CHAPTER 6

2.3K 89 4
                                    

Amira/Astrid's POV

Nagising ako sa ingay sa labas ng mansion. Tunog ng mga kagamitan na panlinis at mga taong nag-uusap, ang iba naman ay nagtatawanan.

Hmm... Mukhang naglilinis sila sa labas.

Bakit kaya?

Pumunta ako sa bintana at binuksan ito. Bumungad sa akin ang mga naglilinis ng mga katulong at hardinero dito.

Napatingin sa akin si Penny na isa mga katulong dito sa mansion at masayang kumakaway sa akin.

"Magandang umaga, munti naming prinsesa! Ang cute nya grabe!"

Dahil sa ginawa nya ay lumingon ang lahat sa gawi ko at kumaway din, mukhang masasarap ang gising nila. Ang lively kasi ng aura.

"Magandang umaga sa napaka-cute namin na prinsesa!" At kanya kanya nilang bati.

"Magandang umaga rin po sa inyong lahat!" Masigla ko rin na bati sa kanila at kumaway pabalik.

Sa buong buhay ko na nandito ako sa mansion na ito ay ngayon ko lang napansin ang paglilinis nila sa labas na hindi naman nila gawain. Sa katunayan ay wala naman sila pakielam kung hindi malinis sa labas dahil puro dahon lang, except sa garden dahil natambay ako doon.

Anong meron?

Dahil curious ako sa nangyayari ay dali-dali akong pumunta sa banyo at nagligo mag-isa na wala ang tulong nila nanny Layla. Tinuruan ko ang katawan ko na mag-ayos ng sarili. Ayoko naman na umasa sa iba lagi.

Matapos kong magbihis ay umupo ako sa harap ng vanity mirror at nagsuklay.

Kamusta na kaya si dada?

Napangiti ako agad sa aking naiisip. Lumipas na ang tatlong araw simula na magkita kami ay masaya pa rin ako. Alam kong busy ngayon si dada dahil pumunta sya sa silangan kung saan ang boundary ng east Vile.

Namimiss ko na si dada!

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumungad sa akin ang mga aligagang mga katulong sa paglilinis at pag-aayos ng mansyon.

Lumapit ako sa isang katulong na nagpupunas ng vase. Hinila ko bahagya ang laylayan ng damit nya. Tumingin naman ito sa akin at tila nagkislapan ang mga mata nya nang makita ako.

"Ano pong meron?" Inosente kong tanong.

Hindi ko mapigilan ang pagiging isip bata pero okay na rin naman para hindi ako mapagkakamalan na weird sa mga mata nila.

"Darating kasi ang emperor para tingnan ang mansyon, prinsesa."

Mentally akong napataas ng kilay sa narinig. Anong nakain ng isang iyon para pumunta pa dito?

Akala ko ba abandonado na ang mansyon na ito?

May lamig siguro utak no'n?

"Sige po. Salamat po." Tanging turan ko.

Ngumiti naman sya akin at bumalik na sa ginagawa. Umalis na ako at tumungo sa kusina para magpaluto ng pagkain, agahan lang. Kahit gustuhin ko man magluto ay hindi pwede dahil pinagbawalan ako ni nanny Layla, baka daw masugatan daw ako.

Pagkarating ko sa kusina ay hinanap ko agad si Layla. Hindi naman ako nabigo kahit magulo ngayon ang kusina dahil busy ang lahat.

Agad naman akong lumapit sa kanya at hinila ng bahagya ang palda nya. Bakas sa mukha nya ang pagod kahit umaga pa lang. Nang mapalingon sya sa gawi ko ay nawala ang pagod sa mukha nya at napalitan ito ng matamis at malambing na ekspresyon.

"Magandang umaga sa'yo, munting prinsesa. Pasensya na at hindi kita na ayusan kanina." Malambing nyang turan na may halong lungkot.

Ngumiti na lamang ako ng matamis para masiguro sa kanya na ayos lang sa akin. Ayaw kong maging pabigat sa kanila.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon