CHAPTER 11

2.1K 90 2
                                    

Amira/Astrid's POV

Nakahiga lang ako sa kama at nakatunganga. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.

"Princess Astrid?" Katok ni nanny Layla.

Agad akong napabangon nang bumukas ito. Bumungad sa akin ang nakangiti at may hawak na isang sobre si nanny Layla.

"What is that, nanny?"

Mas lalong lumawak ang ngiti nya at umupo sa kama ko. Inabot nya sa akin ang sobre. "Imbitasyon 'yan galing sa palasyo. Si prince Alex ang nagpapabigay para sa'yo." Then she giggled.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at binuksan ang sobre. Narinig ko pa ang tawa ni nanny Layla pero hindi ko ito pinansin dahil sa sobre ang atensyon.

Tama nga si nanny. Isang imbitasyon na may kasamang sulat na galing kay kuya Alex. Tapos may inabot sa akin si nanny Layla ng isang box na maliit na kulay red at may naka-ribbon na tali na kulay red din.

Dear My baby Astrid,

Hi baby sis! Si kuya Alex mo ito ang pinaka gwapo mong kuya. Ito na yung promise ko na papadalhan kita imbitasyon kaya sana ay pumunta ka sa banquet mamaya. Aasahan kita, gusto kong suot mo yung binili natin na gown para sayo. Binili rin kita ng clip na siguradong babagay sa'yo, alagaan mo 'yan. Iyan ang unang regalo ko sa'yo, lil sis. At sana ay magustuhan mo.

See you later, baby sis. I love you.

Your handsome brother

Binuksan ko ang kahon at napangiti na lang ng kusa. Kinuha ko ito at tiningnan ng mabuti.

"Wow... Ang ganda." Manghang-mangha kong sambit.

Kapartner ng gown ko. Halos ganun din ang design. He knows na gusto ko ang ganitong design.

Isa itong clip pero hindi ordinaryong clip, tunay na napakamahal nito dahil may mga red  ruby pero ang design ay rose.

"Tama ka princess. Tunay na napakaganda. Halika na para maligo at aayusan ka namin. Sisiguraduhin namin na ikaw ang pinakamaganda mamayang gabi." Excited na saad ni nanny Layla na may nagniningning na mga mata.

Tumango lamang ako at ngumiti. Dadalo talaga ako, sayang naman yung mga binili sa akin ni kuya.

Ipapakita ko sa kanila ang isang Astrid Athena Calliope Villena. Hindi ko hahayaan na mangyari muli sa dating Astrid. Kaya kailangan ko makuha ang simpatya ng mga tao para sa plano ko sa hinaharap. Syempre ganun din ang emperor para maiwasan ko ang kamatayan lalo na't nabasa ko na namatay si Astrid sa kamay ng isang iyon.

Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang limang katulong kasama na doon sina ate Rose at Mellisa. Hindi ko nga lang kilala yung tatlo, mukhang bago lang sila.

"Bakit po sila nandito, nanny Layla?"

Ngumiti lamang sya ng tipid. "Kasama sila sa mag-aayos sa'yo at excited na kami, princess. Diba mga kasama?!"

Pumalakpak at tumango ang lima. "Oo naman!"

Lumapit na sila sa akin. "Halika na, princess at sisimulan na natin na pagandahin ka lalo."

Pagkarating namin sa banyo ay sinimulan na nila akong paliguan. Nasa bathtub ako habang kinukuskos at sinasabunan ang katawan ko.

Dati ay nahihiya pa nga ako na makita nila ang katawan ko pero kalaunan ay nasanay na rin ako. Kahit naman tanggihan ko ang alok nila na sila ang magpaligo sa akin araw-araw ay wala akong nagawa dahil ang kukulit nila.

Gusto daw nila akong pagsilbihan kaya ayun pumayag na ako. Kasalukuyan akong nakikinig sa tsismisan nila. Mag Marites na muna ako para naman makakuha ako ng information mula sa palasyo kahit hindi ako lumalabas.

"Excited na akong makita kung gaano kaganda ang ating alaga sa napakamahal at napakagandang gown na binili ni prince Alex!"

"Tama ang iyong sinabi. Sigurado ako na mas maganda pa ang ating princesa kaysa kay princess Freya."

"Maldita naman ang isang iyon. Tapos ang bait-bait kapag kaharap na nya ang emperor pero ang princess ay tunay na napakabait."

"Saan mo nalaman na maldita ang prinsesa Freya?"

"Ilang buwan na rin kaming nagtrabaho doon. Jusko! Akala ko nga magiging masaya ang buhay ko kapag nagtrabaho ako sa isang malaki at magandang palasyo. Pero hay naku! Buong akala ko lang pala iyon."

"Tama sya, ang akala ko nga napakabait ni princess Freya kasi ang bait nya sa emperor at sa mga kapatid nya pero alam nyo ba yung si prinsipe Alex ay ang sungit nya kay princess Freya at tila ayaw nya sa kapatid, yung tingin palang ganun. Kaya nagtaka ako pero nang makita na ganun pala ang ugali ng prinsesa Freya ay doon ko lang napagtanto na kung bakit ganun yung ugaling pinapakita ni prince Alex sa kapatid nya."

"Ang sabi pa nga kapwa kong katulong ay ganun din ang kanyang ina. Magkaugali daw ang dalawang iyon. Kaya kawawa ang mga nag-aalaga sa kanya, laging nasasaktan. Kita ko pa nga yung mga pasa nila na halatang pinalo ng kung anong matigas na bagay."

Hindi ganun ang nakasulat sa nabasa ko. Ayon sa nabasa ko, si prinsesa Freya ay mahinhin at mabait na talo pa si Maria Clara kaya mukhang may nagbago.

Pero kawawa naman talaga ang mga nag-aalaga sa kanya, hays. Feeling ko nga, parang doon na sila mamamatay. Bulag kasi ang emperor na iyon, tch!

Gwapo nga, bulag naman.

"Hay naku tigilan na natin ang usapang ganito. Buti na lang at nakaalis na kami sa palasyo na iyon at mas mainam pa dito na kami ay magtrabaho kahit hindi ganun kalaki ang bayad. Pero ayos lang dahil maganda na nga ang alaga natin, napakabait pa."

Sumang-ayon naman yung dalawang kasama nya.

Matapos nila akong paliguan ay may mga pinahid pa sila sa katawan na mukha itong langis pero ang bango, amoy rose sya. Kumbaga sa dati kong buhay ay katumbas nito ang lotion pero lotion nila dito ay organic talaga at walang halong chemical. Sila daw ang gumawa nito at galing sa garden ang rose na ginamit nila.

Marami kasing iba't-ibang klaseng bulaklak, nanggaling pa sa kabilang kaharian ang iba sa tanim dito.

Isinuot nila sa akin ang gown na binili namin ni kuya Alex tsaka inayos ang buhok ko na pa-bun style tapos nilagay ng ilang butterfly design ang buhok kasabay nito ang clip na binigay ni kuya Alex na katerno ng gown ko.

Matapos nila akong ayusan ay bigla silang nagtitili at tila kumikinang ang kanilang mga mata na pinagmamasdan ako. Masyado yata silang energetic.

"Princess, tingnan mo ang iyong sarili sa salamin at tiyak akong magugustuhan mo ang iyong ayos."

"Tunay na napakaganda ng ating alaga. Habang buhay ka namin pagsisilbihan."

At ilang komento nila. Pumunta ako sa harap ng salamin ko at napanganga sa nakita.

Is this me? Oh ganito talaga kaganda at ka-cute ang katawan ni Astrid. Kung ako lang si Amira ay aampunin ko ang batang ito at gagawin kong anak kaso parang malabo mangyari iyon dahil hindi ko alam kung buhay pa ang katawan ko as Amira.

Oh diba! Pak na pak!

I'm ready na ahihihi. Sana naman ay maging maganda ang gabi ko mamaya sa party hays.






To be continued...

September 01, 2023

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon