Muling inulit ni Grandma Lyndon ang kaniyang mga sinabi, “William, sa sandaling mabenta mo ang ating mga shares, hindi lang kita bibigyan ng isang malaking pabuya, dahil ipapahawak ko rin sa iyo ang bagong kumpanyang itatayo natin.”
“Maraming Salamat po Grandma. Maraming Salamat po!” Halos sumabog sa sobrang pagkasabik si William habang sinasadyang tingnan si Lily.
“Hindi ba’t ikaw ang may pinakamataas na naitulong sa ating pamilya? Ninakaw mo ang deal na ginawa ko sa Platinum Corporation. Pero ngayong naharap sa panganib ang ating mga kumpanya, hindi ba’t ako pa rin ang nagsalba nito para sa ating lahat?” Isip ni William sa kaniyang sarili.
Matapos ang isang sandali, isang itim na limousine ang pumarada sa entrance ng mansyon na pagmamayari ng mga Lyndon. Isang lalaki ang naglakad pababa rito na nakasuot ng isang casual na damit at isang pares ng shades sa kaniyang mga mata. Ito ay walang iba kundi si Trent Young na may kasamang mga body guard na sumusunod sa kaniyang likuran. Nasa 20s pa lang ito pero napatunayan na niya ang kaniyang husay sa larangan ng martial arts. Isa na siya sa mga kinikilalang tao sa larangang ito.
“Grandma, narito na po si Master Young.”
Tinatawag siyang “Master” ng mga taong nagsasanay ng martial arts bilang respeto sa kaniya.
“Halika, halika pumasok ka,” nasasabik na sinabi ni Grandma habang tumatayo.
Agad na tumigil ang bulungan ng lahat habang ibinibigay ang buo nilang atensyon sa entrance ng mansyon, agad namang tumayo si William sa entrance para salubungin si Trent.
Naglakad si Trent Young kasama ng kaniyang mga bodyguard na sumusunod sa kaniya. Naglabas ito ng isang malakas at makapangyarihang aura sa anumang bagay na kaniyang gawin.
“Haha! Napakaaga mong dumating Kuya Trent!” Naglakad si William para makipagkamay dito, “Kuya, ito naman ang aking lola.”
“Kumusta po kayo, Grandma Lyndon.” Tango ni Trent kay Grandma Lyndon, naging arogante ang ginawa nitong pagbati sa matanda.
“Maupo ka iho.” Hindi na ito pinansin ni Grandma Lyndon dahil tunay ngang makapangyarihan ang isang taong kagaya ni Trent.
Sumandal si Trent sa sofa na para bang nasa loob siya ng kaniyang bahay habang nakatayo naman ang kaniyang mga bodyguard sa kaniyang likuran nang maayos.
Hindi gumawa ng anumang ingay ang mga tao sa kanilang paligid. Inutusan na ni Grandma Lyndon si William na sabihin ang lahat ng tungkol sa kanilang mga hawak na korporasyon.
“Ah, gusto ba ninyong ibenta ang mga hawak ninyong shares.” Matapos makinig ni Trent, tumango ito at nakangiting sinabi na, “20% ng inyong mga shares ay nagkakahalaga ng 5 billion. Pero masyado ata itong maliit, kaya bibilhin ko ito sa halagang 8 billion.”
Ano?
Nagulat ang lahat sa kanilang mga narinig. Maliit pa kung titingnan ang 20% ng kanilang mga shares? Ano ang problema ng lalaking ito! Well, halata namang napakayaman ng isang ito matapos magtayo ng napakaraming mga martial clubs at nanalo sa ilang mga championships. Alam ng lahat na marami siyang pera, pero walang nagakala na ganito siya kayaman?
Agad na nagpakita ang saya sa kanilang mga mukha sa sobrang gulat, kasama na rito si Grandma Lyndon. Sa halagang 8 billion dollars, magagawa na ng pamilya Lyndon ang lahat ng kanilang gustuhin!
Natigilan din dito si William pero agad siyang nakarecover at sinabing, “Maraming Salamat, kuya!”
Sa mga sandaling ito, agad na nagsalita si Trent, “Sa isang kundisyon.”
“Ano iyon, Master Young. Sabihin mo sa amin kung ano iyon,” Sagot ng walang pagaalinlangang si Grandma Lyndon.
Tumayo si Trent at tumingin sa paligid ng hall. Dito na siya dahan dahang nagsalita ng, “Nang makipagusap ako kay William noong isang araw, nabanggit niya na mayroon daw siyang matalino at magandang pinsan. Gustong gusto kong makilala ito sa persona. Kaya maliban sa deal na pinagusapan natin kanina, ang isa pang rason kung bakit ako naririto ngayong araw ay para magpropose sa kaniya. Sana ay ok lang ito para sa inyo, Grandma Lyndon.”
![](https://img.wattpad.com/cover/342657227-288-k444102.jpg)
YOU ARE READING
Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat(by Skykissing Wolf)
Randomsa mga gusto lang po mag donate if dito user po kayo kahit ilang mb oks na sakin . kapalan ko na mukha ko hehe 09929603908 or if may maya po kayo kahit piso oks lng pang load lang po 09692414539 . wala po akong kinikita po dito kaya nawala n po ng u...