CHAPTER 43

490 30 10
                                    

Amira/Astrid's POV

Nagising ang diwa ko nang may yumugyog sa akin. Hmmm... Gusto ko pa na matulog huhu.

"Gusto ko pa'ng matulog." Ungot ko at nagtalakbong ng kumot.

Late na kaming nakauwi ni Kleo dahil sa inilagay pa namin sa basement yung matandang iyon at nilagyan ko ng anti magic barrier ang basement para hindi sya makagamit ng magic, itinali ko na rin para secured.

"Gising na mahal na namin'g prinsesa at may pasok ka pa." Malambing na sabi ng kung sino habang hinahaplos ang buhok ko.

Kahit inaantok pa ay pinilit ko'ng bumangon na nakapikit pa rin. I yawn at umungot.

"Inaantok pa ang young lady namin haha. Pero bangon na, aasikasuhin ka na mga maids dito. Bumaba ka na lamang para kumain ng agahan, we'll wait you." Paalala nya ng kung sino.

Kaya no choice dumilat na at bumungad sa harapan ko si kuya Mario na mukhang naaaliw sa nakikita nya.

"Good morning, kuya Mario." Habang nakangiti ng matamis pero bakas pa rin sa boses ko ang antok.

"Good morning too, my young lady." Then he kissed my forehead.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagpaalam na sya. Ipinaubaya ko sa maid ang pag-aasikaso sa akin.

"Salamat po." Pagpapasalamat ko sa maid na hindi ko alam ang pangalan nang matapos nya ako ayusan. Ngumiti lamang sya at tila kumikinang ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.

Nagtataka lamang ako na nakatingin sa kanya. I just shrugged.

"Halika na po at ihahatid na po kita sa hapag-kainan, young lady."

"Okay po." Masigla ko'ng tugon dito.

I heard her little squeal but I just smile and chucked.

Kamusta na kaya ang matandang 'yun? Panigurado hindi pa 'yun kumakain. Bibisitahin ko na lang sya mamayang gabi at syempre maglalaro kami.

Doon naman sa batang babae ay inilagay ko sya sa special room na nadiskubre ko lamang noong naglibot-libot ako dito sa mansyon, nagsisilbing hideout ko na rin para sa mga experiments ko. Hanggang ngayon ay namamahinga pa rin sya kaya mamaya rin na uwian ay pupuntahan ko para sa mga katanungan.

"Good morning everyone!" Masigla ko'ng bati kila kuya na nakaupo na at ako na lamang ang hinihintay.

Good mood ang lola nyo.

"Good morning, young lady. Mukhang masarap ang tulog mo." Saad ni Kuya Marco at pinaghila nya ako upuan.

Kulang nga tulog ko eh hmp! Pero syempre hindi sasabihin iyon baka magtaka eh, ang lakas pa naman mga pakiramdam ng mga ito.

"Thank you, kuya." Tanging tugon ko at hindi na pinansin ang sinabi nya.

"Kanina lang inaantok ka pa pero ngayon grabe ang energy mo haha." Natatawang saad ni kuya Mario.

Napasimangot naman ako. "Ang ingay kasi tapos may pasok pala ako akala ko Stoneday (Sunday) pa lang."

"Haha don't worry young lady mabilis lang ang araw."

"Namimiss ko na rin si dada. Isang linggo na syang wala dito." Saad ko sa kawalan tsaka kumain na lang ng tahimik.

Wala akong narinig na tugon nila kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagkain.

Third Person POV

Natahimik ang tatlo ng marinig ang sinabi ni Astrid. Alam nilang namimiss ng bata ang ama nito ngunit nalulungkot din sila dahil pagkauwi ng Heneral ay kailangan na nilang umalis upang gawin ang iba pa'ng bagay bilang isang knight.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon