CHAPTER 41

872 47 11
                                    

Amira/Astrid's POV

Gabi na! Gagawin ko na rin ang plano ko kanina. I will investigate and also confirm of what I saw earlier.

Parang detective ang datingan ko nito pero anyway ay nandito kaming tatlo sa dining area at sama samang kumakain. May iilang katulong ang nandito para ilang gawaing bahay, si mama Layla ay nasa palasyo. I miss her.

"Kain ng kain, bunso." Sabi ni kuya Mario habang nilalagyan ng ibang putahe ang plato ko.

Bunso na ang tawag nila sa akin dahil kuya ko naman na sila kahit hindi kami magkakadugo pero kahit ganun ay nadagdagan naman ng mga bagong miyembro ang pamilya ko.

Nanlalaki ang mga mata ko nang madami na pagkain sa plato ko. "Opps... Tama na po kuya, maliit lang po ang tummy ko baka sumabog pa." Nangusong pigil ko sa kamay nyang lagay ng lagay ng iba't ibang pagkain.

Natawa ng mahina si kuya Marcuss nang makita ng reaksyon ko. "Hayaan mo kainin lang ni bunso ang kaya nya, Mario. Huwag mo'ng igaya sya sa'yo na matakaw... Hehe peace lang." Nang-aasar nyang sabi ngunit ngumuwi sya nang tingnan sya ni kuya Mario ng matalim.

"Oo nga, ang liit liit pa ng tummy ni bunso tapos ikaw kung magbigay ng pagkain ay parang huling hapunan na." Biro ni kuya Marco.

"Eh kung ito na ang hapunan mo tapos bitayin kita bukas." Asar na singhal sa kanya ni kuya Mario at akmang babatuhin nya si kuya Marco ng kutsarang hawak na ikinatawa lamang ni kuya Marco na mas lalong napikon ang isa.

Ang bilis mapikon ni kuya Mario, sabagay sya ang pinaka may maiksing pasensya sa kanilang tatlo.

"Mario may bata, piliin mo ang sasabihin mo. Masyado ka talagang brutal. Tsk, tsk, tsk." Iling na saad ni kuya Marcuss.

"Nagsalita ang hindi brutal pumatay hahahaha." Ngising asar ni kuya Marco at sumubo ng pagkain.

Kumakain lamang ako habang pinapanood sila. Hindi na ako magiging bored dahil sa kanila haha. Ang ganda ng palabas, para akong nanonood ng comedy, bonus na yung pagiging gwapo at hot nila hehe.

Malanding espiritu umalis ka sa katawan ko! Shoo! Shoo!

Nilapag ko sa plato ang kutsara at tinidor tsaka pinunasan ang bibig gamit ang wipes na meron sa mesa. "Tapos na po ako mga kuya." Masagana ko'ng sabi at bumaba na sa upuan.

Sinadya ko talagang bilisan para makapunta na ako sa kwarto at makapag-ayos na ako nang sa ganun ay magagawa ko na ang plano ko.

"Ang bilis mo yata, young lady? Where are you going?" Nagtatakang tanong ni kuya Mario.

Napakamot ako ng ulo at ngumiti sa kanya ng matamis para matakpan ang ngiwi na nais lumabas. Palihim akong lumunok para maiwasan ang mautal.

"Pupunta n po ako sa kwarto, kuya. Gusto ko na po magpahinga ng maaga dahil napagod po ako sa paggagala natin kanina." Half true ang sinabi ko. Hindi lang kami doon nanggaling dahil pagkatapos ay nagpunta pa kami kung saan-saan.

"Pero bagong kain ka pa lang, baka hindi ka pa matunawan nyan." Nag-aalalang sabi ni kuya Marcuss.

"Hindi pa naman po ako hihiga agad, magbabasa na muna po ako." Katwiran ko pero kabaliktaran na magbabasa ako.

Sorry mga kuya kung magsisinungaling ako! May kailangan lang ako gawin at kailangan ko rin masapatan ang kakaibang nararamdaman ko just like the old times kahit pa na nasa katawan ako ni Astrid ay hindi pa rin nawawala ito.

"Oo nga, ang bobo mo magtanong, Marcuss." Asar ni kuya Marco.

"Ay wow! Matalino ka beh? Huh?" Hinding maipintang mukhang ganti ni kuya Marcuss kasabay nito ang pagtaas ng isang kilay at pag-irap nito.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon