Pero wala ritong pakialam si Darryl. Bahagya lang siyang ngumiti at sinundan ang mga lalaki papasok sa isang sasakyan.
Matapos ang ilang minute, nakarating na sila sa isang pribadong manor.
Kahit na malayo ito sa dagat, nagawa pa ring makipagsabayan ng naging dekorasyon nito sa mga villa na nakatayo sa tabing dagat. Mas naging metikuloso at maayos din ang naging layout ng manor na itong naghighlight sa napakalakas na aura ng taong nagmamayari nito.
Naglabas ng makalumang pakiramdam sa paligid ang buong manor na itong mayroong vintage na uri ng style.
Agad na umalis ang dalawang mga nakaitim na lalaki pagkatapos nilang samahan si Darryl papasok sa front hall ng manor.
Dito makikitang nakaupo si Brandon sa isang eleganteng upuan na gawa sa kahoy. Nang makita niya ang pagdating ni Darryl, tumayo siya at itinuro ang isang box na naglalaman ng regalo sa kaniyang tabi. “Isa itong regalo galing sa aking kapatid bilang pagpapasalamat sa iyong ginawa sa kaniya. Kunin mo ito.”
Buong pagpapasalamat na nagsalita si Brandon pero hindi nagpakita ng kahit kaunting paggalang ang kaniyang naging tono at itsura kay Darryl at sa halip ay napuno ito ng pagkaarogante.
Sa kasalukuyang posisyon na mayroon si Brandon sa buong Donghai City, walang kuwenta para sa kaniya maging ang pamilya Darby, at lalong lalo na ang itinakwil nitong miyembro na si Darryl, hindi naging kasingyaman ng mga Darby si Brandon pero takot pa rin ang mga ito sa kaniya. Ito ay dahil habang abala sa pagnenegosyo ang mga Darby, si Brandon naman ay hindi lang abala sa kaniyang mga negosyo kundi maging sa mga transaksyon at pangyayari sa madilim na bahagi ng Donghai City.
At isa ring nakikitirang manugang ng mga Lyndon si Darryl na mas lalong nakapagpababa sa naging tingin ni Brandon sa kaniya.
Hindi na pinansin ni Darryl ang ipinakita nitong attitude sa kaniya. Itinango niya lang ang kaniyang ulo at lumapit para kunin ang box.
Napansin ni Darryl na ang regalong nakalagay sa ibabaw ng tablel ay isang thumb ring na mayroong nakaukit na stripe sa paligid nito na nagmukhang gawa sa jade pero hindi talaga ito gawa sa materyales na iyon. Nagbigay ito ng isang misteryosong aura sa sinumang titingin sa singsing na ito.Makikita sa likuran ng thumb ring ang isang symbolo na inukit sa kahoy kung saan makikita ring nakaukit nang magara ang ilang mga salita na makikita ng sinumang titingin dito nang husto.
Nabasa ni Darryl ang mga salitang “Tianshan” sa harapan pero masyadonamang naging malabo ang mga salitang nakaukit sa likuran nito dahil sa sobrang gulo ng pagkakaukit sa mga ito. Malaki nga talaga ang halaga ng thumb ring na ito at siguradong isa rin itong high quality na antique.
“Darryl tama? Noong makita ka naming sa kasal ni Jackson kanina, agad naming napansin ng aking kapatid na isa kang partial cultivator. Siguradong uminom ka ng isang espesyal na pill kaya mas naging malakas ang iyong katawan kung ikukumpara sa isang ordinaryong tao.” Sabi ni Brandon.
Nagulat dito si Darryl.
“Paano nila nalalaman na uminon ako ng Universal Pill? Mukhang mga cultivators din ang dalawang ito na nagmula sa Tianshan School.” Isip ni Darryl.
Ngumiti at tumango rito si Darryl. “Napakametikuloso talaga ng mga pagiisip ninyo.”
Habang nagsasalita, binuksan ni Darryl ang kahon na naglalaman ng regalo ng magkapatid sa kaniya, dito na niya nakita ang laman nito na isang floral herb.
Parang himalang may pulang bulaklak at berdeng mga dahon ang floral herb na ito, punong puno rin ito ng buhay na para bang nakatanim pa rin ito sa lupa.
Natigilan si Darryl nang marinig ni Darryl ang mahinang pagsasalita ni Brandon, “Tinatawag itong Spiritual Herb. Sa sandaling gamitin mo ito, mabubuksan mo na rin ang meridian ng iyong katawan at magiging isang tunay na cultivator.”

YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
De Todosa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...