kabanata 86-88

405 4 0
                                    

Kabanata 86
Pero naiba sa mga ito si Darryl.

Naiba naga rito si Darryl dahil mayroon itong hawak na isang mahalagang bagay na gaya ng isang Godly Pill at nagawa ring maging isang Level Two Master sa loob lang ng napakaiksing panahon.

Habang nagiisip, biglang huminhin ang tono ng boses ni Megan, “Kung ganoon, ano ba ang dapat kong gawin para makakuha ng isa pang Goldy Pill”

Kahit suot ang kaniyang uniporme, makapigil hininga pa rin ang hubog ng katawan ni Megan. Tawa ni Darryl, “Sige, paano kaya kung magsabi ka ng magagandang bagay na tungkol sa akin. Batiin mo ako pero kailangan mong maging sincere rito. Bibigyan kita sa sandaling matuwa ako rito.”

Bumagsak dito ang mukha ni Megan. Hindi na niya ito dapat gawin! Wala rin sa kaniyang bokabularyo ang pagyuko sa harapan ng iba para sa ikatutuwa ng mga ito.

Binagalan niya ang pagpapatakbo sa kaniyang sasakyan habang napapakagat sa kaniyang labi habang nagiisip nang malalim. Matapos ang isang sandali, sumuko na rin siya at sinabing “Darryl, ikaw… ikaw ang pinakaguwapong lalaki na nakilala ko, kaya maaari bang bigyan mo ako ng isa pang Godly Pill?”

Tumawa rito si Darryl. Pero inaamin niya sa kaniyang sarili na ang pagsunod ng isang malakas at magandang babae na kagaya ni Megan ay siguradong tatami sa puso ng kahit na sinong lalaking hindi makakapagpigil sa kanilang mga sariling ibigay ang gusto nito, at kasama na siya sa mga lalaking ito.

“Sige na, sige na nga, bibigyankita ng isa,” Natutuwang pumayag dito si Darryl na nagbigay kay Megan ng isang pill.

“Maraming Salamat!” Agad namang tinanggap ni Megan ang pill.

Nang hindi na niya maitago pa ang kaniyang saya, mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone at nagdial ng isang numero, “Hello, nakuha ko na ang pill na gusto mo. Gusto mo bang pumunta na ako riyan para ibigay ito sa iyo?” Nagsabi ng ilang bagay na hindi maririnig nang malinaw ang tao sa kabilang linya ng tawag, tumango rito si Megan at agad na ibinaba ang tawa.
“Darryl, mayroon akong kaibigan ngayon na kasalukuyang nasa Oriental Pearl. Puntahan na ba natin siya para makapagpasalamat sa iyo nang personal?” Sabi ni Megan.

“Sige,” Tango ni Darryl.

Sa Oriental Pearl, dinala ni Megan si Darryl sa isang pampribado at marangyang dining area. Makikita sa loob nito ang ilang mga magkasintahan na kung saan agad na nakilala ni Darryl ang mga kalalakihan na siyang tinatawag na trust fund babies ng Donghai City na dumadalo sa annual gala ng pamilya Lyndon. Kahit na nagmula sila sa mayayamang pamilya, pinapatay pa rin nila ang kanilang mga oras sa mga walang kakuwenta kuwentang bagay.

Nang makita nila si Megan, isa sa mga lalaki ang tumayo at nakangiting sinabi na, “Guys, guys! Ito ng apala ang girlfriend kong si Megan. Binigyan niya ako ngayon ng isang Godly Pill kaya magagawa ko na ring makatungtong sa Master General sa wakas!”

“Ano?!” Natigilan dito si Darryl. “Buwiset! Nanghingi sa akin si Megan ng isang Godly Pill para lang sa hayop na ito? At siya rin ang boyfriend nito?!”

“Wow! Kent Hough na siyang tagapagmana ng Everlasting Group. Napakayaman ng kanilang pamilya, pero hind imaikukumpara ang tigas ng ulo na mayroon ang isang ito habang si Megan naman ay isang diyosa kaya paano nagawang sumama rito ng isang katulad niya?”

Sinubukang hawakan ni Kent ang kamay ni Megal pero dahan dahan naman itong inalis ni Megan, “Napakaraming tao sa paligid natin ngayon Kent! Huwag natin itong gawin dito.”

Ngumiti naman si Kent at tumingin sa kaniyang mga kasama sa paligid, “Guys, tingnan niyo ang girlfriend kong ito! Hanggang holding hands lang daw ang gusto niya, ni hindi ko manlang siya mahalikan. Sinasabi niya na ibibigay niya lang daw ang sarili niya sa akin sa sandaling ikasal na raw kami! Kaya huwag niyo na akong tuksuhin ah, Haha!”

“Yo bro, isang ngang mamahaling gem kung maituturing ang hipag naming ito!” sabi ng isa sa kanila. Dito na siya ginatungan ng iba pa nilang mga kasama, “Napakaganda at napakahinhin ng hipag nating ito. Nakajackpot ka nga sa kaniya, Kent!”

Naging wild ang hangin sa paligid ng dining area nang biglang sumigaw ang isa sa kanila ng “Tama ba ang nakikita ko! Hindi ba’t iyan ang walang kuwentang manugang ng mga Lyndon?”

Dito na parang along tumingin ang lahat kay Darryl.

“Bakit nga ba nandito ang basurang iyan?”

“Oo nga? Paano niya nagawang pumasok sa isang lugar na kagaya nito!”

Isa isang nagsalita ang mga mayayamang spoiled brat ng Donghai City. Dito na napasimangot si Kent at sinabing “Siya nga iyon! Dude, mali ka ata ng napuntahan. Puwede bang umalis ka na, walang puwesto ang Oriental Pearl para sa isang walang kuwenta na kagaya mo.”

Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)Where stories live. Discover now