Amira/Astrid's POV
Nakatulala na nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko. Na mula sa labas ay umuulan at kasabay nito ang malamig ng simoy ng hangin. Nakabukas kasi ang bintana ko at napaka fresh at sobrang lamig ng hangin mula sa labas.
Nitong mga araw ay lagi akong tulala sa hindi ko malaman na dahilan. Nagsimula siguro ito dahil sa panaginip na iyon tapos hindi pa natatapos doon ang panaginip ko dahil nanaginip na naman ako nitong nakaraan at sunod-sunod pa.
Yung scene na nabasa ko sa libro ay ibang-iba sa personal ko'ng nakita, nagiging worst ito. Laging ko nakikita sa bawat panaginip ko ang isang rebulto ng babae na nakaitim na nakatayo malayo sa akin kaya hindi ko maaninag ang mukha nya.
"Young lady, Astrid." Matamlay akong lumingon sa pintuan nang bumukas ito.
Nang makita nya ang matamlay ko'ng itsura ay agad syang lumapit sa akin na may pag-aalala. Hinipo nito ang noo ko at nanlaki ang mga mata. "Jusko! Ang init mo!" Natatarantang sigaw ni mama Layla.
Binuhat nya ako kaya napasandal ako sa balikat nya. Imbes na ilapag nya ako sa kama ay lumabas kami ng kwarto at bumaba.
Napalingon sa amin ang mga katulong at bakas sa mga mukha nila ang gulat at pag-aalala.
"Ihanda nyo ang karwahe! Bilis!" Natatarantang sigaw ni mama sa lahat kaya nagising sila sa pagkatulala at agad na sinunod ang sinabi ni mama Layla.
Habang ako ay nanghihina at parang gusto ko'ng matulog. Naramdaman ko na pumasok kami sa karwahe at inayos ni mama Layla ang pagkakahiga ko sa kanyang hita.
"Puntahan nyo ang heneral at sabihin sa kanya na nasa pagamutan kami ni young lady." Rinig ko'ng utos nya mula sa labas.
"Magpahinga ka na muna, nandito lang si mama." Malambing nyang bulong at hinaplos ang buhok ko.
Hindi ako sumagot at pumikit na lamang at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa isang tinig. Tinig ni dada na may pag-aalala at seryoso. "Kamusta na ang anak ko, doc?"
Hindi ko maidilat ang mata ko dahil bigat ng nadarama ko. "Magiging maayos ang kanyang kalagayan, heneral. Trangkaso lamang ito dahil sa pagbabago ng panahon. Ang kailangan lamang gawin upang mapadali ang paggaling nya ay magpahinga ng mahaba at kumain ng masustansyang pagkain lalo na ang prutas. Maiiwan ko na po kayo, heneral."
Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang buntong hininga ni Dada. Naramdaman ko paghaplos nya sa buhok ko.
"Baby, magpagaling ka kaagad. Pasensya na at wala si Dada sa tabi mo dahil sa trabaho ko sa palasyo pero hayaan mo'ng bumawi ako sa'yo." Malungkot nyang saad.
"A-ayos lang po, Dada. Ang m-mahalaga ay n-nandito po kayo." Nanghihinang sabi ko kahit nakapikit ako. Ang bigat sobra ng pakiramdam ko.
Narinig ko ang pagsinghap nya, hindi nya alam na gising na ako.
"Huwag ka'ng masyadong magsalita, baby baka lumala lang ang iyong karamdaman. Magpahinga ka lang, nandito lang si Dada sa tabi mo." Malambing na may pag-aalala nyang sabi kasabay nito ang paghalik sa noo ko at ang paghaplos sa buhok ko.
Ginantihan ko lamang sya ng ngiti habang nakapikit pa rin ako.
***
"Baby, wake up for now. You should to eat for your meds." Nagising ako sa malambing na boses ni Dada.
Dahan-dahan ko'ng iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang nakangiti nya mukha. Dahan-dahan akong umupo na kanya namang inalalayan.
"Dada." Mahina ko'ng tawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...