Amira/Astrid's POV
Napatingin ako sa kaliwa at nandoon na nakatayo sa isang tabi si dada na nakasuot ng pang heneral knight na syang nagpadagdag ng kakisigan ng dada ko.
"Magbigay galang muna tayo sa emperor, lil sis." Saad sa akin ni kuya na tumango lamang ako kahit gustong-gusto kong lumapit kay dada na nakatingin na sa akin at may matamis na ngiti na nginitian ko rin sya pabalik na mas lalong lumawak ang ngiti nya na narinig ko naman ang ilang comments patungkol kay dada.
Ang may anger issue at may pusong yelo ng heneral ay natunaw na dahil sa isang maliit na angel. Na karamihan sa naririnig ko.
Tumungo naman kami ni kuya Alex sa harapan ng trono ng emperor, di ko feel na tawagin syang ama dahil hindi nya rin naman ipinaramdam kay Astrid ang pagmamahal ng isang ama.
Nag-curtsy kami ni kuya Alex na ngayon ay walang emosyon ang mukha nito. The other side ni kuya Alex.
"Greetings to you father."
"Greetings to you emperor Lexus Pierce Villena the emperor of Vile Empire." Saad ko at yumuko. Ramdam ko naman ang tingin sa akin ni kuya Alex na parang naguguluhan.
Sorry brother pero hindi ko pa kaya na tawagin syang ama dahil sa hindi ko kayang tanggapin sya bilang ama at may dada na ako ngayon at iyon ay si Heneral Radson.
Narinig ko itong tumikhim. "R-rise." Malamig ngunit hindi nakaligtas sa pandinig nito ang pag-crack ng boses nya na hindi ko na lamang pinansin pa.
Sinunod namin ang sinabi nya, hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko kaya.
Hinanap ng mata ko si dada at nakita kong nakatingin din ito sa akin kaya dali dali akong pumaroon sa kanya na hindi na ako nagpaalam kay kuya Alex.
"Dada." Malambing kong tawag sa kanya pagkalapit ko at curtsy sa harapan nya na tila namamangha na nakatingin sa akin tsaka sya ngumiti sa akin ng matamis.
Ang gwapo talaga ng dada ko!
"Good evening, my little angel." Sabay binuhat ako nito at hinalikan ang pisngi na napatawa sa akin ng mahina.
"Good evening too, dada. Na-miss po kita sobra." Paglalambing ko sa kanya.
"Na-miss din kita sobra, my little angel. Alam mo ba, habang nasa labanan ako ay ikaw ang iniisip ko. Kaya binilisan ko tapusin ang labanan para makauwi at makita muli ang aking munting anghel..." Habang may malamlam na mata nyang sinasabi.
"Pero wait... May hindi ka pa sinasabi sa akin, my little angel. Yung patungkol sa ugnayan nyo ng emperor, hmmm?"
Napanguso naman ako sa sinabi nya. Akala ko pa naman ay nakalimutan na nya iyon.
"I'm sorry, dada. I'm forgot to tell you... He said, he was my real father the day na dumating ka rin, dada." Saad ko kahit alam ko naman talaga na tatay ko ang emperor na iyon, hindi pala... Tatay pala ng totoong Astrid.
Hindi ko naman kilala ang mga magulang as Amira. I'm orphanage child na nagsikap sa buhay at naging isang sikat at magaling na doctor.
"He said that?"
"Yes, dada."
Hindi na muli syang nagsalita at pumunta kami sa balcony na meron dito at ipinaupo sa upuan na meron dito. Umupo rin sya sa tabi ko at tinignan sa mga mata.
"Do you still love, dada kahit na hindi ako ang totoong daddy mo?" Malungkot nyang tanong na may malulungkot na mga mata na nakatingin sa akin.
"Of course dada! I still love you even though you're not my real father. You are the one na nagparamdam sa akin na may daddy ako kahit na alam ko naman na hindi ako tanggap ng emperor bilang anak nya pero ikaw, dada... Ikaw ang tumanggap sa akin, kahit sa maikling panahon lang na magkakilala tayo." Hindi ko na napigilan na humikbi, ang katawang bata ang nagkukusa sa emosyon kong ito. Niyakap ko sya ng mahigpit.
Never akong umiyak sa dati kong buhay o hanapin manlang ang mga magulang ko ay hindi ko ginawa. Kahit may kakayahan naman akong gawin iyon, dahil alam ko na walang mangyayari kung iiyak na iiyak lang ako sa isang tabi na tila isang batang sabik sa piling ng magulang. Kaya tinagurian ako ng mga tao na nasa paligid ko na babaeng may pusong bato, kahit noong bata pa ako.
I'm just a quiet but heartless child na hindi biniyayaan ng magulang pero kahit ganoon ay natuto ako sa murang edad na maging makontento sa kung anuman na meron ako at never sumagi sa isipan ko ang mga magulang ko.
Pero ngayon ay iba na... Nagiging iyakin na ako.
"Dada..." Tumingala ako sa kanya. Malambing naman nyang tiningnan din ako pero nandoon pa rin ang lungkot at pag-alala nang makita nya ang luha sa pisngi ko.
"Yes, my little angel?" Malambing nyang tanong.
"Don't abandon me, please?"
Sa hindi ko inaasahan ay nagulat ako nang lumandas sa mga pisngi nya ang mga luha.
Binanggit sa libro na never umiyak ang heneral except noong bata sya noong namatay ang nanay nya pero pagkatapos nang araw na iyon ay hindi na sya umiyak pa. Naging matigas damdamin at laging may galit sa mundo ito, walang awa at walang sinuman ang nagpaamo sa isang mabagsik na heneral na ibang-iba sa nasisilayan ko ngayon.
Naramdaman ko ang mahigit ngunit maingat na yakap nya sa akin. Naririnig ko ang mga hikbi nya at ramdam ko ang basa sa balikat ko na lalo akong nagpahikbi.
"I'll never ever abandon you because you are my everything, my life, my baby, and my little angel..." Hinawakan nya ang pisngi ko at maingat nya itong hinaplos habang nakatitig sa mga mata ko. "Remember that your dada is always love you, okay my little angel?"
Tumango ako at ngumiti. "I will, dada." Tsaka nya hinalikan ang noo ko.
Kung siguro kung nasa katawan pa rin ako as Amira ay kikiligin ako kaso hindi dahil iba ang nararamdaman ko ngayon. Ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin bilang isang ama. Kahit hindi ako sa kanya nanggaling ay ramdam ko pa rin na he owns me like his own child.
Pagkatapos ng pagdadrama namin ay pinanood namin ang isang napakagandang tanawin mula sa kalangitan. Ang hindi ko inaasahan na magkakaroon ngayon dahil bihira lang magkaroon ng ganito sa kasaysayan.
Ang meteor shower.
Third Person's POV
Kasabay ng meteor shower ay ang syang paglabas ng mga tao mula sa loob ng palasyo at sabay sabay nila itong pinanood ngunit sa likod ng mga ito ay may isang tao malapit sa dalawa na nasa balcony na nakapanood sa nangyari ay biglang nalungkot at umalis.
Hindi nya maintindihan ang sarili ngunit lalo syang nalungkot nang makita ang nakakainggit at makapagbagbag damdamin na senaryo mula sa balcony.
He realized something. He never felt this in his whole life but surely and enough...
He regretted for everything.
To be continued...
September 23, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...