CHAPTER 22

1.9K 79 14
                                    

Amira/Astrid's POV

"I'm here, baby!"

Agad akong napatayo sa sofa nang marinig ang boses ni dada at pumunta sa entrance ng mansyon. Bumungad sa akin ang gwapo at makisig ko'ng dada na naka-heneral outfit.

"Dada!" Ngumiti sya nang makita nya ako kaya dali-dali akong pumunta sa kanya at sinalubong sya ng yakap at halik sa pisngi.

"Good morning to my baby." Malambing nyang saad.

"Good morning to you too, dada."

Kinuha nya sa akin ang bag na naglalaman ng mga pagkain. Kukunin nya sana ang bag ko na naglalaman ng gamit ko ay agad akong umiling.

"Ako na po dito, dada. Magaan lang naman po eh."

"Okay then. But this one was so heavy. Anong laman nito, baby?" Sabay pakita nya ang hawak nya.

"Mga pagkain po. Niluto ko kaninang umaga..." Mukha naman syang nagulat sa sinabi ko.

"Ginawan din po kita ng lunch para kahit nasa trabaho kayo ay nakakakain pa rin ikaw ng maayos."

Nakita ko'ng namula ang buong mukha nya. "Thank you, baby. Let's go na at baka ikaw ay mahuli sa magiging klase mo. Excited ka na ba?"

Tumango ako at nagtatatalon. "Opo, dada hehe." Natawa naman sya ng reaksyon ko at hinawakan sa kamay.

***
Tumigil ang karwaheng sinasakyan namin. Binuksan ni kuyang nagmamaneho ng kabayo ang karwahe. Unang bumaba si dada dala ang bag at inilalayan nya ako sa pagbaba.

"Thank you, dada."

"You're always welcome, baby." Nakangiti nyang turan na nagpangiti sa akin.

Gaya ng inaasahan ko ay marami ng studyante na kagaya ko kasama ang magulang ay yung iba ay tagapag-alaga.

Halatang mamamayan lang ang nakakapasok at afford sa tuition fee. Pati ba naman dito, ang unfair ang society.

Habang naglalakad kami papasok ay kita ang gulat sa mga mukha ng tao na narito at mga kilig na mga babae nang makita nila si dada.

Hahaha ang gwapo talaga ng dada ko.

"Dada, may mga gusto sa'yo yung mga babae na 'yun oh." Saad ko at tinuro yung kumpol na mga babae na kinikilig pero nang mapatingin sila sa akin ay kita ko ang pagtataka nila.

Nagtataka siguro sila kung paano nagkaroon ng anak ang crush nila na wala naman asawa.

Nagulat ako, maging si dada nang may biglang sumulpot na babae sa harap namin at may kasama itong batang lalaki na medyo chubby pero ang cute nya pa rin. Anak nya siguro.

Napatingin sa akin bata at namula ang buong mukha. Ngumiti lamang ako sa kanya na mas lalo namula ang mukha nya kaya binalik ko na lang ang tingin doon sa babae na pabebeng inayos nya ang buhok at inilagay ito sa gilid ng tenga.

"Magandang umaga, Heneral. Ako nga pala si Lady Melanie from house of Skyveil of Countess."

Napabuntong hininga na lamang si dada at malamig na tiningnan yung babae na mukhang kinilig pa dahil sa pagtingin sa kanya ni dada.

Hays, baliw ba sya?

Iba talaga ang karisma ni dada haha.

"Good morning too, Lady Melanie but I need to go with my daughter. You may excuse us because you in our way." Masungit na saad ni dada.

Mukhang natigilan naman sya sa sinabi ni dada at napapahiyang gumilid silang dalawa ng anak nya ba o kapatid. "Yes, Heneral. I'm sorry."

Tumango na lamang si dada sa kanya at umalis na kami doon.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon