Amira/Astrid's POV
Sa mga nagdaan na mga buwan ang laging routine ng buhay ko ay maligo, kumain, maglaro, at matulog. Bukod diyan ay wala na kaya feel na feel ko ang boredom.
But now, I'm one year old na! Ito na ang simula ng bago kong kabanata ng aking plano bilang si Astrid.
Kasalukuyan akong nababasa ng libro pero may picture para hindi naman halata na ang weird kong tingnan. Iyon kasi ang naririnig ko karamihan sa mga katulong na nandito sa South Cold Mansion.
Ang weird ko daw. Nakakapagsalita na ako pero bulol, ang ikli pa ng dila ng katawan na ito pero pagtsatsagaan ko na lang. Ganoon talaga ang buhay.
Napabagsak kong binitawan ang libro patungkol sa mga herbs gusto kong pag-aralan ang halaman na meron dito para sa magiging plano ko. Gusto kong mag-imbento ng mga gamot na hindi pa nag-eexist sa world na ito. Katulad na lang ng paracetamol.
Huhuhu sorry na agad sa nagmamay-ari ng idea ng paracetamol. Nanakawin ko na muna para makalayas na ako dito at mamuhay ng maayos sa panibagong buhay na meron ako as Astrid.
Tumayo ako at nagpunta sa closet ko na meron dito. Magaling na rin akong maglakad, nagpa-practice kasi akong mag-isa tuwing gabi tapos kapag tuturuan nila ako ay kunwari matutumba ako kuno para naman mapaniwala nilang hindi ako ganun ka-weird sa paningin nila.
Matapos kong magpalit ay kumuha ako ng upuan at itinulak ito palapit sa salamin tsaka tumungtong dito. Ang liit ko kasi, hays.
Napa-wow na lang ako nang masdan ko sa salamin ang aking sarili. The cutest but goddess beauty of Astrid's have.
Those innocent ocean blue eyes and baby pink hair are so... Ugh! For the first time in my life ngayon lang ako nakakita ng ganitong itsura. Napakaamo ng mukha ni Astrid pero bakit ganun hindi man lang mahalin ng sirang hari si Astrid at ng mga male leads na utak ipis sa story. Isama ko na rin pala ang mga adik na kapatid ni Astrid.
Mga bulag sila... Meron yata silang beauty blindness syndrome kaya hindi nila makita ang kagandahan ng isang Astrid Athena Calliope Villena.
Pagbaba ko sa upuan na ginamit ko ay ang pagkatok din ng pinto.
"Princess Athena, kain na muna." Boses ni Nanny Layla.
"Wight away, nanny!" (Right away) Then I giggled.
Kahit ayaw kong maging isip bata ay nagkukusa na lang basta basta dahil nasa katawan ako ng bata.
Dali-dali akong pumunta sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang nakangiti na si nanny na may bitbit na tray na laman na pagkain at strawberry juice.
"Nanny... May I eat that in the g-garden?" Dahan-dahan kong sambit para mabawasan yung pagkabulol ko.
She just chuckled. "Say please." She said while smiling ear to ear.
"Pwease?" Habang may pakurap kurap ko pagpapaawa.
Nakakasawa na kasi dito sa kwarto kumain. Ang lonely at ang tahimik sobra.
"Dahil nag 'please' ang prinsesa namin ay papagayan na nga kita." Malambing nyang sabi.
Napatalon na lamang ako sa tuwa. "Yehey! Let's go nanny!" Hinila hila ko ang kamay nya na nagpadala naman sya akin patungo sa garden.
Pagkarating namin ay nagulat ako sa kung gaano kaganda ang garden kahit na nasa South Cold Mansion kami.
Sa sobrang excitement na nararamdaman ko ay binitiwan ko ang kamay ni nanny at nagtatakbo papunta sa mga iba't ibang klase ng bulaklak.
"Nanny Layla! The fowers (flowers) are so pretty! Ahihihi." Habang tumatawa.
Ngunit napatigil ako sa pagtawa nang marinig ang hikbi ng nanny ko. Lumingon ako sa kanya at kitang-kita ko ang mga luha at ang nakangiti nyang mukha na pinagmamasdan ako.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ang binti nya dahil iyon pa lang ang abot ko. Pumantay naman sya sa akin.
"Nanny, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ko.
"Masaya lang ako prinsesa. Masaya ako na nakikita kitang tumatawa at may matamis na ngiti sa kabila ng pinagdadaanan mo."
Okay lang sa akin iyon tss. Hindi ko rin gugustuhin na magkaroon ng ganoon na klaseng pamilya. Hindi ko sasayangin ang oras ko para makuha ang atensyon at pagmamahal nila dahil mahahanap ko naman iyon sa iba.
"Ayos lang po, nanny. I don't dwant (want) farther (father) anymore! I hawt (hate) him!" Nakasimangot kong sabi at umupo sa damuhan.
Narinig ko ang buntong hininga nya dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman feelings ang feelings ng totoong Astrid. Nang dahil sa sirang ama ng totoong Astrid ay hindi sana mararanasan nya ang ganitong situwasyon.
Ako, bilang si Amira Jane sa dati kong buhay ay sanay na ako na walang pamilya. Pinanganak ako na walang pamilya, lumaki ako na walang pamilya, namatay ako na walang pamilya, at mabubuhay akong muli na walang pamilya.
Hindi ko ikamamatay na hindi ko makuha ang atensyon at pagmamahal ng pamilyang Villena.
Nagsimula na ako kumain pero naiilang ako dahil pinapanood ako ni Nanny Layla.
"Nanny, salamat po pero pwede po ba mo akong iwan dito? Gusto ko lang po magpag-isa."
May alinlangan nya akong tinignan. "Sigurado ka ba, princess?" May halong kaba ang boses nya na para ba'ng natatakot sya sa kung anong mangyari kapag iniwan ako dito mag-isa.
Tumango lamang ako at ngumiti ng matamis. "Ayos lang po ako, nanny. Don't woyyi (worry) po."
Napabuntong hininga na lamang sya at tumango. She patted my head before she go.
Napasinghap ako ng hangin. Ang fresh talaga ng hangin dito. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang nakatanaw sa magandang tanawin na nasa harapan ko.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ay bigla na lang akong napakunot nang marinig ang boses ng isang nagpahirap sa buhay ng totoong Astrid.
"What would a murderer's daughter be doing in a beautiful garden of the South Cold Mansion?"
Inosente ko syang nilingon. Si Alex pala, the second son of Lexus. Ang hari ng Vile Empire.
"Huh? Wu (who) are you?" Inosente kong tanong kahit alam ko naman.
Play inosente muna ako kahit gustong-gusto ko na syang pagsisipa gaya ng isang soccer ball hanggang sa mabutas.
To be continued...
July 25, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...