CHAPTER 21

1.9K 72 6
                                    

Amira/Astrid's POV

Yes! I'm five years old now! Because today is my freedom day. Why? Because I will go to the Celestial Garden (School) to be StarSprout Learners in other words Kinder.

Balik kinder ang lola nyo. Parang nagkatotoo yung sabi ng teacher namin noong highschool, yung mga kaklase ko kasi mga isip bata kaya ayun. Dapat daw ibalik sa kinder pero heto ako, ako lang ang bumalik kahit hindi naman isip bata.

Ang unfair, diba?

By the way, today is in the seventh Season's Cycle of 24th Berryripe in Sunlightday. My birth date, ayon kay nanny Layla. Sya daw kasi ang nagpaanak sa nanay ko este ni Astrid bago ito mamatay.

Kasalukuyan akong nagluluto ng agahan at baon ko, nag-bake na rin ako ng mga cupcakes. Maaga akong nagising para dito, na-miss ko na rin ang mga luto ko.

Nagpriprito ako ng manok na marinated ko kagabi tapos binalutan ko ito ng harina na may paminta at asin tsaka ko ito iniluto na. Sa dessert na bi-nake ko ay bavarian donut na may iba't-ibang flavor, katulad na lang ng chocolate, strawberry, mulberry, at vanilla. Nag-bake rin ako ng cute cupcakes na ang design ay mga hayop.

Hindi hayop na tao, hindi naman sila cute kundi cute talagang hayop.

Syempre ang agahan naman ay Filipino cuisine, katulad na lang ng sinangag tapos itlog na may kamatis tapos sasabayan ko pa ng gatas ng baka. Fresh na fresh ang gatas nila dito kaya nagustuhan ko na uminom ng gatas.

Para sa baon ko ay bento. Hindi lang basta-basta bento kundi pinasosyal ko pa ito. Oh pak! Genern! Dapat maging bongga tayo first day pa lang ng school.

Gawain ko 'yun ito noong nag-aaral pa lang ako sa dati ko buhay. Pero heto ay gagawin ko ulit ang tradisyon ko hehe. Ang maging bongga sa first day of school.

"Princess Astrid?" Napatigil ako sa pag-prito nang marinig ang boses ni nanny Layla.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya na para batang nahuling nangupit ng pera sa wallet ng nanay. Ngumiti ako sa kanya ng alanganin dahil nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin at nakapamewang pa.

"G-good morning, nanny Layla hehe."

Napabuntong hininga na lamang sya. "Anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay nyang tanong.

Nilagay ko muna sa plato ang last na manok na prito ko, baka kasi masunog pa. Sayang naman.

Ngumiti ako sa kanya ng inosente. "Nagluluto po."

Napakamot na lamang sya ng batok at iginala ang tingin sa buong kusina.

"Ang aga mo'ng nagising tapos ikaw ang nagluluto. Jusko ko'ng bata ka! Paano na lang kung masugatan ka ng kutsilyo? Lagot ako nito sa Heneral." Stress nyang saad at ibinaba ako sa pinagpapatungan kong upuan, masyado kasing mataas ang kalan.

Awkward akong tumawa. "Hehehe, ayos lang po ako. Tsaka tingnan nyo po ang mesa." Saad ko at itinuro ang mesa kung saan nakalapag ang mga niluto ko.

Kita ko ang pagningning ng mga mata nya na tila ngayon lamang sya nakakita ng ganu'n na pagkain.

Lumapit sya rito at pinagmamasdan ang bawat pagkain na nakahain. Para syang bata.

Lumapit ako sa kanya na may malawak na ngiti. Nakaiwas pa ako sa sermon nya hehe.

"Kamangha-mangha! Ngayon lamang ako nakakita ng mga ganitong pagkain sa buong buhay ko..." Tumigil muna sya saglit na tila may naalala at lumingon sya sa akin. Na kaninang manghang ekspresyon ay napalitan ito seryoso.

Doon na nawala ang malawak ko'ng ngiti kanina.

Akala ko makakaligtas na ako pero akala ko lang pala. Heto na.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon