CHAPTER 9

2.3K 86 2
                                    

Amira/Astrid's POV

Matapos ang tagpong iyon ay hindi rin nagtagal ang emperor dito sa mansion dahil sa may meeting ang lahat ng mga queens and kings sa ibang parte ng Vile Empire.

Na syang magandang balita sa akin. Iyon nga lang kasama doon si dada sa pagpupulong kahit gusto ko man syang mag-stay para magkaroon kami ng bonding, yung isa d'yan na epal sa moment namin.

Nakasimangot pa!

Kaya heto ako nakatambay sa garden habang umiinom ng gatas. Mas masarap ang gatas dito kaysa sa dati kong buhay. Organic ba naman, fresh from the cow.

Habang nasa kalagitnaan ako pagsilay sa mga paru-paro na nandito ay biglang dumilim ang paningin ko, kasabay nito ang amoy syang pamilyar sa akin talaga.

Saan ko ba ito naamoy?

"Do you know me, lil sis?" Malambing nyang boses na sabi.

Lil sis?....

Ngumiti ako. "Bwother (brother) Alex?!" Masaya kong hula.

Binitawan naman nya ang mukha ko kaya humarap ako sa kanya at ang nakangiting gwapong mukha ang bumungad sa akin.

Sheesh! Kahit bata pa lang ang gwapo na, paano pa kaya kapag nasa 17 na sya.

Dinambahan ko sya ng yakap. Na-miss ka na sya!

"I missed you kuya." Malambing kong saad.

Niyakap naman nya ako. "I missed you too, lil sis..." Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako na may malungkot na ekspresyon.

"Pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw sa'yo, masyadong kasi todo bantay sa akin si kuya Apollo."

Umupo na ako sa dati kong upuan at umupo naman si kuya sa upuan na nasa harapan ko.

"Mamamasyal po ba tayo, kuya?" Nagniningning ang mga mata kong tanong.

He chuckled. "Oo naman, lil sis. Buti nga at nakatakas ako sa palasyo para sa'yo."

Natawa ako. "Ang pilyo mo pala kuya." Natatawa kong sabi.

Natawa naman sya habang nagkakamot ng ulo. "Tara na nga pero bago tayo umalis, suotin mo muna ito para parehas tayo." Tsaka nya nilabas ang dalawang maskara pero may style ito.

May design na butterfly ang akin at black raven naman ang kat kuya Alex. Sinuot nya sa akin ang maskara at ganun ang sa kanya.

"Ano sa tingin mo kuya, bagay po ba?" Cute kong tanong.

"Yup! You're so cute, lil sis. How about me, ang gwapo ba ni kuya?" At nagpapogi pose sya.

"Yes na yes po! Tara na kuya, excited na po ako." Habang hinihila ang kamay nya.

"Alright! Let's go, lil sis!"

At sabay kami umalis sa South Cold Mansion. Sumakay kami sa karwahe na dala nya at nagpahatid sa Capital ng Vile ang Merchant.

Pagkababa namin ng karwahe at napanganga ako sa ganda ng Merchant. Ibang klase!

Ang daming nagtitinda ng kung ano-ano, may mga nagsasayawan at kung ano-ano pa. May mga designs pa ang paligid at marami ang mga tao na yung iba ay mukhang mga dayo. Mukhang may okasyon na nagaganap dito.

"Wow!" Tanging sambit ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.

"Tunay na nakakahanga ang lugar na ito. Marami tayong mabibili at mapupuntahan dito."

"Totoo nga kuya. Anong meron ngayon, kuya?"

"May bazaar kasing nagaganap ngayon. Taon-taon ay mayroong ganitong event. Tapos sa gabi ang mga royals at nobles ay magkakaroon ng banquet sa palasyo, pero..." Biglang lumungkot ang mukha nya.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon