Amira/Astrid's POV
"Huh? Wu (who) are you?"
Inosente ko lang sya pinagmamasdan na lumalakad papalapit habang may masamang tingin sa akin.
Tss, istorbo sa pagkain. Yumuko ako at napairap ng palihim.
Naramdaman ko na binuhat nya kaya balik sa pagiging inosente ang ekspresyon ko na napatingin sa kanya.
Tinitigan nya ang mukha ko na para isa akong alien sa paningin nya atsaka na lang sya sumimangot.
"The hell! Why is she so cute?" Huh? Ano daw?
"I dwant (want) to eat." Nakasimangot ko nang sabi dahil istorbo talaga sya sa magandang moment ng buhay ko.
Narinig ko syang nagmura at ibinaba na ako. Hindi ko sya pinansin at kumain na lamang. Yum! Yum!
"Weird... Ilang taon ka na ba?"
"One." Tipid kong sagot sa walang kwenta nyang tanong hays.
Narinig ko na napasinghap sya sa sinabi ko. Nagulat ako ng buhatin nya muli ako. Buti na lang tapos na akong kumain. Tinitigan ko ang mukha nya, ang gwapo naman ng batang toh, 8 years old pa lang sya nyan. Paano na lang kapag binata na sya? Sigurado ako na maraming nagkakandarapa sa kanya, mapababae man o gay — kung meron man.
"You're genius! Kahit isa kang anak ng babaeng iyon ay hindi ko pa rin maiwasan na mamangha. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang nawala ang galit na nararamdaman ko nang mahawakan na kita."
"Bwother! (brother) Ahihihi. By the way, I'm Astrid Athena Calliope Villena." Masigla kong sabi ko at pumapalakpak pa.
Stay cute tayo guys hehe.
Mukha syang natigilan sa turan ko sa kanya. He chuckled then he hugged me. Nakita ko na namumula ang mga tenga nya.
"You're name is so beautiful and I feel so happy when you call me brother. I'll protect you from now on. Nandito lang si kuya palagi, lil sis." Sincere nyang sabi at hinalikan ang noo ko tsaka muling niyakap.
Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nya. Niyakap ko rin sya pabalik. Kung nandito sana ang totoong Astrid ay sigurado akong masayang masaya sya dahil sa wakas pinansin na sya ng isang miyembro ng pamilya nya.
"Okay big bwother!" (brother)
He giggled. May kinuha sya sa bulsa nya na isang hair clip pero butterfly ang design na ito, mukha rin na mamahalin. Kinabit nya ito sa buhok ko.
"'Yan mas lalo ka pa naging cute, my lil sis. Gift ko sa'yo 'yan." Then he smiled and kissed my right cheek.
"Zengkyu big bwother! You're my favorite bwother (brother) fom (from) now on!" Niyakap ko sya, tumingala ako sa kanya at ngumiti kanya ng matamis.
Namula ang pareho nyang pisngi. "Y-your welcome, lil sis." Nahihiya nyang turan.
He so cute! My brother Alex is so cute ahihihi.
"Alex?! Why are you here?!" Sabay kaming napatingin sa sumigaw at bumungad sa amin ang galit na mukha ni Apollo.
Bakit ko naman sya tatawagin na kuya kung hindi nya kayang tanggapin bilang kapatid si Astrid? Kaya manigas sya dyan!
"I'm here to visit to my lil sis."
"She's not our sister! Lumayo ka d'yan sa batang iyan kung ayaw mong maparusahan tayo ni ama, Alex." Seryoso nyang sabi at bumaling sya sa akin na may malamig na tingin.
Nagkunwari ako na natatakot sa tingin nya at sumiksik kay Alex na binuhat ako at niyakap habang hinahagod ang likod ko.
Narinig kong nagmumura sa inis si Alex.
Ang sakit nyang magsalita grabe! Pero hindi ako naapektuhan dahil hindi naman ako ang totoong Astrid.
"Don't be scared. Your big brother Alex is here." Bulong nya.
"You're wrong, Apollo. She's still our sister and I don't f*ck*ng care anymore kung anak ng babaeng iyon si Astrid. Past is past at hindi kasalanan ni Astrid na naging ina nya pumatay sa nanay natin kaya manahimik ka na lang." May diin na saad ni Alex.
Wews, tapang yarn?
"Ako ang mas matanda sa atin kaya sumunod ka na lang, mapapahamak ka nang dahil sa ginagawa mo. Let's go!"
Narinig ko ang buntong hininga ni Alex or should say brother Alex. Dahan-dahan nya akong binaba na may pag-aalalang nakatingin sa akin ay ngumiti na lamang ako sa kanya ng matamis.
"Kailangan nang umalis si kuya Alex mo..." Pumantay sya akin at lumapit. "Don't worry kung may oras ako at wala sila ni ama ay tatakas ako at mamamasyal tayo, lil sis." Then he kissed my forehead.
Ngumiti lamang ako sa kanya at bahagyang tumango, nakita ko sa peripheral vision ko naman ang pagkunot ni Apollo, humagikgik lamang ako at hinalikan ang pisngi ni kuya Alex na nanigas sa pwesto nya na mas lalong kumunot ang kilay ni Apollo sa ginawa ko.
Selos yarn? Manigas ka!
Nagpaalam muli si kuya Alex at sabay na umalis ang dalawa. Napaupo na lamang ako sa damuhan at napatitig sa malawak na lupain. Dinama ko ang preskong hangin kasabay nito ang buhok ko na sumasabay sa direksyon ng hangin.
Kung nandito lamang ang totoong Astrid, sa tingin ko ay umiiyak na iyon ngayon. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, ang feelings ni Astrid ang lumalabas ngayon pero buti na lang na hindi lumabas ito kanina noong nandito ang dalawang iyon.
"Princess?" Napalingon ako sa nag-aalalang boses ni nanny Layla. Tumayo ako at tumakbo palapit sa kanya na lumuluha.
"Nanny Layla!" Humihikbi kong tawag sa kanya.
Lumuhod sya at sinalubong ako ng mahigpit at mainit na yakap.
"Bakit ka po umiiyak, mahal na prinsesa namin?" Mahina ngunit nag-aalala nyang tanong.
Umiling lamang ako sa kanya at niyakap sya nang mahigpit. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari, tungkol sa pagkikita namin ng mga kuya ni Astrid.
"Na-miss lang po kita, nanny. Tsaka salamat po sa masarap na pagkain."
Mahina syang natawa. "Akala ko kung ano na. Walang anuman mahal na prinsesa namin..." Hinawakan nya ang balikat ko at sinuri ang buong katawan ko bago ako tingnan na may pag-aalala muli.
"Pero wala ka ba'ng sugat o kung anuman na masakit sa'yo mahal na prinsesa?"
"I'm fine, nanny Layla. Sadyang na-miss lang po kita." Malambing kong sabi.
Liar myself! Masakit ang puso ko. The real Astrid feelings has still shown.
Ano ang gagawin mo nanny Layla kapag nalaman mo na hindi ako ang totoong Astrid?
Will you abandoned me too just like did of my jerk father?
To be continued...
July 26, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...