Amira Jane's POV
"Doc Mira, we have an emergency!" Natigil ako sa pagtitipa sa laptop nang biglang bumukas ang pinto ng office ko.
Humahangos na si Nurse Melissa ang bumungad sa akin.
Napatayo naman ako at sinuot ang coat at isinabit ang stethoscope sa leeg. Sabay kaming lumabas ng office.
"Give me in detailed?"
"Patient 324, Cedric, a child suffering from a brain tumor, urgently requires surgery due to his critical condition."
"Naidala na ba sya sa operating room?" Seryoso kong saad.
"Yes doc Mira! The operation is prepared and ready to proceed." Tumango lamang ako sa sinabi at nagmadali sa paglalakad.
***
Ugh! It's been 5 hours na nasa operation room kami at salamat naman sa Diyos ay successful naman ang operasyon.
And now I want to rest and... Read my favorite novel na sikat na sikat sa buong Pilipinas.
'The Abandoned Princess'
Yay! May favorite novel! Kahit isa akong sikat at mahusay na doctor ay wala akong pakielam sa fame thingy na 'yun dahil ang gusto ko lang ang kaligtasan ng mga pasyente mapabata man o matanda kahit mahirap o mayaman but...
Except doon sa mga masasama. I want all them to die. Hindi alam ng mga tao na may ganun akong ugali.
A heartless and merciless... They just know me as a gentle and kindhearted doctor.
"Doctor Mira! How's my son?" Lumuluhang tanong sa akin na mukhang nanay ni Cedric na pasyente ko.
I smiled to her to assure her that everything is okay now for her son. "The operation has been successful, ma'am. You're child is such a brave boy. But we need to some test kahit successful ang pagtanggal namin ng bukol sa kanyang ulo. Nagpapahinga na po sya sa kanyang kwarto, excuse us." Saad ko.
Narinig ko pa ang mga bulungan ng mga tao na mukha naman masaya pero hindi ko iyon pinansin pa.
I am just being a professional.
"M-maraming salamat po doc! You're such an angel to us." Tears of joy nyang sabi.
Hindi po ako angel...
Pero tanggapin na natin char!
"Thank you po." Then umalis na ako dahil gustong gusto ko na mabasa ang pagtatapos ng novel na iyon huhu. At syempre kumain dahil limang oras ako sa operation room na nakatayo habang naglelead ng operasyon kanina. Medyo nangangawit na rin ang mga binti ko.
Pagkaayos ay lumabas na ako ng office para makauwi na. 4 am na kaya at tapos na ang shift ko, may papalit naman sa akin. Si doctor Carlo a handsome Doctor ng hospital but not my type.
Why?
Because he is a gay! Sikat sya dito at napagkakamalan kaming mag-jowa kahit hindi naman. We're just friends I mean sissy lang kami. Ayun daw tawag sa friendship namin eh. Sissy.
Kawawa yung mga nagkakagusto sa kanya. Isang gwapo lahi ang nawala at sumali sa pederasyon ng mga binabae.
"Goodbye doc!" May coworkers bid a goodbye habang nadadaanan ko sila sa hallway.
Ngumiti lamang ako at tumango dahil pagod ako. Kaya kahit pagsasalita ay hindi ko na kaya in other words... Tinatamad na akong magsalita.
"Jane!" Ayan na sya.
Kumaway ako sa kanya. "Una na ako, sissy Carlo." Bulong ko lang sa sissy thingy.
He just rolled his eyes to me in a secret way. Ano na naman?!
"Magbabasa ka na naman pagkauwi mo noh?" Tinutukoy nya yung 'The Abandoned Princess'.
Ngumiti lamang ako ng malawak at inilabas sa handbag ko ang nasabing novel.
"On the way ko na babasahin para naman kakain at matutulog na lamang ako pagkauwi ko tsaka matatapos ko na." Then I giggled when I say that.
"Do whatever you gurl! I'll support you kahit magkunwari ka pa'ng baliw d'yan, keri lang!" Nakangisi nyang sabi na tinapik tapik ang balikat ko.
Napangiwi ako sa sinabi nya. Ipaghuhukay ko na ba sya ng pwesto sa sementeryo?
"Hays whatever beks. Doon ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya.
Tumawa lamang sya at lumakad na papaalis. Kitams eh sya nga yung mas baliw sa aming dalawa.
Binuklat ko ang libro at binasa ito habang naglalakad papuntang sakayan ng bus na malayo layo dito sa hospital pero lalakarin ko na lang.
Matapos kong mabasa ang libro ay binalik ko ito sa bag ko. Nakakaawa si Astrid lalo na't pinatay sya ng tatay nyang may sira dahil lamang sa napagbintangan na itinulak daw ni princess Astrid si princess Freya na lalampa lampa.
Tsk! What a childish reason?!
Kaya nagalit din yung mga male leads kay princess Astrid na pinapalabas na isa itong villains sa kwento at love story nila.
May pagkamaldita si Astrid pero nabasa ko na kaya sya maldita ay gusto lamang nyang mapansin sya ng hari at mahalin din.
My poor Astrid... Ako lang yata ang naaawa sa isang villain. Tapos ang kalagayan nya ay nasa South Cold Mansion sya ng haring may sira kung doon nilalagay ang mga hindi importante bagay at inaabandona.
Kaya nauunawaan ko ang nararamdaman ni princess Astrid.
Nabalik na lamang ako sa realidad nang marinig ang malakas na busina ng bus at ang pagsigaw ng mga tao.
"Tumabi kayo may bus!"
Nanlaki lamang ang mga mata ko nang makita ang isang babae na may bitbit na sanggol na nasa gitna na ng kalsada kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila at hinila ang babae papunta sa gilid ng kalsada ngunit ako naman ang natirang nakatayo at hindi ko maialis ang tingin sa bus na didiretso sa akin habang naririnig pa rin ang mga sigaw ng mga tao.
Namalayan ko na lamang na nasa sahig na ako at nanghihina. Ramdam ko ang malapot na likido sa ulo ko at nahihilo na rin ako, tila kinakapos na ang hininga ko.
Dito na ba nagtatapos ang buhay ko?
"Bilisan nyo! Tumawag na kayo ng ambulansya!"
"Kawawa yung babae."
"Tulungan nyo sya!"
"Are you okay, miss?!"
All I could hear was people shouting until...
Everything has been black.
Namatay ang tulad kong walang pamilya. Sana sa susunod na buhay ko ay magkaroon na ako ng pamilya kahit isang miyembro lang ay sapat na sa akin.
To be continued...
Started: July 18, 2023
Ended: -
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...