CHAPTER 4

2.5K 88 3
                                    

Amira/Astrid's POV

Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Sa mga panahon na iyon ay maayos naman ang pamumuhay ko kaso nga lang ni-isang beses ay hindi bumalik si kuya Alex dito sa South Cold Mansion.

Pagbabasa at pag-aaral ang inaatupag ko sa loob ng mga taon. Nagiging bata naman ako kahit papaano, yung naglalaro kaso mga katulong at hardinero na meron ang nakakalaro ko.

Syempre sa mga taon na iyon ay may nadiskubre ako sa sarili ko. Ang aking kapangyarihan, pero alam kong hindi pa iyon ang buong kapangyarihan ko.

Ang unang nadiskubre ay ang healing power ko. Once akong nasugatan ng kutsilyo habang naghihiwa ng ingredients, alam ko naman magluto dahil nga mag-isa ako sa dati kong buhay kaya kailangan maging independent ako lalo na't galing ako sa ampunan.

But now I'm 4 years old na!

"Matulog ka na prinsesa Astrid, bawal sa bata ang mapuyat ng husto." Pagpapaalala ni nanny Layla at hinalikan ang noo ko.

Binasahan nya kasi akong bed time stories at ngayon ay kasalukuyan na akong nakahiga.

Tumango lamang ako bilang pagtugon. Kahit may gagawin ako hehe. Sorry for this Layla, may lakad ako ngayong gabi at iyon ay ang maglibot.

"Okay po, good night nanny Layla." Kunwari na inaantok kong pagpapaalam at humikab.

Pumikit na ako at nagkunwari na tulog na. Ilang minuto ang tinagal nya sa kwarto ko bago sya umalis. Narinig ko ang pagsara ng pinto na senyales na umalis na talaga sya.

Hays ang tagal no'n! Excited pa naman akong maglakwatsa sa gabi. Gawain ko iyon noon, noong Amira pa ako. Wala naman makakapigil sa akin dahil wala naman akong pamilya.

All my life, I was alone pero buti na lang sa buhay ko ngayon ay may kasama na ako.

Agad akong tumayo sa higaan ko, hindi na ako nag-abala na magpalit ng damit. Nakapantulog lamang ako pero bunny design naman ito kaya ang cute cute tingnan lalo na't ako ang nakasuot nito hehe, hays ang cute ko talaga.

Kinuha ko sa ilalim ng kama ko ang maliit kong magpack na pinagawa ko kila nanny Layla, binigyan ko lamang sila ng design at sila na nagtahi. Namangha pa nga sila dahil ang ganda daw ng ganitong klaseng bag kaysa na meron sila dito.

Sinilip ko muna ng laman ng bag at napatango na lang nang makitang kompleto ito. Kinuha ko sa side table ang crystal na umiilaw dahil hindi pa naman naiimbento ang flashlight sa panahon at ito ang ginagamit ng mga tao dito as substitute.

Dahan-dahan akong lumapit sa bintana ng kwarto ko habang bitbit ang bagpack ko. Nang makarating ako ay sinilip ko muna ang baba baka kasi may nag-iikot, mahuli pa ako. Pumunta muli ako sa kama ko at kinuha sa ilalim nito ang pinagtagpi-tagpi kong kumot at kurtina na meron dito para gamitin sa pagbaba. Masakit pa rin ang kamay ko, ang liit ba naman kaya nahirapan ako na gawin ito kanina habang mag-isa ako.

Binuksan ko ang bintana na masigurong walang taong nag-iikot at ibinaba ang pinagtagpi-tagpi na kumot at kurtina pababa. Umakyat na ako gamit ang upuan. Itinali ko sa grills sa bintana ng kwarto ang dulo nito at sumampa na.

Mabilis akong nakababa ng bintana sa kwarto ko na walang ingay.

Yey! Success!

Para akong ewan sa situwasyon ko ngayon na para akong tatakas ng bahay kasama ang jowa ko tapos itatanan ako, char!

Hindi gaano madilim ang paligid ng garden at iyon ay dahil sa mga alitaptap na pagala-gala.

"Wow beautiful." Mahina kong bulong habang pinagmamasdan ang buong garden, para ako nasa firefly garden pero tuwing daylight ay butterfly garden.

Kinuha ko sa bag ko ang map para hindi ako maligaw, wala pa naman akong kaalam-alam dito, baka mamaya may makasalubong ako na magpapaaga sa buhay ko. Hindi lang malawak ang lugar na ito kundi mapuno at kakaunting damo ang meron dito. Green na green ang kulay dito tuwing pagmamasdan ko sa umaga.

Sa kalagitnaan ako sa pagtingin sa mapa na hawak ko nang biglang humangin ng malakas na sanhi upang lumipad ang mapang hawak hawak ko papalayo, sinundan ko ito at hindi ko namalayan na napalayo na pala ako at nandito na pala ako sa field kung saan nagsasanay ang mga knights ng palasyo.

Ngunit nagulat lamang ako nang makitang nagsisigaw sila at natataranta.

"Bakit nakatakas ang isang iyan?!"

"Malalagot tayo sa emperor kapag nawala iyan!"

Nanigas ako sa pwesto ko nang nasa harapan ko ang isang malaking Leon pero mas malaki ito kumpara sa normal, 3x ang laki nito at may mga kidlat kidlat na nakapaligid sa buong katawan nito at kulay dark blue na may mabangis aura na handa na akong lapain.

Is this my end?!

"Hoy! Yung bata!"

"Paano nagkaroon dito ng bata?"

"Tawagin nyo si Heneral Radson!"

Umungol ang Leon na tila may iniindang sakit ito. Kaya napatingin ako sa paa nito at doon ko nakita na may nakatusok dito na tinik at dumudugo ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at panaka naka ang tingin sa akin na umaangil ito.

"Shhhh... Don't woyyi (worry) Leon. I will heal your wound."

"Grrrrr..."

Pagkalapit ko sa kanya ay hinila ko ng biglaan ang tinik kaya narinig ko ang malakas nitong ungol. Itinapat ko ang dalawang kamay ko sa sugat, may lumabas na kulay green na liwanag mula sa kamay ko. Unti-unting nagsara ang sugat at bumalik ito sa dati na para walang bakas na nagkaroon ng sugat.

Napabuntong hininga na lamang ako at napapunas sa noo ko na may pawis. Napagod ako doon. Para lang ako galing sa pag-o-operate ng pasyente.

Nagulat ako nang bigla nya akong dilaan sa mukha at malambing na kinuskos ang mukha nito sa mukha ko na ikinahagikgik ko sa kiliti.

"You're welcome ahihihi."

Napansin ko na naging normal na ang itsura nito, hindi kagaya kanina ang anyo nito na nakakatakot.

Third Person's POV

Ang mga knights na nasa field ay takot na takot, may mga kinakabahan dahil ang Lion na-tamed ng emperor ay nakawala sa kulungan nito kaya labis ang takot ng lahat. May iilang sumubok na kontrolin ito ngunit bigo sila at nasugatan lamang, tanging ang emperor lamang makakagawa nito.

Lalo sila kinabahan nang makita ang isang napaka-cute bata na nasa harapan na ng Leon na tulala nakatingin sa nilalang nito. Ngunit napahanga sila nang walang itong lumapit sa Leon at tila may ginagawa ito na hindi nila nakita dahil malaki ang Leon at ang liit ng bata.

At mas lalo silang nagulantang na biglang magbagong anyo ang Leon at naging normal at maamo itong tingnan na malambing na kiniskis ang sarili sa bata na napatawa ng mahina ngunit rinig pa ng iilan na malapit dito.

Nagniningning ang mga mata at tenga nakarinig sa tawa nito. Tila nakakita sila ng anghel na tumatawa harapan nila.

"What the heck is happening here?!"

Isang nakakatakot at baritone na boses na nagpatigil sa lahat. Nilingon nila ito at bumungad sa kanila ang malamig na tingin ng kanilang heneral.

Si Heneral Radson.





To be continued...

August 1, 2023

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon