Amira/Astrid's POV
Mga ilang sandali na nakaupo habang hinihintay ang mga magiging kaklase ko ay hindi ko alam na napatingin sa pinto at doon ay pumasok ang hindi ko inaasahan na magiging kaklase ko.
Ang mga male leads. Archie and Gabriel.
Ay oo nga pala! Kaklase nila ang female lead ayon doon sa kwento. Simula kinder hanggang college, oh diba ang lupet! Hindi manlang sila nagkahiwalay hiwalay. Para silang super glue na hindi mapaghiwalay.
Edi wow! Walang poreber!
Nang mapatingin sila gawi ko ay tila may kislap sa mga mata nila na hindi ko maintidihan. Cute lamang akong ngumiti sa kanila na ikinamula nilang dalawa at umiwas ng tingin na saktong nagkatinginan sila sa isa't-isa at nagsamaan ng tingin at muling tumingin sa akin at sa katabi kong upuan na bakante.
Mga ilang segundo ay nagulat ako nang nag-unahan sila pagtakbo palapit sa akin. Ngumiti ng malawak si Gabriel na syang nakauna na makaupo sa tabi ko. Dinalaan at inasar asar ng tingin si Archie na nakasimangot.
"Belat! Nauna ako bwahahahaha! Better luck next time little duke Archie." Mapang-asar na saad ni Gabriel na mas lalong nagpasimangot kay Archie.
"Alis d'yan!"
"Ayaw ko nga haha."
"Ako ang nauna na makita ang upuan na ito, kaya alis." Inis na saad ni Archie ngunit hindi ito pinansin.
"Sorry but not sorry. Nauna naman akong makaupo dito at gusto ko'ng makatabi si lady Astrid."
Ang kulit nilang dalawa, jusko!
"Just sit here next to me, Archie." Biglang sulpot ni Freya at hinila hila si Archie na sumunod na lang ng pilit dahil sa mukha nyang nakasimangot habang nasa amin pa rin ang paningin na inaasar sya ni Gabriel.
"Stop that brother Gabriel. He pissed to you, that's bad." Saway ko kay Gabriel na tumigil agad at nagpout na napatingin sa akin.
"I'm sorry but I'm happy na magiging kaklase ko kita, lady Astrid." Nakangiti na nyang pahayag na may nagniningning na mga mata.
Ngumiti lamang ako sa kanya. "Ako rin brother Gabriel. Sabay ka sa akin mamayang recess at lunch ah." Masigla kong saad na nagpamula ng mga tenga na nakatitig sa akin.
Sinipat ko ang noo nya na mas lalong pumula ang tenga nya. "Are you okay? Namumula kasi ang tenga mo." Nag-aalala ko'ng tanong.
Umiwas sya ng tingin at tinakpan ang dalawa nyang tenga. "W-wala ito hehe. Mainit lang... By the way, you're so cute in your uniform. Bagay na b-bagay sa'yo." Tila may nahihiya nyang saad.
Hahaha ang cute nya grabe mahiya.
"Awww thanks. Basta sasabay ka sa recess at lunch ha?"
Mabilis syang tumango. "S-sige!" Mukhang napalakas ang pagkakasabi nya dahil napatingin sa gawi namin si Archie at nakakunot.
Nagkwentuhan kami at mga ilang sandali ay dumami na ang mga batang kaklase ko at syempre ang pagdating ng teacher namin na babae.
Hindi sya ganu'n kabata mga ka-edad lang ng emperor. Ang cute nya eh, napansin ko ang suot nyang singsing. Ay! May asawa na sya. Sa bagay.
"Good morning StarSprout!" Masigla nyang pagbati.
"Good morning maestra!" Saad namin.
"Awww ang cute nyo pero tawagin nyo akong maestra Anya."
"Ma'am ang cute nyo po kaya mahal kayo ng asawa mo!" Nakangiti kong saad na napalakas ko pa yata.
Dahil sa sinabi ko ay napatingin silang lahat sa akin. Hehe langyang bibig 'to!
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...