilang mga illustration ang pagtuturo ng libro tungkol sa Yin at Yang.

“Buwiset, hindi ba’t parang ganito ang itsura ng bahay ko?” Nagulat si Darryl nang makita ang mga pictures na makikita sa lubro.

At pagkatapos ay agad niyang binasa ang detalyadong diskripsyon nito sa sumunod na page. [Kulang sa elementong kumukuha ng tubig ang layout na ito kaya maaapektuhan nito ang sinumang nabubuhay na tumira rito na makapagpapahirap sa kanilang mga buhay.]

Dito na naliwanagan si Darryl sa lahat.

Hindi na kataka taka kung bakit napuno ng problema ang pamilya Lyndon. Palaging kinukulang sap era ang kumpanya ni Lily. Mukhang hindi ito dahil sa pagkakamali sa pamamahala nila sa kumpanya kundi sa pangit na pagkakalayout ng Feng Shui sa kanilang tirahan.

Nang simulan nang basahin ni Darryl ang tungkol sa puwedeng maging solusyon sa problemang ito. Bigla niyang narinig ang nanghihinang boses ni Megan sa kaniyang tainga. “Nahanap mo na ba ang antidote, Darryl?”

Nagulat dito si Darryl kaya agad niyang kinuha ang dalawang libro nang hindi na nagdadalawang isip pa. At pagkatapos ay umakyat na siya mula sa libingan para sabihin kay Megan na, “Nagtingin tingin na ako sa paligid pero hindi ko pa rin makita ang antidote nito.”

Dito na kumunot ang mga kilay ni Megan habang makikita ang pagkadismaya sa kaniyang mukha.

Dito na nagtanong si Darryl ng “Ok ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?”

“Huwag na, walang ospital ang makakagamot dito. Siguradong aabot ng 12 oras ang magiging epekto ng Weak Bones Elixir sa aking katawan. Pero agad naman akong magiging ok pagkatapos nito, pero hangga’t hindi pa ako nakakalampas sa oras na iyon, hindi titigil sa panghihina ang buo kong katawan.” Iniling ni Megan ang kaniyang ulo at awkward na sumagot kay Darryl.

Nagulat dito si Darryl.

“Paano siya naging ganoon kapamilyar sa Weak Bones Elixir?”

Pero ayaw nang magsayang pa ni Megan ng oras. Kaya hirap na nitong ikinaway ang kaniyang kamay at sinabing “Kunin mo ang cellphone ko at tumawag ka na ng pulis!”

Tumango si Darryl habang nakaupong kinukuha ang phone ni Megan. Napalunok na lang siya para pakalmahin ang kaniayng sarili.

Bagsak at nanghihina sa lupa si Megan pero masyado pa ring perpekto ang hubog ng kaniyang katawan. Nagkaroon din siya ng kaunting pawis mula sa pakikipaglaban sa bigotilyong lalaki kanina. Kaya agad na nakaamoy si Darryl nang mahinang amoy mula sa kaniyang katawan nang lumapit si Darryl sa kaniya.

*Gulp*

Agad namang napalunok muli si Darryl nang dahil dito. Sinubukan niyang maging kalmado habang hinahanap ang cellphone ni Megan mula sa loob ng bulsa nito.

Matapos niyang tawagan ang pulis, hinawakan ni Darryl ang phone sa harap ni Megan.

At pagkatapos, ibinalik na ni Darryl ang phone sa bulsa ni Megan bago nakangiting sabihin na, “Ok, malapit nang makarating dito ang mga tauhan mo.”

Hindi na ito sinagot ni Megan at sa halip ay tiningnan niya nang maigi si Darryl at tinanong ng “Hindi pa kita natatanong. Bakit ka nga ba nandito?”

Nagisip muna si Darryl sa loob ng isang sandali bago nakangiting sumagot ng “Nakita ko kasi ang isang grupo ng mga taong umakyat sa bundok kaya nacucurious ko silang sinundan paakyat. Dito na ako nasurpresa nang makita kong mga magnanakaw pala ng libingan ang mga ito.”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now