Amira/Astrid's POV
Narito kami sa isang kwarto na para sa amin ni dada na ipinahanda ng emperor. Hindi na rin lugi dahil malawak at maraming mamahaling gamit mula sa iba't ibang bayan. King size din ang bed.
Hindi na rin masama. Hindi naman pala ganun kakuripot ang emperor na iyon. Akala ko sa isang simpleng kwarto nya kami pananatilihin.
Kasalukuyan akong nakasandal sa headboard ng kama at nasa harapan ko si dada na hinahaplos nito ang buhok ko.
"How's your feeling now hmmm?" Malumanay nitong tanong.
"I'm fine now, dada. Nagugutom lang po." Nakanguso ko'ng sumbong.
Napabuntong hininga lamang sya. "Don't worry, nag-utos na ako na magdala ng pagkain natin."
Tumango lamang ako at ngumiti sa sinabi. Mga ilang sandali ay may kumatok kaya binuksan ito ni dada.
"Bakit ang tagal nyo maghanda ng pagkain? Kanina pa nagugutom ang anak ko." Seryoso ngunit may halong inis ang boses nya sa kausap nyang katulong na ngayon ay nanginginig na sa takot.
"P-patawad po, nagkaroon lamang po ng kaunting aberya sa kusina kanina." Nakayukong saad ng katulong.
Dada clicked his tongue irritated. "Reason... But next time na maulit ito, ipapakain ko kayo sa mga halimaw sa labas ng kaharian. Naiintindihan mo?! You may go now!"
Mabilis na tumango at tumakbo paalis ang katulong. Dada is so scary!
Pagkaalis ng katulong ay agad nyang isinarado ang pinto at tumungo sa akin. Ang irita nyang mukha ay napalitan ng malambot na emosyon.
Kinuha nya ang isang bowl na naglalaman ng kung anuman na soup na kulay abo, ang weird tinginan. "Ano po tawag dyan, dada?" Tukoy ko sa hawak nya.
Ngumiti sya. "Ang tawag dito ay corn soup."
Akala ko ash soup, gawa sa purong abo. Pero paano naging gray iyan? Ang pagkakaalam ko yellow ang corn soup.
"Bakit po grey? 'Diba po kulay yellow ang corn kaya dapat yellow rin po 'yan?" Takang sabi ko habang nakatitig sa soup.
Hindi kaya may kung ano ang inilagay sila dyan as coloring food?
Natawa sya ng mahina na mas ikinataka ko. "Ganyan talaga ang kulay nyan, baby. May apat na klase na kulay ang corn. Ang yellow, purple, white, at grey. Ang pinakamahal sa kanila ang grey dahil bihira lamang itong mabili at tanging mga noble at royal lang nakakayang bilhin ito. Sunod ay purple, yellow, at ang white corn ang pinakamura sa kanilang apat." Paliwanag nya.
Napaawang na lamang ang bibig ko sa aking nalaman. W-wow! Ngayon ko lang nalaman iyan! Kung sa bagay nasa loob ako ng libro at fantasy ang mundong ito kaya may mga ibat-ibang nilalang na kakaiba.
"Ang galing!" Pumapalakpak ko'ng sabi at tuwang-tuwa sa aking narinig.
Natigil ako sa pagkamangha at nagtaka muli nang inamoy ito ni dada na biglang kumunot ang noo. Sabay ay may inilabas syang bagay sa kanyang bulsa sa likod. Isa itong silver stick ngunit alam ko ang tungkol at kung saan ito ginagamit, dahil isa ito sa aking nabasa dati. Ginagamit ito upang malaman kung may lason ang pagkain pero hindi lahat ng klase na lason ang kayang ma-detect nito.
"What are you doing, dada?"
"Kailangan lang suriin ni dada ang kakainin mo, galing ka pa naman sa sakit, kailangan ko lang mag-ingat dahil hindi ako masyadong tiwala sa mga tao dito lalo't nasa bahay tayo ng emperor ang dati mo'ng ama." Sabi nya at isinawsaw ang silver stick sa corn soup.
Hindi na ako nagsalita. Tama naman sya, alam ko'ng may galit ang emperor kay Astrid at sa nanay nito dahil sila ang sinisisi sa pagkamatay ng asawa nya na si Felicia.
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...