CHAPTER 37

1.3K 63 6
                                    

Amira/Astrid's POV

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami kina lolo. Ayaw pa nya akong pauwiin kaso hindi pwede dahil maggagabi na.

Mabilis kaming nakarating sa mansyon ni dada. Hindi ko nga akalain na isa akong ganap na Quartz at parte na ako ng buhay ni dada.

Nandito ako sa kwarto ko na bagong ayos at lahat ng gamit dito ay mga bago. Mukhang pinaghandaan talaga ni dada ang pagdating ko dito. Nakahiga at nakatunganga sa ceiling. Biglang pumasok sa isip ko ang boses ni Kleo na ikinagulat ko ng kaunti.

Taena! Wala manlang babala!

"Anong meron at biglaan ka? Nagulat tuloy ako sayo."

"Sorry master hehe. Na-miss lang po kita, master." Boses pa lang nya na nahihiya ay naiimagine ko na ang cute na nya. Ack!

"Weh? Alam ko'ng may gusto ka'ng sabihin kaya sabihin mo hangga't hindi ako busy." Pabebe ang Kleo nyo!

"May nasagap akong masama at malakas na aura malapit sa palasyo kanina lang." Seryoso nyang sabi, bigla akong natahimik sa sinabi nya. Tama sya, naramdaman ko rin iyon kanina ngunit pinangsawalang bahala ko na lamang.

Noong una at akala ko ay ordinaryo lang itong aura ng isang nilalang ngunit bigla itong lumakas at mga ilang sandali ay nawala ito na parang bula.

"I felt that earlier but I ignored... Matutukoy mo ba kung anong klaseng nilalang iyon, Kleo?"

"Hindi, master. Hindi madaling matukoy kung anong nilalang ito kung ito ba ay beast o tao pero para sa akin ay isa itong tao dahil sa galing nya magtago ng aura."

Napakunot ako ng noo sa sinabi nya. "Paano mo nasabi na tao iyon, Kleo?"

"Dahil ang mga nasa limang ranking beast lang ang may kakayahan na itago ang kanilang aura katulad ko na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong beast. Ngunit kung sa tao ay may posibilidad na may malakas itong kapangyarihan o gumagamit sya ng black magic na galing mismo sa mga dark mages na kalaban ng mga light mages."

Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dyan. Hindi pa sapat ang mga information na nakalap ko sa mga nakalipas na mga taon. May mga bagay talaga na wala sa libro dahil sa masyado itong confidential.

"Salamat sa pag-inform, Kleo. Mukhang may paparating na panganib na hindi natin alam kung kailan darating."

"Walang anuman, master... Pero kailangan mo'ng mag-ingat na ipakita ang iyong natatanging aura sa marami. Nasa paligid lamang ang mga kalaban at hindi natin matutukoy kung sinu-sino sila. Nandito lamang ako kung kailangan mo ng tulong, master kasama na sina Airy at Rocky na mga guardian elements."

"Hindi ko pa nga sila nakakausap simula ng masummon ko sila dati." Sekreto akong nagsummon noon, kahit nanghihina dahil bata pa ang katawan ko ay nakayanan ko naman.

"Makakausap mo rin sila, batid ko'ng may ginagawa sila at baka sakaling mahanap din nila ang iba pa'ng  guardian elements... By way master, nakakatuwa ka'ng panoorin mula dito ang mga reaksyon mo kapag kaharap si Princess Freya, bye! Haha."

Napangiwi na lamang ako sa sinabi nya. Awit sya! Kaya pala minsan ay parang may tumatawa sa bandang isip ko minsan at sya pala iyon. Akala ko ay naloloka na ako.

Bwisit na Leon 'yun!

"Baby..." Napalingon ako sa pintuan nang magbukas ito at marinig ang malambing na boses ni dada.

"What is it, dada?" Nagtatakang tanong.

Pumasok sya at humiga sa tabi ko. Hinaplos nito ang buhok na nakapagparelax sa akin ng tunay.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Masama sa cute na batang katulad mo ang magpuyat at bukas ay may pasok ka pa."

Niyakap ko sya, naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko. "Naninibago lang po ako kaya hindi po ako makatulog."

Ngumiti sya malumanay. "Tatabihan ka na lang ni dada sa pagtulog... Gusto ko'ng makasama ang baby ko sa pagtulog lalo't nanlalambing."

"Dada, pwede nyo po ba akong kantahan? Gusto ko po'ng marinig ang boses mo hanggang sa makatulog ako." Malambing ko'ng pakiusap at malambing na kinuskos ang mga pisngi ko sa dibdib nya na parang pusa.

Napatawa naman sya ng mahina at nakita ko'ng namula ang mga tenga nya. "Alright, baby. Kakantahan na kita pero basta matutulog ka na, hmm?"

"Opo." Tipid ko'ng turan at pumikit.

Narinig ko syang tumikhim bago nagsimulang kumanta. "Underneath the silver moonlight, where the stars begin to play,
There's a world that's soft and quiet, where the dreams are tucked away.
In the whispers of the night wind, there's a lullaby for you,
A melody of love and peace, a song that's pure and true...

'Ang sarap pakinggan ang boses nya. First time ko'ng maranasan ito sa buong buhay ko.'

Close your eyes, my dearest one, let the night embrace your soul,
The world of dreams is calling you, to a place where stories unfold.
Listen to the lullaby, let it soothe your weary heart,
In the realm of dreams and stars, where all the magic starts...

'Kahit wala akong naging magulang sa unang buhay ngayon ay meron at nararanasan ang mga bagay na hindi ko naranasan noon na gustong-gusto ko'ng mangyari kahit alam ko na hanggang pangarap ko na lamang iyon.'

In the hush of twilight's blanket, where the moonbeams gently fall,
There's a lullaby that's playing, a sweet and tender call.
It's a song of love and comfort, a melody so kind,
A lullaby to guide you, to the dreams you're meant to find...

'Lagi akong nag-iisa at ayaw makisalamuha sa mga tao dahil natatakot ako na baka iwan din nila ako gaya ng mga magulang ko na iniwan ako sa ampunan at hindi na bumalik pa.'

Sleep now, my precious one, let the night hold you tight,
In the land of dreams and moonbeams, under the soft starlight.
Listen to the lullaby, let it carry you away,
To the world of dreams and wonders, where you can softly sway...

'Kaya naging matigas at malamig ang puso ko. Nagkaroon ng pader ang puso kaya malayo ang loob ko sa iba. Ngunit nagbago iyon nang dahil kay kuya Angelo na kapitbahay ko at tinuring ko'ng kuya at ganun din sya akin na kapatid ang turing sa akin. Ganun din si Carlo na kaibigan at katrabaho ko, kahit pa bakla at may pagkabaliw minsan ay para na rin akong may pamilya at iyon ay dahil sa kanilang dalawa. Kaya nagpapasalamat ako ngayon dahil nadagdagan pa ang pamilya ko at ngayon ay may tumatayong nanay at tatay sa tabi ko, at iyon sina mama Layla at dada Radson ko.'

So close your eyes and drift away, to the rhythm of the night,
Wrapped in the lullaby's embrace, under the star's soft light.
Sleep now, my dearest one, in dreams let your spirit soar,
For in the world of dreams and love, you'll find peace forevermore." Malambing nyang kanta.

Ang ganda ng boses ni dada kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala pero bago pa ako dumating sa dreamland ay narinig ko ang huling sabi ni dada na nagpangiti sa akin ng husto.

"Goodnight and I love you so much my precious baby." At naramdaman ko ang malambot na bagay sa noo ko at ang mga braso nya na nakayakap sa akin.








To be continued...

March 23, 2024


The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon