Someone's POV
I'm sorry... I'm so sorry for everything princess. Hindi ko gusto na gawin ito ngunit kailangan para lamang sa kaligtasan mo. Soon enough ay mahahanap ka na nya at kukunin sa akin.
Amira/Astrid's POV
Isang sampal ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng palasyo, napahawak ako sa pisnging nasampal. Puta ang sakit ah!
Napatingin ako sa may gawa nito at sumalubong sa mga mata ko ang isang pares ng mata na nanliliksik na nakatingin sa akin. Ang emperor.
"Sino ka para saktan ng ganito ang prinsesa?! Nabalitaan ko ang ginawa mo sa anak ko sa principal, walang ka talaga utang na loob na bata ka!" Galit nyang sigaw na napaigtad sa akin at sa hindi na malaman na dahil ay kusang tumulo ang mga luha ko.
Huh? Bakit ako umiiyak?! Pero ang lakas naman nyang pagsabihan ng walang utang na loob!
"S-sya po ang nauna, a-ama. Pinatay nya po ang inaalagaan ko'ng ibon."
What the! Hindi iyon ang sasabihin ko ngunit tila may sarili pag-iisip ang katawan ko. Ano ba ang nangyayari?!
"Iyon lang pala ang ginawa nya pero grabe ang ginawa mo sa kanya! Halika at tingnan mo ang ginawa mo sa anak ko!" Marahas nya akong hinila at hinawakan sa braso na may kapayatan at grabe ang maputla nito. Napadaing na lamang ako sa sakit.
Pasimple akong napalingon sa isang na nadaanan namin. Nagulat ako sa itsura ko dahil hindi pang limang taon na gulang ang anyo kundi nasa fourteen years old na.
Lumang damit na halos na mukhang basahan, mapayat na katawan na parang hindi nakakakain ng sapat, maputla at maraming pasa ang balat, at higit sa lahat ang walang buhay na mata na may malungkot na mukha.
A-ang sakit puta ah! Wagas kung makahila ng walanghiya!
Pagkarating namin sa isang kwarto ay agad nya itong binuksan at tumambad sa amin ang nakahiga na si Princess Freya na napalingon sa amin at biglang umiyak.
"Daddy! It really hurts!" Ngawa nya at ipinakita ang sugat nya sa siko.
Naramdaman ko na lamang ang kusang panginginig ng buong katawan ko.
Then I realized one thing. Nasa panaginip ako na katulad na nangyari sa akin a few years ago but this is different dahil nasa katawan na ako ng totoong Astrid at ang eksenang ito ay nasa libro at nakakaramdam ako ng sakit ngunit hindi ko ma-control ang katawan ko na kusa na gumagalaw na tila ay sumusunod ito sa daloy ng eksena. A lucid dream.
Sa isang iglap ay naramdaman ko ang mabigat nyang kamay na sumampal sa akin at ang lamig ng sahig.
"From now on! I don't want to see your face here in my Empire and I hope you die just like your mother!" Galit na galit nyang sigaw at muli nya akong sinampal.
Napabalikwas ako ng bangon habang habol habol ang aking hininga.
Buti nagising pa ako! Ayoko na bumalik doon, grabe ang intense at ramdam na ramdam ko ang sakit.
By the way, I'm six now! Wews ang bilis ng panahon kasing bilis ng relasyon nyo matapos, char!
One and a half na rin simula mangyari ang muntik ko ng pagkalason pero hindi pa rin nahahanap ang punyetang salarin.
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...