CHAPTER 14

2K 93 5
                                    

Amira/Astrid's POV

Napatingin sa akin si dada nang biglang tumunog ang tiyan ko. Napayuko ako sa hiya nang marinig ko ang tawa nya.

Kanina pa kami dito at hindi pa pala ako nakakain ng mga handa nila dito dahil first ko na dumalo sa ganitong pagtitipon as Astrid.

Ibang-iba kasi dito kumpara sa dati kung buhay, hindi ako masyado sumasama sa mga events pero dahil mapilit si Carlo at wala daw syang kasama ay no choice ako na sumama sa kanya, puro trabaho at businesses lang naman ang naririnig ko kaya bored na bored ako.

"You hungry, baby?" Malambing na tanong ni dada.

Ngumuso ako. "Opo, dada."

Ngumiti lamang sya at hinawakan nya ang kamay ko tsaka iginaya na pumasok sa loob. Sana naman masasarap ang mga pagkain nila dito.

Hindi namin inalintala ang ilang tingin mula sa mga tao lalo na yung grupo ng mga kababaihan na nakasunod ng tingin kay dada, narinig ko pa ang ilang hagikgikan dahil malapit lamang kami sa kanila pero ni-isang sulyap sa kanila ni dada ay wala.

Lumapit kami sa isang mahabang mesa na puno ng ibat-ibang pagkain. Mula appetizer hanggang dessert ay nakalatag na. Perks of being rich. Hinayaan ko na si dada ang kumuha ng pagkain namin dahil hindi ko naman alam ang mga pagkain nila dito.

Naramdaman ko na may nakatingin sa akin kaya hinanap ko ito at sa isang mesa na medyo malayo sa pwesto namin, yung tatlong itlog pala kasama sila kuya at yung syempre si princess Freya. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila na sakto naman na dumating si dada na may dalang pagkain.

"Dada, saan po tayo kakain?"

"Doon tayo sa mesa ng tatlong prinsipe, gusto kong makilala mo sila." Malumanay nyang saad.

"But dada, Princess Freya don't like me. Look, how she looks at me." Turo ko doon. Totoo naman! Nakakairita ang tinginan nya sa akin akala mo aagawin ko yung tatlo, tsk!

Narinig ko na bumuntong hininga si dada. "Don't worry, my little angel. I'm watching you over there, hindi ako papayag na saktan ka nila. I just want na makipaghalubilo ka sa kanila."

Napanguso ako. "Okay, dada."

He patted my head and chuckled. "Aww... My little my angel is adorable. Let's go?"

Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti na lamang ako pabalik.

Kaya ayun na nga hinatid ako ni dada sa table nila kuya, pagkalagay nya sa mesa ang plato kong may magpakain ay tinulungan nya akong maupo at nagpaalam na sya kaya kahit ayaw ko ay tumango na lamang ako at hinalikan sya pisngi na ikinangiti nya ngunit saglit lang iyon dahil marami ang nakakakita.

Hahaha may pagkabipolar talaga ang dada ko.

Tahimik ko lamang sinumulan na kumain at hindi pinansin ang mga kasama ko sa mesa. Mas mahalaga ang pagkain ko kesa sa kanila, hmp!

Katabi ko nga pala si kuya Alex sa kanan ko at sa kaliwa ko si kuya Apollo na ramdam ko ang titig nya sa akin. Tapos kaharap ko naman ang bruha kong kapatid katabi ang tatlong itlog.

"Bakit kayo magkasama ni Heneral Radson, lil sis?" Napalingon ako kay kuya Alex nang magsalita sya.

"He is my dada." Inosente kong sagot.

"Si ama ang alam kong ama mo rin." Saad nya magsasalita na sana ako nang may umepal.

"What kuya? What do you mean na ama nya rin ang ama natin?" Inosenteng singit naman ng bruha kong kapatid kahit ramdam ko ang inis nya.

Tch! Two faced-bitch! Kahit bata pa lang spoiled brat na.

"Yes, she's OUR sister. Your sister." Malamig na turan ni kuya Alex kay Freya.

"No way!" Inis nyang sigaw at napatayo kaya maraming napalingon sa pwesto namin. Lalo na yung emperor este ama nila.

Lah! Sige! Sigaw pa.

"Freya! Sit down! You making us embarassed." Saway sa kanya ni kuya Alex.

"Calm down and sit down, sis." Malamig na saad ni kuya Apollo.

Inis naman na umupo si Freya at sinamaan nya ako ng tingin. Inosente ko lamang sya tiningnan kahit gusto ko syang pagtaasan ng kilay. Ang inosente kong tingin ay lalong nagpasama ng tingin nya sa akin.

Bumalik na lamang ako sa pagkain, tss istorbo!

"You are so cute, little miss?" Saad ni Archie the second lead. Anak ng isang duke, si Duke Arman.

Hindi ko sya pinansin dahil busy ako sa paglasap ng lasa ng pagkain. Narinig ko ang mahinang tawa ng katabi nya na may kulay itim na buhok, ang first male lead.

"Deserve..." Rinig kong sabi ni kuya Alex.

"So you saying Alex na illegitimate child 'yan na katabi mo. What is her name?" Tanong ni Gabriel ang first male lead. Anak ng isang Heneral na katrabaho ni dada.

"Whatever kung sya illegitimate o hindi basta she's my still baby sis. Her name is Astrid Athena Calliope Villena." Bored na saad ni kuya Alex at nagulat na lamang ako nang palitan nya ang plate na may laman na steak na hiwa na.

Lumingon ako sa kanya na may pagtataka. "Kumain ka ng marami, baby sis. Ayaw kong magutom ka tapos bukas igagala kita sa buong palasyo." Malambing nyang turan habang may malambing din na tingin sa akin.

Ngumiti lamang ako sa kanya ng matamis at hinalikan ang pisngi na ikinatulos nya sa kanyang kinauupuan at namula ang tenga nya. "Thank you, kuya Alex." Tsaka kami nagkwentuhan ng kung ano-ano ngunit napatigil rin nang magsalita ang emperor sa entablado.

"Good evening to all of you! Now everyone here is welcome to my banquet para i-celebrate ang tagumpay ni Heneral Radson mula sa labanan at syempre kasabay nito ay ang kaarawan ng ating prinsesa Freya sa edad na limang taon. Halika kayong dalawa dito sa entablado." Saad ng emperor.

Ngayon pala iyon? Hindi ganito ang nasa libro dahil sa susunod pa ng buwan ang kaarawan ng bruha kong kapatid.

Tumayo mula sa upuan si Freya kasunod yung first male lead. Sino pa ba? Si Gabriel.

Pagkaakyat ni dada na kasunod ni Freya ay tiningnan nya ang pwesto at tipid na ngumiti sa akin, gumanti lamang ako ng ngiti sa kanya at kumaway.

Ang gwapo talaga ng dada ko. Ano kayang element ang kapangyarihan ni dada?

"Salamat sa mga dumalo sa pagtitipon na ito ganun din sa mga magigiting at matatapang na mga sundalo natin sa Vile Empire, tunay na kahanga-hanga ang kanilang pinakitang katapangan sa labanan laban sa mga halimaw at tayo ay nanalo para masigurong ligtas ang ating mga pamilya at tirahan. Hindi ko ito magagawa na wala ang tulong ng aking mga kasama lalo na sa aking munting anghel, nang dahil sa kanya ay muling nabuhay ang pagkatao ko at muling sumigla ang buhay ko." Huminga sya ng malalim at muling nagsalita na mas lalong lumambot ang puso ko.

"Sa aking munting anghel, my daughter, and my everything. Kahit na hindi ko sya tunay na anak ay para sa akin ay sa akin pa rin sya galing, I will protect and love her forever." Lumingon sya sa pwesto ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis na narinig ko pa ang impit na tili ng mga kababaihan na nakakita sa ngiting iyon.

Ramdam ko ang saya, pinipigilan ko lang na huwag umiyak.

"My lovely little angel, Astrid Athena Calliope Villena. Anak sya ng emperor pero okay lang dahil ako pa rin ang dada nya. I love you my little angel."

Napatayo ako sa aking kinauupuan at sumigaw. "I love you too, dada! Little Astrid will always love you!" Buong galak ko saad.

Nagulat ako nang pumalakpak ang mga nandito kaya doon na ako natauhan, nahihiya akong bumalik sa pagkakaupo.

"Awww... ang cute nila."

"I'm so moved."

"Father and daughter relationship is so lovely."

"She so adorable and Heneral Radson is so handsome as always."







To be continued...

October 03, 2023

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon