Third Person's POV
"Ay ang ganda nito! Sigurado akong mag-trending ito at sisikat muli ang show namin. Need ko na i-send kay boss." Tuwang-tuwa sabi nang nakakita sa pangyayari.
Hindi alam nila Astrid na may kumukuha na pala sa kanila ng video at ilang litrato na patungkol sa pagtulong sa mga pulubi.
Namamangha ito dahil hindi sya makapaniwala na may ganito pa rin na mga tao. Halata naman sa pananamit na mayaman yung dalawa dahil sa suot nilang maskara.
Hindi rin maitatanggi na maganda at gwapo ang dalawang bata kahit nakamaskara lang ang mga ito.
Agad na umalis ang nasabing lalaki upang walang makakita sa kanya.
Amira/Astrid's POV
Pagkatapos namin mabigyan ng pagkain ang mga pulubi ay nagpaalam na kami dahil bibili na kami ng susuotin namin mamayang gabi sa gaganapin na banquet.
Celebration daw ng pagkapanalo nila dada sa east Vile. Syempre, mga royals, officials, at nobles lang ang pwede makapunta.
Pumasok kami sa boutique shop. Sinalubong kami ng isang babae pero sa edad nito ay parang nasa mid 30's na sya. Magara ang kasuotan nya at halatang professional ang galawan ng isang ito. Sya yata ang may-ari ng shop na ito.
"Oh welcome sa aking boutique, prince Alex at little miss huh..." May alinlangan na banggitin ako.
"She's my sister. Her name is Astrid." Seryosong saad ni kuya Alex, ngumiti na lamang ang babae.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng paglunok ng babae. Ay grabe! Iba rin pala kapag seryoso si kuya Alex.
Parang ang emperor lang. No wonder... Mag-ama nga sila. Hays buti na lang ay cute ako.
"Ano pong hanap nyo, prince Alex?"
"We need something to wear for the banquet tonight. Give my sister the best dress. Gusto ko ay sya ang pinakamaganda sa selebrasyon mamaya." Seryoso pa rin na utos ni kuya Alex.
Pinigilan ko na tumawa dahil epic ang reaksyon ni ate. Para syang natatae na ewan.
"Ummm this way po." Saad nya at iginaya sa mga dresses at gowns na pang-bata pero infairness ang gaganda.
Hays, namimiss ko na yung mga dresses at gowns ko sa bahay. Karamihan kasi doon ay nabili ko mula sa sarili kong sikap sa trabaho.
Habang nagpapaliwanag si ateng nagtitinda sa bawat paninda nya ay naagaw ng atensyon ko ang gown na may red roses at may iilang butterfly ang design nito pero pambata, kaya alam kong kasya sa akin ito.
"Bwother (brother) Alex, iyon na lang po ang susuotin ko. Ang ganda diba?" Tsaka nilapitan ang nasabing gown.
Para na ngang kumikinang ang mga mata ko. Materyales pa lang ay high quality na tapos ang ganda pa ng pagkakagawa. Kaya mukhang mamahalin.
"Check this out and I pay for it." Rinig kong saad ni kuya Alex kay ateng nagtitinda na alam ko naman na sinunod nya ito dahil sa kinuha nya ang gown at dinala sa counter tsaka binayaran ni kuya Alex, sumunod na rin ako sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ng sampung gintong barya si kuya Alex mula sa bulsa nya.
Woah! Totoo ba'ng ginto ito?! Kumikinang pa at tila nakakasilaw kapag tinapat sa ilaw.
Legit! Gold coin nga!
Pero teka! Saan nya nakuha ang ganitong kalaking salapi?
"Delivery it to my carriage." Utos ni kuya Alex agad naman sumunod si ateng nagtitinda.
Lumabas na rin kami ng boutique. Paglabas namin ay kinalabit ko si kuya kaya napalingon ito sa akin habang naglalakad kami patungo sa karwahe.
"What is it, lil sis?" Malambing nyang tanong.
"Saan mo nakuha yung mga gold coin, kuya?" Nagtataka kong tanong na tinawanan nya lang ako.
"Secret..." Kumindat sya sa akin. Napakunot na lamang ako ng noo.
Tumikhim sya at muling nagsalita. "Sabihin na lang natin na galing iyon sa treasure box ko na nakatago sa secret taguan ko."
"Weh di nga kuya? Baka naman sa emperor iyon."
Sumimangot sya bigla. "Never, lil sis. Ako ang nakapulot no'n sa isang kweba noong nangaso kami ni kuya Apollo. Hindi namin alam na may ganun pala sa lugar na iyon."
Eh? Talaga?!
Pinagbuksan nya ako ng pinto ng karwahe at inalalayan sa pagpasok. Agad akong umupo at tumabi naman sya sa akin. Nagsimula na rin umandar ang karwahe.
Tiningnan ko si kuya Alex na nasa tabi ko at inilagay sa mga hita ko ang mga kamay ko para ba'ng handa akong makinig ng mga kwento sa ng kuya.
"Ano pa ang nakita nyo doon, kuya?" Tila na e-excite kong tanong.
"May mga halimbawa rin doon, sila ang nagbabantay ng lugar na iyon. Kaya no choice kami at nilabanan namin sila tapos sa isang iglap napatay namin sila gamit ang aming kapangyarihan."
Tila nagniningning ang mga mata ko. "Anong kapangyarihan mo kuya?"
He chuckled. "Fire, lil sis pero hindi basta-basta apoy kundi blue flame tapos may kidlat na kasama kaya tostado ang mga halimaw." May pagkamayabang nyang saad.
Wews...
"Si kuya Apollo?"
"Ice ang sa kanya kaya ganun na lang ang ugali no'n parang yelo lang pero anyways, sana ma-discover mo na rin ang iyo para ako ang magtuturo sa iyo kung paano kontrolin at tuturuan din kita sa paggamit ng espada kahit ayaw kong mawala ang inosente ng lil sis ko pagdating sa labanan ay kailangan para sa kaligtasan mo." Tsaka nya ako inakbayan at hinalikan ang ulo at ngumiti ng matamis.
Niyakap ko din sya pabalik tapos no'n ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Pero bago ako lamunin ng dilim ay narinig ko pa ang sinabi ni kuya Alex.
"When you need help, your brother Alex is here. I'm ready to protect you no matter what happens. I love you baby sis." Malambing nyang saad at muli nya akong hinalikan sa ulo. Inayos nya ang pagkakasandal ko sa kanya. He humming some relax lullaby.
Napangiti na lamang ako sa turan. Sa wakas ay may kuya na rin ako. My. wished in my previous life has also come true.
I love you too, my brother Alex. Kayong dalawa ni dada Radson at ang mga kasama ko sa mansion ay ang pamilya ko.
To be continued...
August 30, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...