CHAPTER 40

1.2K 52 20
                                    

Amira/Astrid's POV

"Sir Marcuss, pwede ba tayong pumunta sa kapitolyo?" Kasabay ng paghigop ko sa milktea na ginawa ko na chamomile flavor, para naman maiba naman.

Sa katunayan gumawa ako ng ganito dahil bored ako sa buhay char, bored lang ako dahil sa pagiging bata ko. Gusto ko na lumaki para magawa ko na yung mga gusto ko.

Isasama ko na rin ito sa magiging business ko balang araw.

Kasalukuyan kami na nasa garden ng mansyon kasama ang tatlong naggwagwapuhan na aking triplet knights. Ang trio M.

Kung siguro makita sila ng mga babae tapos dalaga na ako tapos kasama ko sila bwahahaha mamatay sila sa inggit.

Pinatikim ko rin sa kanila ang ginawa ko'ng milktea, sa una ayaw nilang tanggapin dahil isa lamang daw silang alipin pero hindi na tumanggi nang ginamitan ko sila ng cuteness ko hehe.

"Pwede naman, young lady." Tugon ni Sir Marcuss.

Nagningning ang mga mata ko sa sagot nya ngunit bumusangot nang makita na nakatayo sila sa harap ko habang ako ay nakaupo sa isang upuan at bakante ang mga iba pa'ng upuan.

"Bakit tila hindi kayo masaya, young lady?" Malumanay na tanong ni Sir Mario.

"Pwede ba'ng umupo po kayo sa mga bakanteng upuan ako po yung nahihirapan sa inyo kakatayo. Feel free to sit down or else magtatampo ako." Nakanguso ko'ng sabi at nagcrossed arm.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagningning ng kanilang mga mata at pagpula ng kanilang mga tenga. Para silang mga bata na nakakita ng kakaibang laruan.

Napangisi na lamang ako sa aking isipan. Grabe! Kakaiba talaga ang karisma ko bwahahahaha. Okay, masyado na yata akong mahangin.

Dahil sa cute ako ay agad silang umupo at napabuntong hininga.

Iginaya ko rin silang uminom ulit ng milktea. Hindi ko naman mauubos, sayang lang.

"Feel free rin po na uminom ulit kayo mga sirs. Hindi ko naman mauubos 'yan mag-isa."

Agad naman silang sumunod sa sinabi ko at uminom. "Ang sarap talaga nito lalo sa mainit na panahon." Comment ni Sir Mario.

"Tama ka, ngayon lang ako nakatikim nito sa buong buhay ko." Comment ni Sir Marcuss.

"Ang galing nga kasi tsaa pala ito..." Tumingin sa akin si Sir Marco ng may pagtataka. "Young lady, matanong ko lang po... Ano yung hinalo nyo dito sa tsaa? Kasi ang tawag nyo dito ay milktea."

I chuckled at uminom. "Gatas lang ang inilagay ko dyan tapos nilagyan ko na rin ng yelo para mas refreshing inumin at hindi nakakaumay pero pwede rin lagyan ng asukal kung gusto nyo na maging mas matamis pa ang lasa." Paliwanag ko.

"Woah! Iyon lang pala ang ingredients pero sobrang sarap na!" Manghang mangha na sabi ni Sir Marco at nagulat na lamang ako nang nilagok nya ng isang inuman lang ang milktea. Napangiwi sya nang may nanguya syang ice.

Brain freeze~

Tawang-tawa ako sa isip ko sa itsura nya. 'Yan inom pa!

"Ayos ka lang, kapatid?" Natatawang tanong ni Sir Mario.

"Kabobohang taglay talaga kapatid." Naiiling ngunit natatawang sabi naman ni Sir Marcuss.

"Be careful, Sir Marco. Na brain freeze ka po tuloy haha."

Napakamot na lamang sya sa kanyang ulo. "A-ang sarap kasi kaya nabigla ako ng inom hehe."

***

Gaya ng sinabi ko kanina ay nandito na kami sa kapitolyo at hindi ko akalain na pinagtitinginan kami lalo na yung tatlong nasa likod ko na nakasunod sa akin, may iilang mga babae na kinikilig na parang mga bulate na inasinan. Sikat pala ang tatlong ito.

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon