kabanata 62-65

559 3 0
                                    

Nagtipon tipon ang pamilya Lyndon sa paligid ni Wentworth para kundinahin ito na parang isang preso.

“Kasalanan mo ang lahat ng ito, Wentworth!”

“Nangako kang kikita tayo nang malaki rito, pero anong nangyari?”

“Hindi ko alam na ganito pala kahindi katiwatiwala si Wentworth. Kaya siguradong ganito talaga ang mangyayari…”

“Kinakailangan mong magpaliwanag ngayon sa harapan naming kahit na ano pa ang mangyari.”

Mas tumindi nang tumindi ang galit ng mga ito habang isa isang nagsasalita. Makikita na nagliliyab ang kanilang mga mata na para bang gusto na nilang patayin si Wentworth.

“Huwag kayong magalala, siguradong masosolusyunan din natin ang problemang ito.” Sabi ng nababagabag na si Lily sa isang tabi.

Hindi nila nagawa pang pakalmahin ang kanilang mga sarili! Malulugi ang kilalang pamilya Lyndon nang dahil sa kaniyang ama!

Nagmamadali namang sinabi ni Samantha na, “Isa tayong pamilya. Kaya huwag kayong masyadong magpadala sa inyong mga nararamdaman.”

Pero walang kahit na sino ang nakinig sa sinabi ng maginang ito.

Dito na tiningnan ng dismayadong si Grandma Lyndin si Wentworth at sinabing, “Binigo mo ako Wentworth. Sabihin mo sa akin, ano na ang dapat nating gawin ngayon?”

Nagmukhang bagsak dito si Wentworth. “Hindi ko naman po inakalang ganito ang mangyayari. Mabilis na nawala si Tony pero sinusubukan ko pa rin po siyang hanapin hanggang ngayon.”
“Wentworth, bakit nararamdaman kong kasabwat ka ng taong nanloko at gumawa ng patibong sa ating pamilya?” Sabi ng isang miyembro ng pamilya Lyndon.

Parang ibinatong bato na gumawa ng libo libong maliliit na alon sa paligid na sumangayon ang lahat sa taong iyon.

“Oo nga, siguradong magkasabuwat kayo ni Tony sa panlolokong ginawa ninyo sa amin!”

“Sabihin mo na sa amin! Nasaan ngayon si Tony?”

“Napakagaling mo talagang umarte, Wentworth.”

Mangiyak ngiyak na si Wentworth sa kaniyang mga narinig. “Hindi ko talaga alam kung nasaan na si Tony. Isa rin ako sa mga nabiktima niya. At paano ko rin magagawang lokohin ang aking pamilya para sa isang tagalabas?”

Pero walang kahit na sino ang naniwala sa kaniya. Dito na naging emosyonal ang mga miyembro ng pamilya Lyndon na naghahanda sa pagsuntok sa kaniya.

Sa mga sandaling ito nakarinig ang pamilya Lyndon ng isang sigaw mula sa isang nagpapanic na boses, “Hindi maaari! Nakatatandang madam, naririto po ang head ng pamilya White na si Claude White kasama ng iba pa nating mga kliyente.”

Ilang tao ang naglakad papasok sa hall nang sabihin ito ng boses.

Pinangunahan ang mga ito ni Claude White na siyang namumuno sa pamilya White.

“Grandma Lyndon, sumangayon na kaming lahat na suspindihin ang aming mga proyekto kasama ng inyong pamilya.” Umabante si Claude, tumingin kay Grandma Lyndon at direktang sinabi ang pakay niya sa pagpunta rito.


Dito na nanigas ang mukha ni Grandma Lyndon. “Pero bakit mo naman biglang naisip na itigil ang partnership ng ating mga pamilya?”

Dito na umabante si Gailen Godfrey, ang presidente ng La Fortuna nang may nanlolokong ngiti sa kaniyang mukha. “Tapos na rin ang ating partnership, Grandma Lyndon. Huwag ka nang magmaang maangan pa. Natanggap na naming lahat ang balita na ininvest ng Neptunus Corporation ang buong pondo nito sa isang business sa ibang bansa na biglang naglaho nang parang bula.”

Matapos ang maiksing paghinto sa pagsasalita, sinabi ni Gailen na “Tuluyan na naming puputulin ang pagpondo ng aming kumpanya sa inyo.”

“Oo, malapit nang maging isang latang walang laman ang inyong kumpanya, kaya ano pang maiooffer ninyo sa amin sa partnership na ito?” Dumadagundong na sinabi ng isang presidente ng isa pang kumpanya.

Nanginig ang buong katawan ni Grandma Lyndon pero kailangan niyang pilitin ang kaniyang pagngiti sa harap ng mga ito. “Makinig kayo sa akin, gentlemen. Hindi kasing sama ng iniisip ninyo ang kasalukuyang sitwasyon ng Neptunus Corporation, kaya kung paguusapan ang ating mga partnership…”

Bago pa man matapos sa pagsasalita si Grandma Lyndon, iniling n ani Claude ang kaniyang ulo at pinutol ang pagsasalita ng matanda “Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag Grandma Lyndon. Hindi kami mga tanga. Kaya para sa mga nauna nating naging partnership, ayaw na naming sumali sa project ninyong ito. Pero bago ang lahat, maaari niyo nang ibalik ang perang idineposito namin sa inyo.”

“Oo at pati na rin iyong sa amin.”

“Hindi ko na hihintayin pang malugi ang Neptunus Corporation. Huli na ang lahat sa sandaling mangyari iyon.”

Dito na isa isang nagsalita sina Galien at ang iba pang partner ng pamilya Lyndon nang walang pagaalinlangan sa kanilang mga tono.

Agad ding uminit ang ulo ng mga miyembro ng pamilya Lyndon nang dahil dito.

“Nagawa mo pa kaming apakan ngayong lubog na kami sa putik, Mr. White.”

“Oo nga, paano ninyo nagawa ito sa amin?”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now