Third Person's POV
Nang makita ng mga knights ang kanilang heneral, ang kaninang admiration na nararamdaman para sa munting angel na kanilang nasilayan ay naging nakakatakot ito.
Bigla kasing may dumating na demonyo.
"H-heneral Radson... Lahat ay magbigay galang!" Sigaw ng isang knights.
Sumunod ang lahat sa sinabi ng lalaki ngunit may sariling mundo ang dalawang nilalang na nagkukulitan sa isang tabi.
"Again... What the heck is happening here?" Madiin nyang tanong sa mga knights.
"Nakawala po kasi ang Leon na pagmamay-ari ng emperor, heneral." Magalang nitong sabi.
Itinuro ng knight ang nasabing nilalang na bigla itong itong humarap sa kanilang lahat na para ba'ng prinoprotektahan ang munting angel sa kanyang likod at umangil ito ng mabagsik sa kanilang harapan, nagbago muli ang itsura nito na naging mabagsik.
"Shhh... Calm down bwig (big) cat." Saad ng isang munting tinig na mabilis na nagpakalma sa Leon na ikinagulat ni Radson at ikinamangha.
Kita ng dalawang mata nya kung paano hinaplos haplos ang balahibo ng Leon at naging isang maamong pusa ito sa harap ng bata. Tila isa syang proud na daddy.
Hindi namamalayan na nakangiti na pala sya habang pinagmamasdan ang munting angel nya.
She's so cute!
Nagulat ang lahat na nakasaksi na naging sanhi ito ng bulungan. Ngayon lamang nila nakitang ngumiti at maamong side ni heneral Radson.
Amara/Astrid's POV
Napatingin ako sa harapan nang marinig ang mga bulungan. Isang lalaki na nakasuot ng knight armor, sa itsura nya, para ako nasa Manhwa comics. Napakagwapo nya at ang kisig nyang tingin sa kanyang knight armor, wala nga lang kabayo.
Jet black hair with an icy ashes eyes na mas lalong lumakas ng kanyang appeal. Ang masasabi ang ko lang...
Ang gwapo nya!
Choke me daddy! Char!
Lumapit sya sa akin at kinarga. "What is your name, little angel?" Malambing nyang tanong habang maamong nakatitig sa akin.
Ngumiti ako ng matamis at doon ko nakita sa mga mata nya ang kinang. "My name is Astrid Athena Calliope Villena, sir." Mahina kong turan sa apelyido ko at napayuko.
Nahihirapan akong banggitin ang apelyido ng siraulong emperor na iyon. Hindi nakaka-proud sabihin sa totoo lang, kawawa ang totoong Astrid sa kanila.
Anyway, ayon sa kwento noong Amira pa lang ako ay ang lalaking ito ang isa sa tumugis kay Astrid noong nasa gubat ito at nais tumakas sa kamay ng kanyang pamilya pero nahuli pa rin si Astrid.
"Tatakas ka pa'ng bata ka! Sorry pero ako ang malalagot sa emperor kapag hindi kita idadala sa kanya."
Kahit ganun ay alam ko naman na napipilitan lang sya gawin iyon dahil sadyang walang awa ang slapsoil na emperor na iyon. Ang dapat sa emperor na iyo ay nililibing sa buhangin habang tirik ang araw.
Harsh? Cause I'm heartless to those slapsoil like him.
Kaya naman ngayon patatawarin ko ang isang ito para sa kapakanan ng totoong Astrid na babaguhin ko ang pangyayari na naranasan nya sa totoong kwento.
"Hey..." Inangat nya ang mukha ko paharap sa kanya at ngumiti sya sa akin ng matamis. "Are you okay?"
Ngumiti na lamang ako. "I'm okay, dada." Then I giggled.
Mukha nagulat sya sa sinabi ko. Kitang kita ko ang pagpula ng mga pisngi nya. Kita ko rin ang pagkabigla ng mga knights na kasama namin at nagbulungan, tila ngayon lang nila nakita na ganito ang heneral. Well totoo naman dahil ang heneral ay high tempered at ang pagkaka-alam ko ay may anger issue ang isang ito kaya simulan mo na magdasal kapag nakita mong magalit ang lalaking ito.
Hays ang epekto ng cuteness ko.
"What did you call me, my little angel?"
"Dada." Inosente kong turan.
Ngumiti sya ng malawak. Mukhang gusto nya na tawagin ko syang dada. He's like a father to me kahit ngayon lang kami nagkita.
I just sense lang naman.
Umupo silang lahat sa damuhan, uupo na sana rin ako nang kinandong ako ni dada.
"Dito ka na lang umupo at marumi ang lapag."
Hindi na lamang ako umimik pero naiilang ako ng kaunti. Haler! 24 ako as Amira pero nasa katawan ako ng apat na taon na bata. Tapos ang gwapo at ang hot pa ng kaharap ko na si Radson este dada.
Sheesh!
"By the way, what are you doing here? You are supposed to be na natutulog na."
Hala!
"A-ano po... Naligaw po ako noong sinusundan ko po yung mga alitaptap kanina. Tsaka po, hindi po ako makatulog." Palusot ko. Buti na lang at naniwala sya.
"Halika na at ihahatid na kita. Baka mag-alala ang mga magulang mo."
Nalungkot naman ako sa sinabi nya.
"Wala po akong magulang, yung mga katulong lang po ang nag-aalaga at kasama ko simula noong pinanganak po ako." Malungkot kong tugon.
Which is true. Slapsoil po kasi ang ama ko. Isang responsableng ama at emperor ang amo mo.
Iyon sana ang gusto kong sabihin pero huwag na baka may magsumbong, mamatay pa ako ng maaga. Mawawala na ang cute na ako.
Napatingin ako sa knights na kasama namin na naaawa na nakatingin sa akin. Rinig ko rin ang angil ni Kleo sa tabi namin na tila naiintindihan nya ang sinabi ko.
Ang pangalan ng Leon na ito ay Kleo, katulad na lang yung sa napanood ko dati na Sakura.
"Huwag ka na malungkot cutie."
"Oo nga, nandito naman kami."
"Sino kayang walangya ang gumawa ng ganitong kasamang bagay na iwan ang angel natin?"
Naramdaman ko na niyakap ako ni dada ng mahigpit ngunit may pag-iingat.
"Ayaw ko na nakikita ka'ng malungkot kahit ito ang unang beses pa lang tayo nagkita ay mahal na kita. Dahil sa oras na ito ay ako na ang magiging ama mo— ang dada mo, baby." Malambing nyang sabi at hinalikan nito ang ulo ko.
Napahikbi ako sa sinabi nya. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay may ama at pamilya na rin ako na maituturing. Hindi sa akin ang emosyon na ito kundi ay kay Astrid, ang totoong Astrid.
"Why are you crying?" Nag-aalala nyang tanong na nakatingin sa akin. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang mga hinlalaki nya.
"Masaya lang po ako dahil may dada na po ako. I wab (love) you dada and thank you." Umiiyak kong sabi at niyakap sya.
Naramdaman ko na nanigas sya ngunit yumakap rin sya pabalik.
"I love you too, baby." Malambing nyang turan at hinalikan ang noo.
"Ang sweet ni heneral, sheesh!"
"Ang cute nilang tingnan bro."
"Payakap nga rin ako pre."
"Yuck! Eww~ go away dude, hindi tayo talo."
To be continued...
August 10, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...