Nang makita niyang tumango si Darryl, lumingon si Giselle kay Grandma Lyndon at mahinang sinabi na, “Well, tapos na ang problemang ito.”
Nakahinga na nang maluwag ang matanda matapos nitong sumangayon sa ginawa niyang desisyon.
Magiging madali para sa kanila ang lahat hangga’t magagawang palampasin ni Giselle ang tungkol sa bagay na ito.
Pero, matapos nito, agad na nagsalita si Giselle sa matanda, “Pero may isa akong kundisyon!”
“Anong kondisyon ang hinihingi mo, Ms. Lindt?” Mabilis na sagot ng matanda.
Naglakad si Giselle papunta kay Lily at tumayo sa tabi nito. Pagkatapos ay tumingin si Giselle sa paligid ng meeting room at sinabing, “Mula sa araw na ito, tanging si Lily lang ang magiging in charge sa public image ko at sa anumang bagay na may kaugnayan sa akin. Sa kaniya lang ako nagtitiwala. Kaya walang sinuman sa inyong pamilya ang mangingialam sa kaniyang mga ginagawa. Naiintindihan niyo baa ko?”
“Ano?!”
Natigilan ang lahat nang marinig nila iyon.
Binigyan ni Giselle si Lily ng full authority at wala nang magagawa ang kahit na sino rito maging si Grandma Lyndon.
“Walang problema, Ms. Lindt. Susuportahan ka naming sa desisyon mong ito.” Kahit na hindi rito natuwa si Grandma Lyndon, wala naman siyang magagawa kundi tiisin ang pait na ibinigay nito sa kaniyang puso at nakangiting tumango kay Giselle.
Matapos mangako ng matandang Lyndon, hindi na maitago pa ng mga nakababatang miyembro ng pamilya Lyndon ang kanilang inggit kay Lily.
Kahit na nagkaroon ng kaunting pagbaba sa public image ni Giselle nang dahil sa nangyari, ginawa pa rin ng Platinum Corporation ang lahat para magkaroon si Giselle ng isang comeback. Siya na mismo ang inendorse ng isang pasikat na bituin kaya siguradong gagawin ni Lily ang lahat para maging maayos ito.
Nagsisi naman nang husto si William sa lahat ng mga nangyari!
Nagkaroon ng kaunting guhit sa magkabilang dulo ng ngiti ni Giselle nang tumalikod ito para umalis.
Napakaperpekto ng naging hubog ng kaniyang katawan kaya napatingin ang mga lalaki nang maglakad si Giselle palabas. Nang biglang huminto ito sa tabi ni Darryl.
“Mauuna na ako kuya Darryl kung wala ka nang kailangan pa sa akin.” Buong galang na sinabi ni Giselle habang nagbobow sa harapan ni Darryl.
“Ano?!”
“Kuya Darryl?!”
“Tinawag ba ni Giselle na Kuya Darryl ang basurang iyon?”
Napanganga at natigilan ang lahat sa kanilang mga narinig!
Maging si Grandma Lyndon ay muntik nang mahulog sa kaniyang kinauupuan nang marinig niya ang sinabing ito ni Giselle!
Napagdesisyunan ni Darryl na huwag pansinin ang nasusurpresang tingin ng mga miyembro ng pamilya Lyndon habang tumatango kay Giselle at sinasabing, “Sige, makakaalis ka na.”
Sumunod si Giselle sa mga sinabing ito ni Darryl at agad na naglakad paaalis gamit ang kaniyang suot na high heels na para bang nakatanggap siya ng utos mula sa isang imperyo.
Matapos umalis ni Giselle, tumayo si Darryl para magunat at dahan dahang sabihin na, “Masyadong nakakahiya na kinailangan ko pang humingi ng tulong sa isang tagalabas para lang malaman ang katotohanan sa isang bagay na nangyari sa ating pamilya.”
Walang duda na naging sarcastic pagkakasabi niya rito.
Agad na nagbago ang mukha ng matandang Lyndon, agad siyang nakaramdam ng kahihiyan sa kaniyang sarili habang hindi naman makapagsalita ang iba pang miyembro ng pamilya Lyndon na may hindi maipaliwanag na itsura sa kanilang mga mukha.
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Randomsa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...