Si Felix Blakely?
Nang marinig ang pangalang ito, agad na nakaramdam ng takot ang tatlong staff na nakatayo sa harapan ni Felix at nagawa pang manginig ng isa sa mga ito sa sobrang takot.
Kilala ng buong Donghai City si Felix. Mayroon itong mga kuneksyon sa mabuti at masamang parte ng kanilang city!
Bakit siya naririto? Ano ang kinalaman niya sa Platinum Corporation?
“Ok lang naman kung ayaw ninyong magsalita. Pero hayaan ninyo akong maging direkta sa inyo. Sa sandaling mapatunayan ng gagawin kong imbestigasyon na mayroon kayong kinalaman dito, alam niyo naman na siguro ang mangyayari hindi ba?”
Nang matapos sa pagsasalita si Felix, hindi na napigilan pa ng staff na nakatayo sa kaliwa ang kaniyang takot at agad na nagsabing, “Magsasalita na po ako… Magsasalita na po ako…”
Nagpalitan naman ng tingin ang dalawa niyang mga katabi at ninenerbiyos na tumango sa harapan ni Felix.
Napangiti naman dito si Darryl na nakaupo sa sofa na nasa gilid ng kaniyang opisina.Matapos ang ilang minute, pinaalis na ni Felix ang tatlo. Tumayo ito at nagsabi kay Darryl na, “Malinaw na po ang lahat ngayon, Mr. Darby.”
Tumawa rito si Darryl. Tumayo siya at hinawakan ang balikat ni Felix. “Magaling Felix. Naging maganda rin ang performance ng iyong business nitong nakalipas na dalawang taon, mas lalo ka pang sumisikat sa buong Donghai.”
“Wala lang po iyon, Mr. Darby. Wala po ako sa kinatatayuan ko ngayon kung hindi po dahil sa inyo.”
Matapos ang maiksing usapan nila ni Felix, nagpaalam na si Darryl dito.
Nang makalabas si Felix sa kaniyang opisina, tumawag si Samantha kay Darryl.
“Saan ka ba nagpuntang walang kuwenta ka nitong dalawang araw na nakalipas, ha? May nangyayari nang hindi maganda sa bahay pero nagawa mo pa ring mag gala? Bumalik ka na rito ngayundin!”
Matapos marinig ang sermon ni Samantha, hindi na nagsalita pa si Darryl. Alam niyang tungkol ito sa nangyari kay Giselle at sigurado ring nasa malaking problema ngayon si Lily. Pero kahit na anong mangyari, responsibilidad pa rin ni Lily ang anumang tungkol sa makeover ni Giselle.Pero kahit na nahaharap si Lily sa isang malaking problema, hinding hindi pa rin tatawagan ni Samantha si Darryl. Dahil wala pa ring magagawa ang isang walang kuwentang tulad ni Darryl kahit na magpunta ito roon. Ang rason kung bakit niya ito tinawagan ay dahil sa pagpapatawag ng galit na si Grandma Lyndon sa lahat ng miyembro ng pamilya Lyndon.
Siguradong seryoso ang insidenteng iyon para sa pamilya Lyndon!
Matapos ibaba ang tawag, agad na nagmadaling umuwi si Darryl sa tahanan ng pamilya Lyndon.…
Habang nasa daan, tinawagan ni Darryl si Giselle.
Kasalukuyan namang nasa kaniyang apartment ang naiinis na si Giselle.
Pero magalang pa rin nitong sinagot ang tawag, “Pasensya na kuya Darryl. Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari sa stage kanina.”Siguradong maaapektuhan ang buo niyang imahe sa sandaling gumawa siya ng kahit anong pagkakamali sa show. Dito na mawawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan na siya ring magbibigay ng malaking kawalan sa Platinum Corporation. Kaya naisip ni Giselle na kaya tumawag sa kaniya si Darryl ay para manermon tungkol sa mga nangyari kanina.
Napabuntong hininga si Darryl na nagsabing, “Hindi ikaw ang may kasalanan nito. Tapos na ang ginawa kong imbestigasyon tungkol sa insidente. At dito ko na nakita na isang problema sa loob ng pamilya Lyndon ang naging ugat nito.
Napapigil ng kaniyang hininga sa sobrang pagkagulat si Giselle na nagtanong ng, “Ano po ang nangyari?”
Ngumiti naman si Darryl at sinabing, “Gawin mo ang lahat ng sasabihin ko sa iyo.”
Matapos makinig sa mga ibinigay na instructions ni Darryl, tumango si Giselle at sinabing, “Naiintindihan ko po kuya Darryl.”
Tumango rito si Darryl bago niya ibinaba ang tawag.
Nang makarating si Darryl sa tirahan ng mga Lyndon, nagpatawag na ang kanilang Grandma Lyndon ng isang emergency meeting.
Napuno ng galit at inis ang mukha nang lahat! At siguradong sisisihin ng Platinum Corporation ang kanilang pamilya sa pagkakamaling ginawa ni Giselle.
Nakasuot si Lily ng isang hanggang tuhod na dress at isang pares ng stilettos na nakapagpaganda pa sa kaniya nang husto. Pero hindi rin naging maganda ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito. Nakatingin ang lahat sa kaniya dahil kahit ano pa ang mangyari, siya ang in charge sa ginawang makeover kay Giselle.
Nang makita nila ang pagdating ni Darryl, walang kahit na sinong mula sa pamilya Lyndon ang nagreact.
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Randomsa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...