CHAPTER 36

1.1K 57 11
                                    

Someone's POV

"Ano, nagawa mo na ba ang inuutos ko?" Malamig ko'ng tanong sa katulong na inutusan ko na lagyan ng lason ang pagkain ng batang iyon.

Nandito kami sa gubat na malayo ng kaunti sa palasyo, hindi gaano napupuntahan ang lugar na ito dahil sa masukal at madamo ang paligid.

Yumuko ito. "O-opo, nilagyan ko po ng l-lason ang pagkain at ibinigay sa kanila... Nakikiusap po ako na pakawalan nyo po ang pamilya ko." Umiiyak nitong pakiusap at sumubsob sa sahig ang mukha nito.

I smiled creepy. "Mabuti naman, akala ko hindi mo magagawa... Don't worry madali naman ako kausap. Makikita at makakasama mo na sila."

Bakas sa mukha nito ang kasiyahan dahil sa sinabi ko. "M-maraming salamat po!" Mangiyak-ngiyak nya sabi.

Bigla akong natawa dahil sa itsura ng mukha nya na grabe ang saya. Palihim ko'ng binunot sa tagiliran ko ang kutsilyo at nakangiti na lumapit sa kanya.

"Masaya ako para sa'yo." Kunwari ko'ng tuwa at tinapik ang balikat nya.

"Maraming salamat po talaga dahil makikita at makakasama ko na po sila. Huwag po kayo mag-alala, magpakalayo layo na po kami ng pamilya at hindi ko po sasabihin sa iba." Tuwang-tuwa nyang sabi at hinawakan ang kamay ko.

Napangiwi ako at mabilis na tinanggal ang pagkakahawak nya. Kadiri! Ang kapal ng mukha ng babaeng ito na hawakan ako!

"Oo naman, hindi mo pwedeng sabihin sa iba ang tungkol dito at tsaka makikita at makakasama mo na ang pamilya mo..." I devilish smiled at her na ikinataka nya kaya naman nilabas ko na ang kutsilyong nakatago sa likod ko ang kaninang nagtataka nitong mukha ay napalitan ito ang pagkatakot ng makita nya ang hawak ko.

"Dahil makakasama mo na sila sa kabilang buhay!" Sigaw ko at walang pagaalinlangan ko syang sinaksak sa dibdib bago pa sya makasigaw. Paulit-ulit ko itong sinaksak hanggang sa mawalan na sya ng buhay na nakahiga sa lupa.

"Bitch, salamat sa'yo at napadali ang plano ko. Akala mo maiisahan mo ako." Sabi ko habang nakatingin sa bangkay nya.

"Babalik sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko na sinira ng babaeng iyon pero mabuti na lang at nauhan ko syang mapatay bago pa nya malaman at isusunod ko ang magaling nyang anak sa hukay nya." Nakangisi ko'ng sabi at tumawa.

Amira/Astrid's POV

Kasalukuyan kami ngayon sa dining area kung saan may mahabang mesa kasama sila lolo at ang mga kapatid ko. Tahimik lang ako habang hinihintay ang pagkain habang sina kuya Alex at Apollo ay nag-uusap, tahimik din si lolo at pinagmamasdan ako. Ngumiti ako ng matamis sa kanya na ikinangiti nya.

Hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ng kaharap ko na hindi ko pinansin. Nasa dulo ang pwesto ni lolo katabi nya sila kuya, katabi ni kuya Apollo si Freya tapos hindi mawawala ang kanyang ama na malamig ang titig sa akin at tila may iniisip. Nasa kaliwa ko si lolo at katabi ko si dada sa kanan na hawak ang kamay ko.

"Pumapasok ka na ba sa Celestial Garden, apo?" Biglang tanong ni lolo habang matanan na nakatingin sa akin.

"Opo, lolo sa StarSprout Learners." (Kinder)

"Mabuti naman kung ganun..." Bumaling ang paningin nya kay dada.

"Ikaw na ang bahala sa apo ko. Alagaan mo sya ng mabuti." Paalala nya kay dada.

Ngumiti si dada. "Buong puso ko po'ng aalagaan at mamahalin na para sarili ko'ng anak ang iyong apo... She's adorable, kind, intelligent, and sweet child, Your Majesty." Sinasabi nya iyon habag nakatingin sa akin na may punong pagmamahal.

"Sumasang-ayon ako sa sinabi mo, Heneral... Masaya ako at napunta sya iyo ang apo ko. By the way, may balak ka ba'ng mag-asawa upang magkaroon ng ina ang apo ko?" Pangisi ngising saad ni lolo kay dada na tila nang-aasar.

Natawa ako sa isip ko. May pagkapilyo pala ang lolo ni Astrid.

Natawa naman si dada. "Hindi ko iniisip ang ganyan na bagay, Kamahalan. Dahil nakapokus ako sa anak ko at sa kanyang kinabukasan kaya wala akong balak na mag-asawa dahil ang anak ko pa lang ay sapat na."

Kasabay nito ang pagdating ng mga katulong na dala dala ang mga pagkain. Mas lalo akong nagutom ng maamoy ko ang mga pagkain lalo't isa isa nila itong inilagay sa mesa. Kahit pagkain nila ay amoy expensive, perks for being rich.

Nagniningning ang mga mata ko sa mga pagkain at hindi ko na pinakinggan ang pinag-uusapan nila lolo na patungkol na sa kaharian na sumasali naman ang emperor. Napatingin ako sa emperor at nagulat nang nakatingin pala ito sa akin. Inosente akong ngumiti ng maliit na ikinairap nya at pinaghandaan ng makakakain si Freya na ikinatuwa naman ng anak nya.

Mentally akong napairap. Edi wow!

"What do you want to eat, baby?" Nabaling na lamang ang paningin ko kay dada nang matanong sya.

"I want that, 'yun, 'yun, at 'yun, dada hehe." Turo ko sa beef steak na rare cooked at iba pa'ng pagkain na bago sa paningin ko, gusto ko lang tikman.

Narinig ko ang mahinang mga tawa nila kuya at lolo, maging si dada.

Tinignan ako na may amusing sa kanyang mga mata. "Are you sure na mauubos mo iyang lahat, baby?" Tila nagpipigil nyang tawa kaya napanguso ako.

"Opo, dada. Kanina pa akong nagugutom pero may nangyari diba po ba? Kaya naman kaya ko po 'yan ubusin." Sabi ko.

"Ang takaw mo naman, hindi ka ba pinakain ng papa mo ng isang buwan? Naghihirap na ba kayo kaya hindi ka nya mabigyan ng pagkain?" Nang-uuyam na sabat ni Freya.

Kaya naman nabaling ang paningin ko sa kanya, maging sila lolo ay ganun din. Tinaasan ko sya ng kilay na ikinabigla nya dahil siguro ngayon ko lang sya pinatulan. Nakakaubos na kasi ng pasensya ang batang ito, ayaw ko man pumatol dahil mas matanda ako pero nasa katawan lang ako ng bata. Kaya lang nauupos na ang mahabang pasensya ko sa kanya tulad ng kandila kapag nasindihan na ito ng apoy.

"Don't say that again against to my dada, Princess Freya." Naiirita ko na saad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita ng ganun.

"Baby, calm down. Kumain ka na muna." Mahinahon ma saad ni dada pero taliwas sa aura nya na madilim. Alam ko'ng nagpipigil lang si dada.

Inilapag nya sa harapan ko ang plato na may steak na hiniwa nya sa maliit na size. Kumain na lamang ako habang nakabusangot ang mukha.

Naiinis ako sa emperor at hindi nya manlang pagsabihan o sitahin anak nyang bruha.

"Pierce, pagsabihan mo nga iyang anak mo. Nakakahiya sa bisita natin ang pinagsasabi ng batang iyan. Displinahin mo 'yan o ako ang magdidisplina." Malamig at matigas na banta ni lolo.

"Yes, dad. I'm sorry for the troubled that she caused." Mahinahon na sabi ng emperor at hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin nya kay Freya na ikinayuko nito at humikbi.

Tumingin ito sa akin at kay dada na kumakain at pinupunasan minsan ang bibig ko. Hindi ko maipaliwanag at mabasa ang nasa isipan nito dahil mukhang naka-block ito. Ngunit napansin ko sa mga mata nya na may dumaan na emosyon na hindi ko akalain na makikita ko ito.

He is hurt and jealous.

He is more confusing than I thought. Ano ba talaga ang nasa isip mo emperor?



To be continued...

March 15, 2024

The Abandoned Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon