CHAPTER 17

2.1K 86 15
                                    

Amira/Astrid's POV

Matapos ang gabing iyon ay nagulat na lamang ako sa binalita ni nanny Layla at ng iba pang katulong.

Ang pag-viral namin ni kuya Alex noong binigyan namin ng pagkain ang mga pulubi nang mamasyal kami sa social media at ganun din ang viral video ko kagabi na kumanta ako.

Hindi ko naman akalain na may nag-video pala sa amin ni kuya noong araw na iyon.

"Master..." Napatingin ako sa side ng kama ko nang marinig ang boses ng magical beast ko na si Kleo.

Nakahiga lamang ako habang nasa tabi ko si Kleo at nakahilata din. Sa totoong lang boring, namimiss ko na magpunta sa mall tapos maggala gala tuwing day off pero ngayon walang mall dahil pa naman nauuso dito.

"Hmmm, bakit Kleo?"

"Nararamdaman ko na may gustong maging spirit guardian mo."

Napakunot ako ng noo. "What do you mean?"

Hays buti na lang at mga busy ang tao ngayon baka may makarinig pa sa akin sa labas na nagsasalita mag-isa.

"They're are four, master. The earth, air, water, and fire, master. But I know na hindi kakayanin ng katawan mo ang sabay sabay na pagtawag sa kanila at pagkakaroon ng kontrata." May pag-aalala nyang saad.

Totoo ang sinabi nya, maliit at bata pa ang katawan ko pero ang isip at diwa ko ay nasa twenty-four years na! My gosh!

Napabuntong hininga na lamang ako. Like ugh! I want to grow up! Pero hindi ganu'n kadali.

"I need train more. For my pain endurance, but I need your help for this. Kailangan kong magsanay na walang nakakakita, ayaw kong malaman ng iba na may spirit guardian na akong naipapalabas. Hindi pa ito ang tamang panahon." Saad ko.

"Yes, master I understand. I'll do it for you, basta lagi kayong mag-ingat dahil maari kayong mapahamak sa kung sinuman ang makaaalam ng lihim mo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. May alam ba sya tungkol sa totoong pagkatao ko?

"What do you mean, Kleo?"

Umiling lamang sya. "Nothing, master. I'll go for now, sasabihin ko na lamang sa kanila ang dapat sabihin." Then he lick my left cheek that makes me tickles. I giggled.

Ngumiti lamang ako ng tipid. "Thank you, Kleo." Cute kong turan at nag-form heart shape sa kamay.

He giggled. "You are so cute, master hehe. Bye." Then bigla na lang sya naglaho na parang bula.

Binalik ko ang titig sa kisame at hindi ko na lamang namalayan na nakatulog na pala ako.

Napatingin ako sa paligid nang tila nag-iba at wala ako sa kwarto, madumi, hindi gaano nasisinagan ng liwanag ng araw, malamig. I think nasa dungeon ako dahil ganitong ganito rin ang paglalarawan na nasa libro. Ngunit nagising ako sa realidad at napalingon ako sa isang iyak.

"Papa..." Nanghihinang bulong ni Astrid sa sarili habang nakaupo sa malamig na sahig at nakayakap sa sarili.

Naawa ako sa itsura nya. Puno ng pasa at madumi ang itsura nya, pumayat din ito. Gusto kong lumapit pero parang may pwersa na pumipigil sa akin na lumapit sa kanya.

Hindi ako makakilos sa pwesto ko tila ang nais lamang ng kung sino na manood lang. Gusto ko syang lapitan at itakas sa lugar na ito tsaka ilayo sya sa mga hampaslupa kaso hindi ako makaalis sa pwesto ko na para isang statue.

Aba! Sino kaya ang may gawa nito nang masapak ko kahit isang beses at pa-duguin ang ilong nya hanggang sa maubusan sya ng dugo!

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon