Alex's POV
Ang ganda-ganda talaga ng baby sis ko. Pero naiinis ako sa heneral na iyon, tsk! Nasa kanya ang atensyon ng baby sis ko imbes na sa akin.
Matapos mag-speech si Heneral Radson ay bumalik na sya sa upuan nya, buti at hindi nya kinuha sa pwesto namin ang baby sis. Aba kung kukunin nya si baby Astrid, magkakaalaman na.
Nakakairita rin ang titig ng dalawang ito sa baby Astrid ko. Sina Sven na seryosong nakamasid at si Archie tila kumikinang ang mga mata na pinapanood si baby Astrid na nakatingin sa stage habang nakain.
No one can take away of my baby Astrid from me!
Napabalik ang paningin ko sa stage nang magsalita si Freya.
"Daddy, thank you tonight. Dahil d'yan hahandugan ko kayo ng isang tugtugin." Dahil sa sinabi nya ay nagpalakpakan ang mga tao.
Tch! Walang galang! She must say to our father the 'Majesty' not 'Daddy' because this is a formal occasion not casual.
Narinig kong tumikhim si ama tila nairita sya sa inasal ni Freya ngunit hindi nya pinahalata dahil maraming tao ang nandito at ayaw nyang mapahiya.
"You may go." Saad na lamang ni ama at bumalik na sa kanyang trono. Tumango at nag-curtsy na lamang si Freya tsaka inutusan ang isang katulong upang kunin ang gagamitin na instrument na mabilis na sumunod.
Pumwesto na si Freya sa gitnang bahagi ng stage na dala ang violin at nagsimulang tumugtog pero hindi ko na pinakinggan, she's good in violin which is okay lang naman yung tugtog pero kulang sya sa ethics patungkol sa music.
Amira/Astrid's POV
She's good. But as one na mahilig sa music ay may kulang pa rin. The pure heart. Iyon ang kulang sa kanya, hindi nya maipakita ang kagandahang puso sa kanyang tinutugtog. Kailangan iyon dahil doon mae-express ang kagandahan at emoticons na babagay sa tugtog pero sa kanya wala iyon at hindi iyon bumagay sa tinugtog.
Isang malumanay ngunit iba ang emotion ang kanyang pinapakita. Paano ko nasabi?
Ang sama ba naman ng tingin sa akin sabay ngingisi na para ba'ng iniinsulto ako.
Problema nya?
Napainom na lamang ako ng tubig at habang pinapanuod sya. Hay... Ibang-iba talaga ang female lead dito kaysa sa libro. In the book, Freya was a pure, kind, and beautiful but ngayon sa nakikita ko ay kabaliktaran. Totally opposite.
Nang matapos ang kanyang pagtugtog ay nagpalakpakan ang mga tao at syempre ang kanilang mga comments.
"Good job, Princess Freya." Puri sa kanya ng emperor, ramdam ko doon ang lambot sa kanyang boses.
Same na sinabi nya kay Freya na nasa libro habang nasa isang sulok lamang si Astrid na nakamasid sa kanila. Lungkot at inggit ang kanyang nararamdaman habang sinasabi na 'sana ako na lang sya'. Pero nang bumaling sa kanya ang emperor ang dating malambot na ekspresyon ay napalitan ito ng malamig at galit.
Hindi mawari ni Astrid kung bakit ganoon na lamang ang turing sa kanya ng kanyang sariling ama, wala naman syang ginawa na masama pero nagpapasalamat sya dahil nakita nya muli ang ama ngunit nakakalungkot na iba ang turing sa kanya kumpara sa kanyang kapatid.
Nalungkot na lamang ako na naisip ko iyon. Hindi ko masisisi si Astrid na naging masama sya habang tumatagal. She is looking the love and the attention from her father that can't give even once.
Malungkot akong napatingin sa stage habang pinagmamasdan ang mag-ama masaya sa harap ng na mga tao.
He never considered Astrid as his child.
Bakit pa nila ako pinapunta dito kung ganito rin naman ang makikita ko?
Nakita ko na may binulong si Freya sa emperor at napunta ang paningin nila sa pwesto ko at naging seryoso ang mukha ng emperor na hindi ko alam kung bakit.
Ano ba'ng binabalak ng bruha kong kapatid? Palihim akong napairap sa kawalan.
Nakita ko ang pagtango ng emperor kay Freya at pinabalik sa mesa namin na may malaking ngiti sa iba pero nang mapatingin sya sa akin ay naging ngisi iyon.
Sarap tapyasan ang labi, nakakaasar!
Ngumiti lamang ako sa kanya ng inosente. Mas maganda pa rin akong ngumiti kaysa sayo, hmp! At mas cute pa ako.
Salamat sa genes ng nanay ko at ang emperor na iyon. Mas maganda pa ang kinalabasan kaysa sa kanya na mukhang chaka doll.
Mukhang nainis naman sya ngiti ko. Natatawa na lamang ako sa isip ko dahil nagmumukha talaga syang chaka doll, namumula pa nga eh.
"It's your turn, sister." Nakangiti nyang saad at umupo.
"Did you call her sister, Freya?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya Alex.
Ngumiti sa kanya si Freya. "Of course, kuya Alex. After all anak pa rin sya ni daddy so she is my sister too, right sister Astrid?" Ngiting ngiti nyang saad na para ba'ng totoo ang mga sinabi nya na tanggap ako.
"That's great. Ano sa tingin mo, baby sis?" Tanong sa akin ni kuya Alex.
Ngumiti na lamang ako ng kahit alam ko sa sarili ko pilit lang iyon. Hindi ako magpapatalo sa pagiging actress, ako yata ang best actress sa school play namin noong highschool.
Tumingin muna ako sa mga kasama ko sa mesa at nakatingin pala sa akin na parang inaabangan ang pagsagot ko.
"Opo, ate Freya at kuya Alex. By the way, what do you mean na 'its my turn?'" As if na gusto kong maging kapatid ko ang chaka doll na nasa harap ko.
Tumawa naman sya ng mahinhin na nagpasinghap sa mga kasama ko sa mesa. Palihim akong napairap.
Tss, pabebe ang amp!
"You're next na magpe-perform as your gift to my birthday dahil alam ko naman na wala ka'ng dala ngayon kaya iyon na lang at sapat na sa akin iyon... Can you?" Masaya nyang saad pero nakita ko ang palihim nyang ngisi sa akin.
Oh great... Sarap nyang sungalngalin! Sobra! Demand ka teh! Wala akong pake kung kaarawan mo!
Napabuntong hininga na lamang ako at ngumiti. "Okay, ate Freya." Cute kong turan.
"I'm so excited to see you to perform, lady Astrid! By the you're so cute." Tuwang-tuwa saad ni Archie, ang childish sa tatlong itlog. Hindi ko alam kung anong ugali ang meron doon kay Sven dahil hindi ko sya nabanggit sa libro.
Nahihiya lamang akong ngumiti sa kanya. Nahihiya ako dahil napapatingin sa amin ang ilang bisita sa kalapit na mesa sa boses ba naman nya na mala-megaphone.
Jusko! Patawarin.
"Go baby sis!" Cheer sa akin ni kuya Alex.
"You can do it, lil sis." Nagulat naman ako nang magsalita si kuya Apollo. Ito ang second time na kinausap nya ako.
Ngumiti lamang ako sa kanya ng matamis. "Opo, kuya Alex. Thank you po." Ngumiti lamang sya maliit, ang gwapo rin nitong si kuya Alex. Kamukha na kamukha nya ang emperor at same time ka-ugali.
Iyon lang. =_=
Like father, like son.
May ugali rin si kuya Alex na nakuha sa emperor. Pero ang hindi ko malaman ang ugali ni Freya, ugaling mangkukulam. Bruha sya eh.
Kanino nya kaya sya nagmana?
To be continued...
October 12, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...