CHAPTER 44

399 25 11
                                    

Third Person's POV

Sa isang madilim at tahimik na kwarto ay naroon nakatali ang isang babae, ang kaninang matandang pagmumukha nito ay napalitan ng makinis na balat. Nanghihina dahil sa maghapon na walang kain at tubig lamang.

Biglang bumukas ang pinto ng nasabing kwarto. Pumasok ang isang batang mala-anghel at inosente nito mukha ngunit may kakaibang katauhan ang nakakubli rito mula sa kanyang sa mga ngiti at may dala itong pagkain.

"Good evening, nagugutom ka na ba hmm?" Sabay hagikgik nito at inilapag sa isang lumang mesa ang pagkain at tubig.

Dumilat ang babaeng nakatali at bakas sa mukha nito ang takot. "S-sino ka?! Isa ka'ng demonyong bata ka!" Nanghihina nitong sigaw.

Ngumisi si Astrid slash Amira at umupo sa isang silya paharap sa babae. "Thanks for compliment. Ngunit hindi ko akalain na makikita ko ng tunay mo'ng anyo at sa wakas nahuli rin kita, the most wanted serial killer ng Vile Empire. Magkano kaya ang patong sa ulo mo?"

Bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat. "P-paano mo nalaman?"

Ngumiti si Astrid ng matamis. "Bago ko sagutin 'yan, kumain ka na muna ng huling hapunan mo para sa gabing ito bago ko sagutin ang tanong mo at patawan ka ng paghatol mula sa akin... Kung mabubuhay ka pa."

Nilapag ni Astrid ang pagkain sa harap nya. Tiningnan nya ang babae diretso sa mga mata na walang mababakas na emosyon. "Tatanggalin ko ang pagkakatali ko sa'yo ngunit subukan mo lang manlaban o anuman, sisiguraduhin ko'ng mabubura ka sa mundong ito ng walang bakas ng anumang katauhan mo na tila hindi ka umiral kailanman." Tsaka sya ngumiti ng matamis pero para sa babae ay nakakatakot ito.

Mabilis na tumango ang babae at umiwas ng tingin. Tinanggal ni Astrid ang spell mula sa tali at umupo muli sa upuan at pinagmasdan ang babae na kumakain na tila hindi nakakain ng ilang araw.

Amira/Astrid's POV

Pinagmamasdan ko syang kumain. "What's your name ms?"

"Adeline." Turan nya habang kumakain. Tumango lamang ako.

"Anong dahilan kung bakit ka kumukuha ng mga mata ng mga batang babae?”

"I'm mesmerized of their eyes so i love colleting eyes, your eyes was so interesting too." Nakangisi nyang saad habang kumakain. Tiningnan ko ng maigi ang mga mata nya.

Kumunot ang noo ko. "Gusto mo, mata mo ang kunin ko ngayon at ibenta ko." Inis ko'ng sabi.

Kitang napalunok sya sa sinabi ko pero hindi pa rin nawawala ang nakakainis nyang ngisi. "Binibiro lang kita."

"Biruin mo na ang lahat, huwag ko ako. Gusto mo yatang mamatay na walang paghatol... Ano tapos ka na kumain? " Nakataas kilay ko'ng tanong.

Tumango naman sya. "Sagutin mo ang tanong ko kanina. Sino ka?" Tanong nya.

"Hindi ako sinuka, inere ako." Irap ko'ng sagot.

"Huh?"

"Hakdog... Isang lamang akong bata hmm." Kimi ko'ng saad. Syempre hindi ko sasabihin na ibang soul ang nasa katawan na ito.

"Ano na ang gagawin mo sa akin?" Nakakunot nyang tanong.

Ngumiti ako at tumayo tsaka mabilis syang tinali muli. "I know you are lying."

"I'm not!" Turan nya ngunit napansin ko ang pag pula ng mga tenga nya.

"Hmm?" While tapping my shoes on the ground impatiently.

Napansin ko rin ang pagpapawis at lihim nyang paglunok. "I swear I'm not lying." Balisa nyang saad.

"For what you're not lying?" Mabilis ko'ng turan habang tinitingnan ko sya ng maigi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon