Amira/Astrid's POV
"Napakaganda ng ating princess."
"Tama ka. Ngunit nakakalungkot at ni-isang beses ay hindi sya binisita ng emperor."
"Kayong dalawa, tama na ang tsismisan at magsitrabaho na kayo."
Nagising ako sa ingay ng paligid. Ang sakit ng katawan at ang ulo ko.
Sakit? Diba patay na ako?
Pinakiramdaman ko ang paligid ko muna at unti unti akong dumilat. Bumungad sa akin ang mga laruan na mukhang luma ito na nakasabit sa isang...
Crib?! Wait?! What's going on?!
Bakit tila ang gaan ng katawan ko. Inangat ko ang mga braso ko pero bakit lumiit ang mga braso ko?
Kulay lavander ang kisame at may kaunting design ito ngunit napakagandang tingnan. Napatingin ako sa paligid ngunit iilang gamit lang ang nandito at karamihan dito ay pang-baby.
"Wu!"
Huh? Ako ba 'yun? Hindi maaari?!
"Uwaaaah! Uwaaah!"
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae na nakasuot ng pangkatulong na damit.
Umiiyak lang ako at hindi ko iyon mapigilan sa hindi ko alam kung bakit. Pagkalapit nya sa pwesto ko ay nakatingin sa akin ito ng may pag-aalala. Naramdaman ko na lumutang ako.
Binuhat nya pala ako. Nakaramdam ako ng gutom at parang gusto ng gatas?
Huh? Paanong gatas ang gusto ko, eh ayoko nga sa gatas.
"Nagugutom na ba ang munti naming prinsesa Astrid?" Malambing nyang tanong.
Tumango na lamang ako na mukha syang nagulat sa response ko. Namamangha syang nakatingin sa akin na tila isa akong alien.
Napatingin ako sa salamin na nasa kaliwang bahagi at doon ko lamang napagtanto na isa na akong...
Baby?!
Mentally akong napabuntong hininga. I reincarnated as a baby but did she said Astrid? Na ako si Astrid? Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin at base sa itsura ko ngayon ay ayun din ang nasa libro na nabasa ko. Kung gaano madetalye ang description sa itsura ni Astrid ay ganitong ganito rin.
So ako na ngayon si princess Astrid Athena Calliope Villena. The abandoned princess.
"Ang cute-cute mo talaga prinsesa." Inihiga nya ako sa kanyang bisig at pinainom ang gatas na nakalagay sa baby bottle.
Hmmm... Hindi na masama. Masarap naman kumpara sa gatas na nainom ko sa dati ko buhay na lasang kalawang.
I giggled of what I thinking. Tila nagningning na pinagmamasdan ako ng kasama ko.
"Ako nga pala ang iyong nanny Layla. Kahit hindi kita anak ay itinuturing kita na tila sa akin ka nagmula at iyon ang aking pangako sa iyong ina bago sya mamatay. Nakakalungkot at ganito ang naranasan mo, napakabata mo pa para sa mga ganitong pangyayari."
Nasaan ang may sira nilang hari aka ama ko? Ang iresponsable at pabaya kong ama. Na hindi na naawa sa kalagayan ko. Total ako na si Astrid Athena Calliope Villena, hindi ako papayag na mangyari sa akin ang nangyari sa totoong Astrid.
"Pero huwag kang mag-aalala at nandito ako para sa'yo mahal na prinsesa." Humihikbi nyang dagdag.
Tumigil ako sa pag-inom ng gatas niyakap sya. Mukha sya ang taong makakatulong sa akin kaya kailangan ko syang pahalagahan.
"Wab uh!" (Love you!) Malambing kong sabi.
Ugh! Ang hirap magsalita ng diretso. Kung sabagay dalawang buwan pa lang ang katawan na ito pero kailangan ko'ng mag-practice mag-isa tuwing gabi hehe.
Niyakap nya ako pabalik. "Kahit hindi ko maintindihan ang iyong tinuran ay napakalambing naman ng iyong boses munti kong prinsesa Astrid. Tila isang musika sa aking tenga."
Ang lalim ng sinabi nya. Tumutula yata ang nanny ko.
Nilalaro naman ako ng nanny ko hanggang sa makatulog ako dahil sa pagod. Ganito yata kapag sanggol pa lang, mabilis mapagod.
"Are you ready to die huh?" Nakangising saad ng hari kay Astrid habang hawak nito ang espada na gagamitin sa pagpatay kay Astrid.
"Hindi po ako ang may gawa non, daddy." Umiiyak na saad ni Astrid sa emperor na galit na nakatingin sa kanya.
Nakaluhod si Astrid sa harap ng hari at marami ang nakatingin sa kanilang dalawa na mga tao ng palasyo. Masasama ng tingin nil kay Astrid na nais lamang ay maipagtanggol ang sarili.
Ako i-ito? Hindi... Ang totoong Astrid.
Ito yung nabasa ko sa librong iyon. Kung paano namatay si Astrid sa kamay ng ama nya. Ganitong ganito ang nakasulat doon.
"You are not my daughter and I don't have a daughter like you who is the daughter of that bitch!... Nang dahil sa'yo hindi pa rin nagigising ang anak kong si Freya!"
Mas lalo lumakas ang iyak ni Astrid sa narinig. Labis ang hinagpis at lungkot na nararamdaman ni Astrid.
"Patayin nyo na sya ama!" Galit na sabi ni Apollo.
"Hindi ko sya kapatid!" Galit na sabi naman ni Alex.
Galit naman na nakatingin sa kanya ang tatlong prinsipe.
Ngunit ngumiti lamang si Astrid habang nakatingin sa kanila na umiiyak pa rin.
Tanggap nyang mamamatay na sya at ang masaklap ay ang ama ang gagawa nito.
Itinaas ng hari ang espada. Tumingin si Astrid sa kanyang ama na handa na syang tapusin ang buhay nya, sa araw ng kanyang kaarawan na ika labing anim.
"Will you happy if I die, father?" Mahina nyang tanong sa ama na ngumisi sa kanya.
"Yes, I'm glad and I will having a banquet to celebrate the day you die at ngayon na iyon."
Ngumiti lamang ng mapait si Astrid at nanghihina ang buong katawan nya. Pagod na sya.
Lalapitan ko na sana sya para pigilan ang gagawin ng hari ngunit huli na ako. Napaiyak na lamang ako sa mga nakikita ko. Ayaw ko ang eksena na ito. Mas lalo akong napaiyak sa huling sinabi ni Astrid bago sya mamatay.
"I love you so much father and big brothers."
Nagising ako habang nakatingin sa kawalan at hindi ko na napagilan umiyak ng malakas. Alam kong naririnig iyon mula sa labas ng kwarto.
"Uwaaaah! Uwaaaah! Uwaaaah!"
Hindi ko kaya na makita muli iyon. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi muli mangyari kay Astrid ang kamatayan na dadanasin nya.
Tama! Kapag malaki na ako ay kikita ako pera at kapag sapat na ay aalis at magpapakalayo na ako dito sa palasyo na puno ng mga masasamang nilalang.
Biglang bumukas ang pinto at doon pumasok si nanny Layla na may pag-aalala at ilang babae na katulad din ang suot nya. Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Nang makalapit sya ay binuhat nya ako at inihiga sa kanyang mga bisig.
"Bakit umiiyak ang prinsesa namin?" Tanong ni Rose na kasama ni Layla sa pag-aalaga sa akin.
"May masakit ba sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Mellow.
"Hindi ko rin alam..." Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Masama po ba ang iyong panaginip mahal na prinsesa?" Malambing nyang tanong sa akin na ikinahinto ko sa pag-iyak.
Dahan-dahan akong tumango na ikinasinghap nilang tatlo at may paghanga na nakatingin sa akin.
"Mukhang matalino ang ating prinsesa." Saad ni Rose.
Tumango naman si nanny Layla bilang pagsang-ayon. "Tama ka. Lalaking maganda at napakatalino ang ating prinsesa. Sigurado ako dyan." May pagmamalaki boses nyang sabi.
I giggled of what they said. Sisiguraduhin ko iyon para maipakita na hindi isang basura ang isang Astrid Athena Calliope Villena.
"Awww ang cute nya talaga, Layla." Tila kinikilig na saad ni Mellow.
To be continued...
July 20, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...