Amira/Astrid's POV
"Nandito na po ang prinsesa Astrid, kamahalan!" Sigaw ng isang kawal na kasama ng emperor sa pagpunta dito.
Binuksan ng kawal ang pinto ng tanggapan ng bwesita este bisita at bumungad sa akin ang preteng nakaupo sa single sofa ang emperor at bakas sa mukha nito ang lamig nang magtama ang paningin namin.
Umiwas na lamang ako ng tingin at nag-curtsy sa harapan nya. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga katulong na nandito na nagsisilbi sa emperor, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagkamangha nya ngunit hindi ito nagtagal at bumalik sa pagiging malamig nya.
Tss, wala na ba'ng ibang ekspresyon ang meron sya?
Rinig ko pa ang ilang bulungan ngunit mahina lang sa takot yata nila sa emperor na mag-ingay.
Aba! Palihim kaya akong nag-aaral ng etiquettes, lahat ng etiquettes ay inaral ko para lang dito. Para rin hindi ako mapahiya.
"Glory and rise to sun of Vile Empire, your Majesty." Elegant kong pagbati.
Hindi ko binanggit ang pangalan nya baka sabihin na paano ko nalaman ang pangalan nya.
"Rise."
Sinunod ko ang sinabi nya at inosente ko syang pinagmamasdan.
"Who are you?" Seryoso nyang tanong.
Seriously?!
Ngumiti lang ako kahit sa loob ko ay gusto ko syang bigyan ng kahit isang sapak.
"I'm Astrid Athena Calliope Villena, your Majesty." Masigla kong pagpapakilala at cute na ngumiti.
Selling my cuteness...
Then he smirked suddenly. "All of you go out! Except you."
Mas mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ang lahat na mga katulong na nandito. Pagkaalis nila ay matinding katahimikan ang umani kasabay no'n ang hangin na nagmumula sa labas pero ang lamig nito gaya ng taong nasa harapan ko.
Pasimple akong lumunok nang makitang sumenyas syang lumapit daw ako sa kanya.
Dito na ba ako mamatay?!
Kahit kinakabahan ako ay lumapit pa rin ako sa kanya at pinatiling inosente ang ekspresyon ko na tila hindi alam ang nangyayari sa paligid.
"Sit." Malamig nyang utos habang itinuro nya ang sofa na kaharap nya lang at sinunod ko naman ito.
"Thank you, your Majesty."
Napansin ko ang lungkot na dumaan sa mga mata nya pero agad din itong lumamig.
Pero baka namalik-mata lang ako, impossible naman 'yun. Wala nga syang pake kay Astrid, tch!
Napatingin ako sa mesa at meron ditong tea at milk na mukha sa akin tapos may mga sweets na nakalapag, mukhang mamahalin nga eh. Pero ang pinakagusto ko yung chocolates hehe.
"Are you aware that you are my daughter?" Malamig nyang tanong.
Malamang alam ko!
"Y-yes your, Majesty. Nanny Layla told me." Magalang kong sabi.
Ayaw ko naman tawagin syang papa at baka iyon pa ang maging katapusan ko.
"Then why are you not calling me daddy or papa if you are my daughter? Pero sa bagay wala rin akong pakielam pa." May halong pait nyang sabi.
Palihim akong napataas ng kilay. Anong ibig nyang sabihin doon?
"Hindi po kasi ako sanay na tawagin kayo ng ganun dahil ngayon ko lang po kayo nakita tsaka may dada na po ako ngayon." May sigla kong sabi sa dulo nang mabanggit ko ang dada Radson ko.
Kumunot ang noo nya. "Dada? Who is that bastard man?"
"He's not bashtard (bastard) man, p-papa. He is a good man. Sya po si Heneral Radson Quartz."
He's eyes softened a bit nang marinig nya ang salitang papa.
"Did you call me papa?"
Tumango na lamang ako at inosente syang tiningnan.
Pero wait?! Diba wala naman ito sa nabasa ko. Walang ganitong scene na bibisitahin nya si Astrid personally. Dahil magkikita lamang sila sa festival at eight years old na doon si Astrid.
"Why do you here, your er...-" May pag-aalinlangan kung ano ba talaga ang itatawag ko sa kanya. Kung Majesty ba o papa. Pero pinutol naman nya.
"Call me papa not majesty. Kahit na dahil sa nanay mo ay namatay ang asawa ko pero kahit tawagin mo pa akong papa ay hindi ibig sabihin no'n na tinatanggap na kita na maging anak ko. Freya is my only daughter." Then he smirked a bit.
Tawagin ko na lang kaya syang thick face slapsoil total bagay naman 'yun sa kanya.
Utak nya may ubo. Tatawagin ko daw syang papa pero hindi nya ako tatanggapin na bilang anak.
Para saan naman kung bakit ko naman sya tatawagin na papa. Hilo ba sya?
Umakto ako na kunwari na nalungkot sa sinabi nya. "I-i understand, p-papa..." Ngumiti ako sa kanya ng matamis kahit sa loob loob ko ay gusto kong sabihin sa kanya na 'wala po akong pakielam.'
"Besides, I still have my dada with me." Inosente kong sabi.
Akala mo iiyak ako ng gano'n gano'n lang, tch! In your dreams!
Pero pakiramdam ko nga habang sinasabi ko ang 'dada' ay nagniningning ang mga mata ko.
I just miss him!
Nawala bigla ng ngisi sa labi nya at napalitan ito ng malamig na pagtingin gano'n din ang pagdilim ng ekspresyon nya.
Nakakatakot ang itsura nya. Kung nandito lang yung mga katulong at kawal nya a paniguradong naiihi na sila ng dis oras.
Pero ibahin nila ako. Hindi ako natatakot sa kanya.
Cause I'm not Amira Jane Mendez for nothing.
Mula sa madilim nyang ekspresyon ay naging blangko ito. May bipolar disorder ba sya? Ang bilis nyang magbago ng emotion.
"Oh, is that so?" Huminga sya ng malalim.
"Looks like ay tila hindi ka natatakot sa akin unlike sa mga anak ko. What a brave for the young lady like you, impressive huh?" May paghanga nyang sabi then he smiled a bit.
Well ang gwapo ng daddy ni Astrid lalo na kapag ngumiti but I don't care cause I have ph care chos!
"Really, papa?" Tila walang nangyari kong sabi.
"Hmmm." Tango tango nyang saad habang pinagmamasdan ako tsaka humigop sa tsaa nya.
Alam ko na cute ako pero huwag naman ganyan baka matunaw ang cuteness ko eh.
"Let's enjoy this moment... Eat the sweets I bought for you." The he gesture his right-hand sa mga sweets na nasa mesa.
Nagniningning naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Akin daw ang lahat na ito! Akala ko display lang para lang pa-inggitin ako eh.
"Thank you po papa!" Masigla kong pagpapasalamat at nagsimula ng kumain.
To be continued...
August 19, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasíaAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...