CHAPTER 24

1.8K 81 13
                                    

Princess Freya's POV

Argh! Nakakainis sya!

Akala mo naman kung sinong kagandahan, oo maganda sya pero mas maganda pa ako at ako ang paborito ni daddy kaysa sa kanya na isang anak ng kabit.

Nang dahil sa nanay nya, namatay ang mommy ko.

Kahit ayaw ko'ng sumama sa kanila ay wala akong magagawa dahil kasama rin nila si Archie at Gabriel. Tapos ngayon inagaw pa nya sa akin si kuya Alex.

Hindi ko sya hate sadyang naiinis lang ako sa kanya dahil sa kanya ang atensyon ni kuya Alex at nila Archie. Pakiramdam ko nga pati ang atensyon ni daddy ay makukuha na rin nya kaya ginagawa ko ang lahat para makuha ko lagi ang atensyon nya.

Nakahanap agad sya ng mabuting kaibigan.

Ngunit kahit ganu'n ay naaawa at namamangha rin ako sa kanya kahit papaano dahil lumaki sya sa mansyon na iyon na hindi kasama ang pamilya at nakayanan nyang tumira sa ganu'n itsurang tirahan na cheap.

Pero still naiinis pa rin ako kaya nga nakasimangot ako habang pinagmamasdan sila na sila sila rin ang nag-uusap at heto ako out of place, hindi ko sinama yung dalawa ko'ng alagad dahil hate ko sila.

They're fake friends!

Kinaibigan lang nila ako dahil isa akong Prinsesa at anak ako ng emperor. Narinig ko sila kanina habang nakaupo ako sa upuan ko at sila nag-uusap na malapit sa akin. Akala siguro nila na hindi ko sila maririnig but they're wrong.

Nang makarating kami sa garden ay kinuha ni Astrid ang bag na hawak ni Gabriel at binuksan ito. Pagkabukas nya ay nagulat at nang makita ang maraming lunch box at may isang tela. Kinuha nya yung tela at inilatag na si tinulungan sya ni kuya Alex na nagpasimangot sa akin.

Amira/Astrid's POV

Napakunot ako ng noo nang makita na nakasimangot na nakatingin amin ni kuya Alex si Freya.

Luh! Problema nya?

Nang mailatag namin ang sapin ay excited na umupo ang mga kasama ko, bukod kay Freya na may pag-aalinlangan kung uupo o hindi.

"Upo na, Princess Freya. Don't worry ligtas ka naman umupo dyan." Saad ko.

Inirapan nya lamang ako at umupo sa tabi ni Archie. Napailing na lamang ako sa ugali nya. Maldita ang bruha.

"Where is the food?" Excited na tanong ni Gabriel.

Natawa ako ng mahina sa kanya. Atat na atat. Binatukan naman sya ni kuya Alex, nainis siguro sa kakulitan ni Gabriel.

"Aray ko! Ang sakit no'n, Prince Alex!" Nakangusong turan nya.

"Tsk, just shut  up and wait na ilagay ng baby sis ko ang pagkain." Inis na saad ni kuya Alex na kabaliktaran na emosyon sa mga mata na excited nya.

Haha pa-cool ang kuya ko! Kunwari pa, sya rin naman.

Kaya agad ko naman inilabas ang mga niluto ko at pinatong ang mga ito sa lapag. May tinabi pa ako bag para sa lunch.

"Wow! Ang dami naman nyan." Pumapalakpak na saad ni Gabriel habang nagniningning ang mga na nakatingin sa mga lunch box.

"Kuya Alex, tulungan mo po ako na magbukas ng mga ito." Pakiusap ko.

"Sure, baby sis." Nakangiti nyang tugon.

Pinagtulungan na namin buksan ang mga ito. Nang matapos ay kusa na lamang akong napatingin sa gawi ni Freya na may mangha sa mga mukha nito ngunit nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay sumimangot na lamang sya at inirapan ako.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon