CHAPTER 32

1.3K 58 9
                                    

Rafael Lax's POV

"Kamahalan! Nandito po ang emperor." Rinig ko'ng boses ni Allan mula sa labas ng opisina ko.

"Pasok." Tipid ko'ng sagot at itinuon ang paningin ko sa libro na aking binabasa at nakasuot ng reading glass.

Kahit hindi ko nakikita ay naramdaman ko ang pagpasok ng anak ko.

"Ama, masaya ako na muli kayo makita." Rinig ko'ng sabi nya.

Tinanggal ko ang reading glass at inilapag sa mesa. Malamig ko syang binalingan ng tingin. "How's your business with other Kingdom?"

"Nagkaroon kami ng kaibigang kasunduan at umayon naman iyon. I didn't know na uuwi pala kayo ama, hindi kayo nagsulat sa akin para naman mapaghandaan namin ang iyong pag-uwi."

Tinaasan ko sya ng kilay. "No need. I just want to confirm something at totoo nga, actually binisita ko rin ang mga apo ko especially that little angel." Malamig ko'ng sabi tsaka inilagay sa ibabaw ng mesa ang mga kamay ko at pinasiklop ang mga ito.

Nagtataka syang tumingin sa akin. "Si Freya po ba, ama?"

Matiim ko syang tinitignan. "Si Athena."

Mukhang natigilan sya saglit at tumikhim din. "Bakit nyo po sya binisita?" Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi nya. Makikita sa mga mata nya kalamigan nito.

"Anong sya, anak mo rin iyon at syempre apo ko rin kaya may karapatan akong bisitahin sya. Kaso ang pagbisita ko sa kanya ay hindi maganda dahil sa pagamutan ko sya natagpuan dahil nagkasakit sya. Ngunit ikaw na ama nya ay hindi manlang inalam ang kalagayan nya! Anong klase ka'ng ama! huh!" Galit na galit ko'ng turan at hinampas ang mesa ng malakas kaya dumadagundong ang tunog nito sa buong office ko.

"I don't care about her, dad. She's just unwanted child of that woman." Balewala nyang sabi, tila wala talaga syang pakielam sa apo ko.

Mas lalong uminit ang ulo ko sa sagot nya at hindi na napigilan ang sarili na lumapit at sinapak sya. Hindi ko alam ngunit tila nagkalakas ang katawan ko sa mga oras na ito.

"Damn you! You dimwit jerk!" Galit na galit ko'ng sabi at kinuha ang vase malapit sa akin at ibinato iyon malapit sa pwesto nya dahil sa galit na nararamdaman.

"Hindi kita pinalaki na maging gagong tao! Huwag mo'ng isisisi sa bata ang kasalanan mo! Hindi nya kasalanan na maging ina nya si Lady Asteria at ang ama ka nya!" Galit ko'ng saad at dinuro duro sya.

"You don't know anything, dad! Her mother is the reason why my wife is died! Kaya kapag nakikita ko sya ay bumabalik sa isipan ko kung paano namatay si Felicia. Nawalan ng ina ang mga anak ko!"

"Paano naman ang apo ko, huh?! Sabihin mo sa akin! Ni hindi nya nakita at nakilala ang kanyang ina! Hindi mo manlang pinaramdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ama kahit katiting. Kahit sana ikaw na lang pero anong ginawa mo?!..." Huminga ako ng malalim dahil sa nahihirapan akong huminga.

"Hinayaan ko syang tumira sa malungkot at lumang mansyon na iyon kasama ang mga katulong na hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan sila! But I'm thankful dahil naawa sila apo ko at inalagaan sila kahit mababa lang ang kanilang sweldo. Ikaw na nasa isang maganda at malaking palasyo at nagpapakasaya sa marangyang buhay habang ang anak mo ay naghihirap! Aba! Tarantado ka pala eh! I don't k-know you any—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang biglang dumilim ang paligid at ang pagkatumba ko habang sapo sapo ang aking dibdib na naninikip.

"Ama!" Iyon na lamang ang huling narinig ko.

Third Person's POV

Hindi alam ang gagawin ni Pierce nang makita ang kanyang ama na matumba at nawalan ng malay.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon