Napahinga nang malalim si Kingston, hindi na rin naging maganda ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito. Lumingon siya at bumulong kay Yvonne, “Ito ba ang kinikilalang tagakilatis ng antique na kinuha mo? At binigyan mo ng 50,000 dollars na sahod kada buwan?”
“Kahit na may pera ang ating pamilya, hindi pa rin tayo dapat gumastos nang ganoon ganoon na lang.”
Wala namang nasabi rito si Yvonne habang makikita ang kaunting bakas ng kahihiyan sa kaniyang mga mata.
Tumawa ang kalbong lalaki na para bang wala nang bukas, tinapik niya ang balikat ni Darryl at sinabing, “Mukhang marami nang alam ang batang ito!”
Bahagyang ngumiti lamang dito si Darryl.
Tumitig si Kingston kay Darryl at nanlalamig na sinabing, “Sabihin mo sa akin, paano nagkaroon ng presyong 500,000 dollars ang isang iyan?”
“Hindi, mas malaki pa nga dapat ang halaga nito! Nagkakahalaga dapat ito ng 5 milyong dolyar! Kaya siguradong kikita ka nang malaki sa sandaling bilhin mo iyan.” Isip ni Darryl sa kaniyang sarili.
At pagkatapos, inayos niya ang kaniyang lalamunan at dahan dahang sinabi na, “Huwag po kayong mabahala, Uncle Young. Ipapaliwanag ko po ito sa inyo. Alam niyo naman po siguro ang tungkol kay Princess Wencheng, hindi po ba Uncle Young?”
Nauubusan na ng pasensya si Kingston sa mga sandaling ito pero nang marinig niya ang pangalang iyon, bigla siyang may naalala na isang bagay tungkol dito na nakapagpanginig sa buo niyang katawan. “Ang ibig mo bang sabihin…”
At pagkatapos, iniling ni Kingston ang kaniyang ulo at sinabing. “Imposible, napakaimposible ng sinasabi mo!”
Ang mga historical records tungkol kay Princess Wencheng ay tungkol lamang sa kaniyang pagpapakasal sa isang prinsipe ng Tibet. Pero nagkaroon ng usap usapan tungkol dito ang mga taong nasa mundo ng mga antique.
Mahilig si Princess Wencheng sa mga porselana mula noong bata pa lang siya. Kaya nang bigyan siya ni Emperor Taizong ng Tang Dynasty ng isang kautusan mula sa imperyo na magpakasal sa isang prinsipe mula sa Tibet, binigyan din siya nito ng isang porselanang vase. Ang porselanang vase na ito ay ang sinasabing regalo ng kaharian ng Tibet sa Emperor.
Ang unique na lokasyon ng kaharian ng Tibet kung paguusapan ang geograpiya ang nagpapaliwanag ng naging impluwensya ng mga kultura ng Tang Dynasty at mga lugar sa kanluran sa kanilang sariling kultura sa Tibet. Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging maganda at pambihira ang porselanang ginawa ng imperial family mula sa Tibet.
Halos wala nang kahit na anong bakas mula sa kultura at estilong iyon sa art ang makikita sa kasalukuyang panahon.
Nagkaroon ng usap usapan na gustong gusto ni Princess Wencheng ang porselanang iyon kaya palagi niya itong dinadala kung saan man siya magpunta.
Dito na paunti unting nagkaroon ng espirito ang porselana niyang ito. Sinasabi rin na sa sandaling ilapit ng isang tao ang kaniyang tainga sa bibig ng vase at pinakinggan ito nang maigi, magagawa niyang marinig ang tunog ng tubig na nagmumula sa loob nito. Ito ay dahil sa bawat sandaling mamiss ng prinsesa ang kaniyang pinagmulang tahanan, ang kaharian ng Tang, uupo lamang siya sa tabi ng isang batis kasama ng kaniyang minamahal na vase para alalahanin ang kaniyang mga nakaraan.
Sinasabi rin na mayroong hindi maipaliwanag na katangian ang vase na ito ng prinsesa. Bago pa man maipakasal si Princess Wencheng, ang tunay niyang pangalan ay Li Xueyan. Kaya binigyan ng mga tao sa mga sumunod na henerasyon ng pangalang Xueyan Promenade Vase ang porselanang ito ng prinsesa.
Iilang tao lang ang nakakita sa aktwal na Xueyan Promenade Vase dahil mabilis itong nawala matapos mamatay ni Princess Wencheng.
At sa huling sandali na lang ng Qing Dynasty nagpakita na parang isang himala ang Xueyan Promenade Vase sa tahanan ng isang taong may mataas na estado sa Jiangnan. Mabilis na kumalat ang balita at agad na napatay ang pamilyang iyon sa loob lang ng ilang araw.
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
De Todosa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...