Kabanata 107
THUD!Tumalsik nang dahil dito si Richard at tumama sa isang office desk bago tuluyang bumagsak sa sahig ng kaniyang opisina. Hindi niya nagawang mapasigaw sa sobrang sakit na kaniyang naramdaman habang buong takot na tinitingnan si Zachariah gamit ang kaniyang mga mata habang sinasabing “President Wright, ako po—"
“Manahimik ka Richard! Mataas ang inaasahan ko mula sa iyo mula noong ibigay ko sa iyo ang posisyong ito. Tinatanggal na kita sa pagiging Chief of Staff.” Sagot ni Zachariah.
“Pres…President…” Nanginginig na sinabi ni Richard pero hidni niya nagawang makagalaw sa kaniyang kinahihigaan.
Tumingin naman si Zachariah kay Shelly at sinabing, “Bilang isang doktor, dapat lang na isipin niyo muna ang inyong mga pasyente bago ang lahat. Tama ang ginawa mong iyon. Kaya mula sa araw na ito, ikaw na ang Chief of Staff ng ospital na ito.”
Ano? Nanginig na parang jellyace ang mga binti ni Shelly.
Inaasahan niyang matatanggap niya mula rito ang pinakamasamang puwedeng mangyari sa kaniyang karera bilang isang doktor, pero manlang niya naisip na magiging kabaliktaran nito ang kahihinatnan niya. Dahil sa isang hindi maipaliwanag na dahilan, hindi siya natanggal sa kaniyang trabaho at sa halip ay napromote pa sa kaniyang pinagtatrabahuang ospital? Hindi niya nagawang magreact sa mga narinig niyang ito.
Tumingin si Zachariah kay Darryl, magalang itong ngumiti at nagtanong ng “Naayos ko na ang issue na ito para sa iyo Mr. Darby, ok na ba ang ginawa ko sa paningin mo?”
Tumango si Darryl at tumawa, “Napakapatas at napakabilis ng ginawa mong solusyon sa problemang ito, President Wright! Napakaperpekto ng ginawa mong ito para sa akin.”
Kahit ngayon lang sila nagkita, agad na humanga si Darryl sa pamamaraan ni Zachariah sa paghandle ng mga ganitong bagay. Kaya mas nagustuhan na niya ngayon ang taong ito.
Tumawa naman dito si Zachariah. Tiningnan niya ang kaniyang paligid at sinabing, “Hindi ok ang lugar na ito para pagusapan natin ang mga dapat nating pagusapan Mr. Darby, bakit hindi kaya pumunta na lang tayo sa aking lugar para magusap, Mr. Darby?”
Sumangayon dito si Darryl. Sabay silang tumayo at naglakad palabas ng opisina.Kahit na nakaconfine pa rin sa ward ang kaniyang ama, naroon naman ang kaniyan ina para alagaan ito. Si Shelly na rin ang bagong Chief of Staff ng ospital kaya hindi na niya kailangan pang magalala para sa magiging sitwasyon ng kaniyang ama rito.
Natigilan si Shelly sa mga nangyari. Nagulat siya nang husto sa ipinakitang kakayahan ni Darryl na para bang gusto na niyang lumuhod sa harapan nito.…
Sa isa sa mga residential area na matatagpuan sa kanluran ng Donghai City na tinaguriang isang 5A-rated na area pagdating sa mga tanawin. Isang three story na sinaunang Chinese tower ang makikitang nakatayo sa tabi ng lawa.
Hindi man ito ang karagatan pero makapigil hininga na ang view sa paligid ng tower na ito.
Pagmamayari ni Zachariah ang sinaunang tower na ito na siya ring kaniyang naging tirahan. Pumasok si Darryl nang imbitahan siyang pumasok dito ni Zachariah. Agad silang nagpunta sa isang napakalaking hall sa ikatlong palapag ng tower kung saan umupo si Darryl sa isang sofa para kunin ang isang piraso ng Godly Pill mula sa kaniyang bulsa at ilagay ito sa lamesa.
Agad na nagliwanag ang mga mat ani Zachariah. Kinuha niya ang pill sa lamesa at tiningnan ito nang maigi “Ito na ba ang Godly Pill?” Tanong niya.
“Oo. Ito rin ang ininom ni Brandon para magawang tumawid sa kasunod na level ng kaniyang pagpapalakas,” Nakangiting isinagot ni Darryl.
“Hindi ako makapaniwala noong una kong marinig ang balitang ito mula kay Brandon—paano nagawa ng isang batang lalaki na kagaya mong lumikha ng isang napakahiwagang Godly Pill. Mukhang hindi ka nga talaga isang ordinaryong tao, kuya Darryl.” Sabi ni Zachariah.
Dito na sinenyasan ni Zachariah ang kaniyang assistant para iwire transfer ang pera kay Darryl at buong pusong sabihin na “Hay, limang taon na akong hindi makatawid sa susunod na domain ng aking pagpapalakas. Natupad na rin ang hiling kong ito ngayon sa wakas.”
Ngumiti rito si Darryl. Namangha siya sa naging interior decoration ng tahanan ni Zachariah habang tinitingnan ang buong layout nito. Pero agad siyang nagpakita ng hindi pagsangayon nang makita niya ang fish tank na nakalagay malapit sa hagdanan.
“Madalas ka bang magsanay sa lugar na ito, President Wright?” Tanong ni Darryl.
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
De Todosa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...