Kabanata 84
"Sino ka bang bata ka?" Nanlalamig na pangaasar ni Trent habang hindi pinapansin ang nanlalamig na aurang nagmumula kay Darryl.Seryoso naman itong sinagot ni Darryl, "Darryl Darby."
"Oh... hahaha! Ikaw pala ang basurang pinaguusapan nilang lahat. Ano na ngayon? Hindi mo matiis ang ginagawa kong pakikipagmakeout sa iyong asawa? Sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang, sa akin na ang asawa mo!" Sabi ni Trent na may disturbing at naghahamong mukha."
"Mukhang naghahanap ka ng gulo."
Paisa isang sinabi ni Darryl ang mga salitang ito. Agad na naramdaman ng lahat ang panlalamig na inilalabas ng kaniyang aura sa paligid.
Ito pa rin ba ang basurang manugang natin noon? Bakit siya biglang nagkaroon ng ganito kalakas na aura?
"Ah? Ako ba? Naghahanap ng gulo? Kilala mo ba kung sino ang kausap mo, bata? Kanina pa kita hinahanap pero nagawa mo na ring dalhin ang sarili mo sa akin ngayon!" Angil ni Trent kay Darryl na para bang isang bayolenteng tigre.
Nang mapanood ito ng mga nakapaligid na miyembro ng pamilya Lyndon, nakaramdam sila ng bigat na na nakapagpagulo sa kanilang mga nararamdaman. Pero kahit na inis na inis ang mga ito kay Darryl, hinihiling ng karamihan sa mga sandaling ito na manalo sana si Darryl sa magiging laban nila ni Trent.
Pero alam siyempre ng lahat na isa lang itong panaginip. Tatlong taon na nagchampion si Trent sa pinakakinikilalang martial championship sa buong mundo nang sunod sunod kaya nagawa nitong magtayo ng napakaraming martial clubs sa kanilang bansa!
"Hindi ka mananalo sa kaniya, Darryl! Tumakbo ka na dali!" Sigaw ni Lily kay Darryl matapos magalala para sa buhay nito. Masaya na siyang nagpakita sa mga sandaling ito si Darryl.
Pero tumayo lang doon si Darryl at hindi gumawa ng anumang kilos na para bang wala siyang narinig na kahit ano. Kahit na noong makita niya ang pagdamba sa kaniya ni Trent, wala siyang ginawa kundi tumayo roon na parang isang bato.
Dito na nagpanic si Lily, agad siyang tumakbo sa sala at tumawag ng pulis. Agad namang sinagot ng kabilang linya ang tawag kung saan isang sumagot ang pulis sa kaniya, "Ano pong maitutulong namin sa inyo?"
Nanginig ang nababagabag at nagpapanig na si Lily habang sinasabing "Magpadala kayo ng pulis sa tahanan ng mga Lyndon ngayundin. Dalian ninyo! Mayroong nagaaway sa amin!"
Bamm!
Habang nagsasalita si Lily, isang napakalakas na vibration ang mararamdaman sa sala. Nilalabanan na ni Darryl si Trent!
Nagdalawang isip naman ang pulis na nasa kabilang linya, "Nagaaway? Sino ang nagaaway sa inyo?"
Isa ang mga Lyndon sa pinakaprestihiyosong mga pamilya sa buong Donghai City kaya sino ba ang makikipagaway sa loob ng kanilang property?
"Si Trent Young, sinasaktan niya ngayon ang aking... ang aking asawa!" Agad na sinabi ni Lily, pero nang sabihin niya ang salitang asawa, agad na kumabog ang kaniyang dibdib at namula ang buo niyang katawan.
Ito ang unang beses na inamin niyang asawa niya si Darryl.
Nang ibaba na niya ang tawag, natigilan si Lily nang makita niya ang nangyari sa hall. Hindi lang siya dahil ang lahat ay natigilan sa kanilang nakita.
Walang sinuman ang nagdalawang isip sa kakayanan ni Trent, siya ang pinakamalakas na lalaki sa buong Donghai City. Pero hindi nila inasahang matatapatan ito ni Darryl. Tumindi na sa mga sandaling ito ang laban ng dalawa na kasalukuyang nagpapalitan ng suntok sa bilis na hindi makikita ng mga pangkaraniwang mata ng isang tao.
Natitigilan naman itong tiningnan ng naguguluhang si Lily.
Paano siya nagkaroon ng ganiyang kakayahan? Sa pamamagitan ng kakayaha niyang iyan, siguradong hindi lang siya nakatiyamba noong bugbugin niya si William sa pagdiriwang ng kaarawan noon ni Grandma Lyndon.
![](https://img.wattpad.com/cover/342657227-288-k444102.jpg)
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Randomsa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...