Amira/Astrid's POV
Napamulat ako nang makarinig ng katok mula sa pintuan.
"Lil sis, si kuya 'to."
"Pasok po." Sabi ko at inabangan ang pagpasok nya.
Napangiti sya nang mapadako ang paningin nya sa akin. Nakasuot sya ng black cloak na ikinataka ko. Kriminal na ba sya? O hinabol sya ng mga admirers nya?
Kahit pa naman bata si Alex ay marami na syang admirers kaya hindi na ako magtataka na magtago at magsuot ng ganyan. Pero nagmumukha syang miyembro ng isang kulto sa ayos nya.
"Kuya, alagad ka ba ng kulto?"
Lumapit ito sa akin habang nakakunot ang noo. "What? Anong kulto ang sinasabi mo?"
Napailing na lamang ako dahil hindi pala uso dito ang salitang kulto. "Nevermind na lang po. By the way, bakit ka po nandito?"
Ngumiti sya ng matamis at umupo sa upuan na katabi ng higaan ko. "Gusto lang kitang makita at syempre aalagaan ka ni kuya. Dahil nabalitaan ko ang pagkakasakit mo kaya sobra akong nag-alala ganu'n si kuya Apollo." Sabi nya at may kinuha sa bulsa nya na isang maliit na kahon, inabot nya sa akin ito.
Taka ko syang tiningnan at ang kahon na hawak ko, ngunit saglit na natigilan nang may maramdaman akong kakaiba. "Ano po ito?"
"Hindi ko rin alam, hindi ko kasi tiningnan kanina. See it yourself, lil sis."
Agad ko naman syang sinunod. Tumambad sa akin ang isang bato na umiilaw na kulay sky blue, kinuha ko ito at pinagmasdan. Sobrang ganda ang itsura nito at mukhang mamahalin dahil na rin sa quality ng bato, mukhang hindi rin ito ordinaryong bato.
"Kleo ano ang tawag sa batong ito?"
"Hmmm ang sarap sa pakiramdam... Tingin ko isa itong blue ignite kung saan nagbibigay sa iyo ng mainit na pakiramdam at binibigyan ng lakas ang kung sinuman na makakahawak nito."
"Thank you sa information hehe." He giggled.
"You're welcome, master."
Woah! Ang galing naman ng batong ito!
Kung siguro ay nasa mundo ko pa nakita ito, panigurado mahal ang benta nito. Limited edition.
"Ang ganda nito, kuya!" Ipinakita ko rin sa kanya ang bato.
Pakiramdam ko ay kumikinang ang mga mata ko habang nakatingin sa batong hawak ko. Ang sarap sa pakiramdam ng init nito, tila bumalik rin ang lakas ko.
Napa-wow sya nang makita nya ang hawak ko. "Woah! Napakagara naman ni kuya. Ang pagkakaalam ko ay bihira lang mahanap ang ganitong klaseng bato at mahal presyo na katumbas ng dalawang taon na sahod ng mga tauhan sa palasyo." Mentally akong napangiwi sa sinabi nya.
W-wews, ang mahal nga talaga. Sana all mahal char!
"Bakit parang lumakas yata ako, kuya?" Inosente ko'ng tanong kahit alam ko naman baka kasi mabigla sya na isang batang katulad ko ay alam ko ang mga ganitong klaseng bagay.
"I'm glad to hear that. It's looks like na effective iyang bato at salamat kung ganu'n." Tsaka nya hinaplos ang buhok ko.
Tumango tango ako ng bahagya sa sinabi nya.
"Eh ikaw kuya, nasaan naman yung sa'yo? Hehe."
Napakamot sya ng ulo. "Wala naman akong dala pero sapat na nandito ako. Isang napakagwapong regalo." Sabay taas baba nya ng kilay habang may ngisi sa labi.
Natawa ako. "You're funny, big brother."
Napanguso sya. "Bakit hindi ba totoo na gwapo ang kuya mo?"
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...