Nanigas ang ngiti sa mukha ni Samantha habang nagiging awkward at bagsak ang maganda niyagn mood.
Pero nanatiling kalmado at confident si Lily. Tumayo siya at ipinakilala si Darryl, “Ito nga pala si Darryl. Kasal na kaming dalawa.”
“Oh… Siya pala ang manugang mo Samantha, I see. Mukhang isa naman siyang disenteng lalaki. Saan ba siya nagtatrabaho.” Tanong ni Melanie.
“Sa isang kumpanya,” Kalmadong isinagot ni Darryl. Alam niya kung ano ang gustong mangyari ni Melanie pero wala pa rin siyang pakialam dito.
“Anong company? Ano rin ang posisyon mo roon?” Nakangiting tanong ni Melanie na para bang nagcacare siya rito.
Walang pagaalinlangan namang sumagot si Darryl ng, “Isa lang akong pangkaraniwang office boy.”
“Ah! Isa ka lang palang office boy!” Isip ni Melanie.
Matapos niyang sabihin ito, makikita ang kaunting inis na nagpakita sa mga mukha ng tao sa kaniyang paligid. At agad na natuwa rito si Melanie na nanonood sa pagbabago ng kanilang mga reaksyon.
“Ok na ang pagiging isang office boy. Ok lang din kung hindi naging ganito kaganda ang iyong trabaho. Napakatalentado ng iyong asawang si Lily kaya wala ka nang magiging problema kung mananatili ka lang sa inyo.” Sabi ni Melanie.
Halatang halata ang sarcasm na ibinibigay nito na nakapagpadilim sa itsura ni Samantha.
“Kasalanan itong lahat ni Darryl. Hindi ba niya alam ang kaniyang posisyon sa pamilyang ito? Iniisip niya ba na ok lang para sa kaniyang sumabit sa mga ganitong okasyon para ipahiya ang buong pamilya namin?” Isip ni Samantha.
Maging si Lily ay nagpakita ng kakaibang ngiti sa kaniyang mukha habang nagsisisi sa pagsama niya kay Darryl sa lugar na ito.Dito na biglang tumayo si Melanie kasama ng kaniyang baso at nakangiting sinabi na “Dahil nagtitipon tipon na rin tayo rito ngayong araw, mayroon sana akong gustong ipaalam sa inyo. Ikakasal na ang aking anak, at ito naman ang aking magiging manugang.”
Isang binata ang tumayo sa tabi ni Darryl at buong respetong sinabi na, “Hello sa inyong lahat, ako nga po pala si Jimmy, at ako rin po ang kasalukuyang chairman ng Mile-End Corporation.”
Wow!
Dito na biglang napuno ng pagkamangha ang buong dining area.
“Mile-End Corporation? Ito ba ang kumpanyang kilala sa foreign trading? Isa itong napakalaking Corporation!”
“Exactly! Naririnig kong malapit na rin daw itong isapubliko. Isa itong napakalaking corporation na humahawak ng napakarami nitong branches sa iba’t ibang mga city sa ating bansa. Kaya napakaimpressive para sa amin na maging chairman ka ng isang corporation sa napakabata mong edad!”
“Gaya nga ng nabanggit ni Melanie kanina, kababalik balik mo lang dito galing sa abroad matapos mong gumraduate roon hind ba?”
“Oh Melanie, napakasuwerte mo talaga para magkaroon ng ganito kagaling na manugang.”
Napuno ng papuri at pagkamangha ang buong dining area habang namamanghang nakatingin ang lahat kay Jimmy. Natuwa rito nang husto si Melanie na nagmalaki sa kaniyang manugang. Kasabay nito ang pagtingin niya kay Samantha habang nagiisip ng “Ano naman kung mataas ang narating ng iyong anak? Kahit na hindi napantayan ng anak ko ang anak mo, nakahanap naman ito ng mabuting asawa.”
Nang mapuno ng papuri ang buong dining area, ikinaway ni Jimmy ang kaniyang mga kamay at nagpapakumbabang sinabi na, “Sa totoo lang, hindi pa rin madali ang pagiging isang chairman. Mayroon nga tayong kasabihan na with great power comes with great responsibilities. At sa dami ng libo libong staff na nagtatrabaho sa aming kumpanya, hindi na ako nagkaroon ng libreng oras. Pero mabuti na lang at umaabot ng ilang daang libo kada buwan ang natatanggap kong suweldo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/342657227-288-k444102.jpg)
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Aléatoiresa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...