CHAPTER 19

2.1K 90 13
                                    

Amira/Astrid's POV

"Baby, where do you want to go?" Tanong nya sa akin habang nakain kami ng tanghalian.

Napahawak ako sa baba ko at tumingin sa itaas. "Ummm... Ano... Hindi ko alam hehe..." Nahihiya kong turan at napakamot sa ulo.

Natawa sya sa reaksyon ko. Hindi ko naman alam ang mga magagandang lugar na pwedeng pasyalan, since hindi ako makalabas at makagala dahil sa bata ako tsaka ayaw rin ni nanny Layla na lumalabas labas ako kasi daw baka may kumuha sa akin na mga bandido sa tabi tabi at baka daw mawalan sila ng cute na magandang anghel sa mansyon na ito. Sumunod na lamang ako dahil kailangang maging masunurin akong bata, kahit ang totoo ay naiiyak ako sa inis.

And the most annoying reason is I'm just 4 years old for pete sake!

Ang gusto ko lang naman ay maging si Dora sa panahong ito.

"But dada, gusto ko po sana doon sa maraming butterflies." Dagdag ko at sumubo. Gusto nya akong tulungan sa pagkain ko pero tumanggi ako agad dahil gusto ko rin na kumain din sya na walang abala.

Mukhang napaisip naman sya sa sinabi ko. Ngumiti sya sa akin, may naisip na siguro.

"Doon tayo sa Mirth Meadows. Ang pagkakaalam ko ay malayo layo dito 'yun pero kahit ganu'n ay maraming flutterbys doon."

Biglang nagniningning ang mga mata ko, but wait, fluttebys? Did he mean butterflies?

"Describe more, dada."

"A vast meadow filled with colorful, sweet-scented flowers that change colors with the time of day. The meadow is home to gentle creatures like flutterbys - butterfly-like creatures that radiate soft, warm light. It's an ideal spot for a daytime outing filled with exploration and wonder... 'Yun lang, baby." Detalyadong saad nya.

Woah! Nasa fantasy book talaga ako!

Napapalakpak na lamang ako sa pagkamangha. Dali-dali kong inubos ang pagkain na nasa plato ko.

"Just slow to eat, baby." Natatarantang nyang saad.

Ngunit late na sya. Napadighay ako sa kabusugan kaya napatakip ako ng bibig.

"Oppss hehe... Akyat lang po ako dada para maligo tsaka dadalhin ko na rin po yung art materials ko." Agad akong bumaba sa upuan kahit nahirapan ako ng kaunti dahil may kataasan ito, napatayo pa nga si dada nang makitang nahihirapan ako sa pagbaba pero keri ko lang. Lumapit sya sa akin at inalalayan ako.

Independent person be like.

"Careful. Ihatid na kita kwarto and ask to your nanny na ayusan ko, hmm okay?" Saad nang maibaba ako.

Napanguso na lamang ako. "Pero dada, I'm big girl now."

Napabuntong hininga na lamang sya. "But still no, baby. I'm worried for you. Don't be stubborn, okay baby? Listen to dada."

Nakanguso akong tumango tango. Wala naman akong magagawa. Dada is still my dada, the bossy heneral of Vile Empire.

Binuhat nya ako at hinatid sa harap ng kwarto ko. "Umupo ka muna sa kama mo at hintayin ang nanny mo."

Ngumiti lamang ako ng matamis. "Oki doki." Cute kong turan na ikinatawa nya ng mahina pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpula ng mga tenga nya. Pumasok na ako sa loob at sinunod ang sinabi nya.

Matapos akong paliguan at ayusan ni nanny Layla ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nagniningning ang mga mata ng nanny ko habang pinagmamasdan ako.

"Napakaganda mo talaga, princess." Mangha nyang saad.

"Thank you nanny for this hehe." She just chuckled.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon