Amira/Astrid's POV
"Good morning, baby." Nakangiting bungad sa akin ni dada pagkagising ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya lalo't ngayong araw ay discharge ko na! Tapos ngayong araw din ay titira na ako sa bahay ni dada at simula sa araw na ito ay ganap na ako bilang si Astrid Athena Calliope Quartz, hindi na bilang miyembro ng pamilyang Villena kahit hindi ko naman naramdaman na maging isang Villena, the Royal family. I'm just an outsider dahil iyon naman ang tingin sa akin ng magaling ko'ng ama.
I'm his illegitimate unwanted child.
But now, I don't care about it cause I have my dada to my side.
"Good morning, dada! And I miss you so much!" Bibo ko'ng turan sa knya.
Napaka-blooming nyang tingnan, akala ko babae lang ang nagiging blooming pati pala lalaki.
Kinarga at niyakap nya ako nang makalapit sa akin. "I missed you so much too, baby. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakapunta dahil pinaayos ko pa ang mansyon, lalo na ang iyong magiging kwarto..." Napangiti ako, humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako ng diretso sa mga mata tsaka ngumiti ng malawak.
"Are you excited to your new home, baby?"
Mabilis akong tumango. "Yes na yes po! Nai-imagine ko na po kung anong itsura ng mansyon nyo lalo na yung magiging kwarto ko." Tila nagniningning ang mga mata ko'ng sabi.
Nakita ko'ng pumula ang mga pisngi nya at mahina syang napatawa kaya napangiti ako. Palihim ko'ng binasa ang nasa isip nya.
'Oh god! She's so cute!' Mentally akong napahagikgik. I'm sorry dada to read your mind without knowing it.
Habang nasa pagamutan ako these days ay hindi ko na sinayang ang pagkakataon na magdiscover pa ability ni Astrid at isa ito sa na obtained ko, ang makabasa ng iniisip ng iba at mabasa ang bawat galaw ng bibig ng tao.
Ganu'n din ang time and space ability ko. Parang si Obito sa Naruto using his sharingan ngunit may pagkakatulad kami dahil bigla na lamang nagkaroon ng glitch na ocean blue ay may halong violet ang kanang mata ko.
Ang time and space ability ko ay pwede ko'ng gawin taguan, just in case lang naman. Dahil limit pa rin tapos hindi ko namamaster ang paggamit ng kanang mata ko.
"Pero dada, magbibihis na muna ako." Nakanguso ko'ng sabi.
"Kailangan mo ba ng tulong?" Malambing nyang tanong.
Agad naman akong umiling. "Hindi na po, kaya ko naman po at big girl na po ako."
Natawa naman sya ng mahina at mabilis na hinalikan ang kaliwang pisngi ko.
"Are you sure?" Malambing nyang tanong habang mga mata nito ay namumungay.
"Yup!" Sabay nagpababa ako sa pagkakarga at kaagad na kinuha ang damit na susuotin bago tumakbo papuntang banyo ng kwartong 'to.
"Careful, baby!" Rinig ko pa'ng sigaw nya ngunit huli na dahil nakapasok na ako ng banyo na hindi nadadapa.
Matapos ko'ng magpalit ay lumabas na ako at bumungad sa akin ang nakaupo sa couch si dada. Nakacrossed arm ito na mukhang hinihintay ako sa paglabas. Tumingin sya sa gawi ko at ngumiti na gumanti rin ako ng ngiti.
"Adorable baby. Let's go!" Napatawa na lamang ako ng mahina na lumapit sa kanya. Sya ang may hawak ng gamit ko at sabay kaming lumabas ng kwarto.
"Kyah!" Biglaang tili dahil kinarga lang naman ako ni dada. "Nakakagulat ka po." Sabay huminga ng malalim.
Narinig ko'ng tumawa sya ng mahina. "I'm sorry kung nagulat kita, baby. Gusto lamang kitang kargahin dahil baka mapagod ka pa ng husto."
Napanguso ako sa sinabi. "Baka ikaw po ang mapagod dahil ikaw po ang may dala ng gamit ko tapos karga mo pa ako."
Hinalikan nya ang noo ko. "Nah, hindi basta-basta napapagod ang dada. Isa yata akong Heneral na kilala sa pagiging malakas at matapang kaya hindi ako mapapagod agad lalo na sa akin pinakamamahal na anghel ng buhay ko at ikaw iyon, baby." Proud nyang sabi at flinex nya kaliwang braso na malaki at siksik sa muscle habang buhat ang gamit ko.
E-ehem! Oh Lord huwag po muna sumapi ang malandi ko'ng katauhan!
"Wow! Ang laki ng braso mo po, dada." Mangha na sabi ko habang nakatingin pa rin sa braso.
Natawa naman sya at hinalikan ang pisngi ko na halatang nanggigigil. "So adorable." Tila kumikinang ang mga mata nya habang sinasabi iyon at diretso ang tingin nito sa mga mata ko.
Namula ako dahil tingin nya sa akin. Ang gwapo talaga ni dada! Kung nandito lang sana si Carlo ay paniguradong lagi yun nakabuntot kay dada at lalandiin hahaha.
Ngunit natigilan ako nang biglang tumunog ang tiyan ko. Nakita ko'ng na natatawa sya kaya nahihiya akong napayuko. "Awww my baby is hungry."
"Hehehe..." Tsaka yumakap sa leeg nya at sumubsob dito, alam ko'ng namumula na ako. Tae 'yan!
"What do you want to eat?"
"Anything po na available na pagkain basta kasama po kita." Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko at ang paghaplos nito. Dahil sa ginagawa nya ay nakaramdam ako ng antok. It makes me relax.
Someone's POV
Nakangiti akong pinagmamasdan mula dito ang little angel ko. She's so beautiful to be mine someday.
Kahit nakakaramdam ako ng inggit ngunit agad ko yun tinanggal sa aking isip dahil alam ko naman ama nya iyon at masaya ako dahil inaalagaan nya ito kahit hindi nya kadugo.
Naalala ko pa noong una namin pagkikita sa banquet. She's so cute at the same time beautiful from her red gown with butterflies and red roses design.
Hindi matanggal ang paningin ko sa kanya kahit maraming nakatingin sa akin ay nasa kanya pa rin ang atensyon. Lalo akong nabighani sa kanya nang kumanta na sya, ang lungkot nga lang ng kanta at bago ito sa pandinig ko pero hindi iyon hadlang sa kanyang boses na mala-anghel na kay sarap pakinggan ng paulit ulit at hindi nakakasawa.
Habang patagal na patagal ang pagtitig ko sa kanya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Oo, isa lamang akong bata ngunit kahit ganun iba na ang aking pag-iisip kaya naman alam ko ang ibig sabhin nito.
Ang dating malamig ko'ng puso ay natunaw na lang basta basta nang dahil sa kanya. Ang aking munting anghel na para sa isang demonyong katulad ko na wala naman nakaaalam.
"I'll wait for you until the right time that you be mine and become my wife, my baby... No one can take you away from me." Seryoso ko'ng sabi sa sarili habang nakatingin pa rin sa kanilang mag-ama na papalayo at sumakay sa kanilang karwahe.
Napahawak ako sa tenga nang maramdamang nag-iinit ito at dali daling umalis.
My heartbeat again!
To be continued...
February 6, 2024
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...