Alex's POV
Mga ilang sandali ng paglalakad ay nakakita ako ng kabayo na itim na nakatali sa isang puno. Napalinga linga ako sa paligid kung nandito ang nagmamay-ari nito ngunit wala isang bakas ng anino kaya no choice na kunin ko muna yung kabayo para mapadali ang pagpunta ko sa pagamutan.
Dali-dali akong lumapit sa kabayo at itinanggal sa puno ang pagkakatali.
"Pahiram na muna po." Tanging bulong ko habang iginagala ang paningin baka mahuli ako.
Para lamang akong isang magnanakaw dito.
Pagkatanggal ay agad akong sumakay at pinatakbo ito. "Hiyaa!"
Third Person's POV
Sa kabilang banda sa palasyo ng mga Villena. Ang kani-kaninang tahimik ay biglang nabulabog nang biglang sumigaw ang isang kawal na syang nagbabantay sa gate ng palasyo.
"Everyone get ready the former Emperor is coming!" Sigaw nya nang makita ang karwahe mula sa malayo na may simbolo pamilya at ang kulay nito ay tama ang kanyang hinala na sa ama ng Emperor ang karwahe.
Dahil sigaw na iyon ay nataranta ang lahat at agad nagsikilos. Pati ang mga katulong na nagpapahinga sa isang tabi ay agad napatayo at nagsikilos. Nagluto, naglinis, at iba pa.
"Ang ama ng emperor ay parating na kaya bilisan ang pagkilos para ay ating syang salubungin!" Sigaw na ng pinuno ng mga katulong.
"Paano po 'yan wala ang emperor ngayon?" Nag-aalangan na turan isang katulong.
"Hindi ko rin alam, dahil nasa sa isang mahalagang gawain ang emperor kaya gawin na lamang natin ang mga dapat gawin. Kaya hala! Kilos!" Agad naman sumunod ang lahat.
Sa kabilang banda ang nakaupong si Princess Freya sa garden habang nagtsatsaa habang nakamasid lamang sa kanya ang kanyang lady in waiting. May dumating na isang katulong ay ibinulong sa kapwa nitong katulong na kasama ni Princess Freya.
"Dumating ng walang pasabi ang dating emperor." Bulong na balita nitong sabi na agad naman tumango ang kapwa nya.
Ang lady in waiting ay agad lumapit kay Princess Freya, nang mapansin iyon ay hinintay nya ang sasabihin nito habang umiinom ng tsaa.
"Princess, ang iyong lolo ay dumating." Magalang nitong sabi na agad nabulunan at ikinaubo ni Princess Freya dahil sa narinig na ikinataranta ng dalawang katulong nitong kasama.
"Princess! Okay lang po kayo?!"
"Kumuha ng healer para sa Prinsesa!"
"N-no need to that, just give me a water yung hindi malamig masyado at hindi rin mainit tapos haluan ng lemon." May pagkamaarte nyang utos kahit na inuubo sya, agad naman sumunod ang dalawa.
"Is really lolo here?" Nakataas nyang kilay na tanong sa lady in waiting nya.
Tumango ng magalang ito. "Yes, Princess." Tsaka inilahad sa kanya ang isang basong tubig na may halong lemon.
Napairap sya sa hangin. "Hurry up the water! I need to go to my bed chamber para magkapag ayos ako ng magarang damit. I want to look beautiful sa harap ni lolo." Tsaka kinuha ang baso sa kamay ng katulong at ininom ito.
"Masusunod po, mahal na Prinsesa." Yumuko ang dalawang katulong na napapalunok dahil sa klaseng tingin ni Princess Freya sa kanila.
Umirap muli si Princess Freya sa kanila.
Sa kabilang banda, pagkababa ni Rafael ay ang syang pagsalubong sa kanya ng mga tauhan ng palasyo.
"Maligayang pagbabalik, kamahalan!" Sabay sabay na pagbati ng mga tauhan ngunit malamig ang mukha ng matanda at nagsimulang maglakad patungo sa loob ng palasyo na hindi pinapansin ang mga presensya ng mga tauhan.
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...