kabanata 38 - 41

577 2 0
                                    

Nang marinig ang sigaw ni Samantha sa kaniyang kuwarto, naglakad si Darryl palabas ng kaniyang kuwarto.

Sa mga sandaling ito nagulat ang kaninang nakangiting si Jade. Bumulong ito kay Lily ng “Ate Lily, Nandito si Darby… si Darryl Darby?

Mula noong marinig niya mula mismo kay Samson sa Moonlit River Bar na si Darryl ang ikalawang young master ng pamilya Darby, hindi na niya masyadong binibisita ang pamilya Lyndon para batiin si Lily.

Hindi na niya ito tatangkain pang gawin!

Nagpunta siya rito ngayon para makipagkuwentuhan kay Lily nang marinig niya kahapon na ilang araw nang wala si Darryl sa bahay ng mga Lyndon.

Kaya hindi niya inaasahang magkikita muli sila ni Darryl sa muli niyang pagbisita sa mga Lyndon.

Kalmado namang sinabi ni Lily na, “ Kababalik balik niya lang kanina.”

Mayroon sanang gustong sabihin si Jade pero agad siyang napatigil nang makita niyang bumababa si Darryl sa hagdanan. Agad na ibinaba ni Jade ang kaniyang ulo at huwag tumingin dito!

Parang nanloloko namang ngumiti si Darryl nang makita niya ang nakaupong si Jade sa sala.

Tumitig si Samantha kay Darryl at nagutos, “Ano pang itinatayo tayo mo riyan? Dalhan mo na sila ng tsaa, bilisan mo!”

Hindi naman gumalaw dito si Darryl na para bang wala itong narinig.

“Hindi, hindi na po kailangan. Hindi naman po ako nauuhaw… kaiinom ko lang po kanina kaya huwag ka nang kumuha ng tsaa, kuya Darryl…”
Nang matapos sa pagsasalita si Samantha, agad na tumayo si Jade at sumenyas na ayaw niya gamit ang kaniyang mga braso.

Habang nagsasalita, pasimpleng tinitingnan ni Jade ang magiging reaksiyon ni Darryl sa kaniyang mga sinasabi.

Isa itong kalokohan. Paano niya magagawang utusan ang ikalawang young master ng mga Darby na bigyan siya ng tsaa. Maliban na lang kung ayaw na niya sa maganda niyang buhay hindi ba?

Nagtanong naman si Lily habang nakakunot ang kaniyang mga kilay nang makita niyang hindi normal ang mga naging kilos ni Jade ngayon at sinabing, “Anong problema mo ngayon Jade?”

Agad namang itinango ni Jade ang kaniyang ulo at sinabing, “Wala lang ito. Hindi lang kasi ako nakatulog nang maayos kagabi.”

Nagulat din dito maging si Samantha.

Ano ang nangyayari? Bakit parang natatakot silang lahat sa walang kuwentang lalaki na ito?

Matapos magisip nang napakalalim, bumalik na rin si Samantha sa kaniyang diwa habang tinitingnan ang mukhang kawawang itsura ni Darryl.

Naisip niyang malinis si Jade sa lahat kaya naramdaman siguro nito na madumi ang walang kuwentang ito kaya hindi na siya nagpakuha pa ng tsaa.

Tumitig si Samantha kay Darryl habang iniisip ang lahat ng ito.

Hindi pa rin naging kumportable ang pakiramdam ni Jade kahit na hindi nagsalita ng kahit na ano si Darryl.

Matapos manatili ng ilang sandali, hindi kinaya ni Jade ang nararamdaman niyangpressure kaya agad siyang tumayo at sinabing “Mayroon pa pala akong dapat na gawin, Ate Lily kaya hindi na ako magtatagal pa rito. Mauuna na ako.”

“Masyado kang nagmamadali ngayon, Jade?” Tanong ng tumatayong si Lily, “Hindi ko napansing pumarada ang sasakyan mo kanina kaya paano ka nakapunta rito?”

Nakangiti namang sinabi ni Jade na, “Nasa service center kasi ngayon ang sasakyan ko kaya nagtaxi lang ako papunta rito. Tatawag na lang din ako ng taxi pabalik.”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now