CHAPTER 27

1.5K 77 11
                                    

Queen Julie's POV

Hi! Sa inyo! Pasensya na at ngayon lang ako nakapag ud. Thank you for supporting po at sa mga new readers d'yan ay welcome po.

Love lots to everyone ♥️

Alex's POV

"A-anong sinabi mo?!" Gulat ko'ng sigaw at napatayo sa sofa na kinauupuan nang marinig ang ibinalita ng messenger ng palasyo.

Yumuko sya ng mabilis at tila sya ay nanginginig. "I-iyon po ang sinabi sa isang sulat na nakuha po na nakuha namin mula sa eagle messenger na mukhang nanggaling sa South Cold Mansion, prince Alex."

Napakuyom ako ng palad, dumapo sa dibdib ko ang kaba at pag-aalala. Kailangan ako ng kapatid ko kaya kailangan ko syang puntahan pero...

Si ama ang problema. Naging mahigpit sya na huwag kami basta basta lumabas ng palasyo dahil sa isang balita na kumakalat nitong nakaraang araw na may balitang pagpatay at karamihan dito ay may position sa lupain.

Sa inis ko ay nasipa ko ang upuang kahoy na malapit sa akin.

Rinig sa buong silid ang tunog ng upuan at nakita ko'ng napatalon sa gulat ang mensahero ng palasyo. But I don't care!

"Hey! Alex. What's the problem?" Nagtatakang tanong ni kuya, napaclick ako ng dila at hindi sya pinansin, bumalik ako sa pagkakaupo.

"Kinakausap kita, Alex. Answer me or else." May pagbabanta nyang sabi.

Inis ko syang nilingon nang makaupo sya sa tabing upuan na kanyang pagmamay-ari. Mukhang umalis na yung kausap ko kanina.

"Naiinis ako kay ama. Napaka-higpit nya masyado, ni hindi manlang ako makadalaw sa kapatid ko na ngayon ay may sakit at nasa pagamutan. Gusto ko'ng pumunta doon na kahit gusto ko'ng tumakas ay napakahirap naman dahil ang daming bantay, tsk!" Irita ko'ng saad sa kanya na walang reaksyon sa mukha nya.

He doesn't care, I knew it! Pareho lang sila ni ama ng ugali.

"Then go."

"What?" Nagtataka ko syang tiningnan ngunit tinaasan nya lamang ako ng kilay.

"I said go. I will take care everything since father was not here. But, before evening you must be here on time."

"Pero saan ako dadaan?"

Napaikot sya ng mata in annoying way. "Use the tunnel from my cabinet. Sa tabing ilog ang labasan." Casual nyang saad.

Nagliwanag ang mukha ko sa tinuran nya. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa tunnel na iyon.

"Woah! You're are so cool big brother!"

He just smirked at pa-cool na umayos ng upo. "Nah, is just me little brother. I'll just say hello to her and this is my gift to her." Inabot nya sa akin ang maliit na kahon na kinuha nya sa bulsa.

Ngumiti lamang ako at kinuha iyon. "Syempre naman. I need to go now." Tumango lamang sya, iniwan ko na sya doon at tumungo sa kwarto ni kuya.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong pumasok at mabilis na isinara ang pinto dahil mahirap na.

Agad akong tumungo sa kabinet ni kuya kung saan yung secret tunnel patungo sa tabing ilog. Ngayon ko lang nalaman dahil dati ay laging wala si kuya dito sa palasyo at nakakaalis na walang nakakaalam.

Pagkabukas ko ng kabinet ay tumambad sa akin ang mga damit nya, may nakita akong cloak na black na siguradong kay kuya ito. Kinuha ko ito at isinuot.

Sorry kuya kung hihiramin ko ang cloak mo.

Hinawi ko ang mga damit, may napansin akong kawit ng kahoy na nagmumukhang sabitan ng damit pero para sa akin ay para itong handle ng isang pinto kaya agad ko itong hinala at tama nga ang hinala ko dahil sa bumukas ito.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon