Amira/Astrid's POV
Lumipas ang oras at gabi na. Pagbaba ko sa hagdan habang inaalalayan ako ni nanny Layla ay nagulantang na lamang ako nang makita si kuya Alex sa panghuling baitang na nakatingala sa akin na may ngiti sa labi.
Ang gwapo talaga ng kuya ko. Hindi nga nakatakas sa paningin ko ang mga impit na tili ng ilang kababaihan dito.
Kahit ganyan pa lang ang edad ni kuya ay grabe na para kiligin ang mga kababaihan, kahit yung ilang may edad.
Type ba nila pedophile?
"Good evening, kuya." At curtsy sa harap nya. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga katulong kasama na doon ang ilang kawal ay katulong ni kuya Alex na mula sa palasyo, ang ilan sa kanila nila ay nagbubulungan pa na hindi ko na lang pinansin.
"What an elegant you are, lil sis." Lumuhod sya at inilahad ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nasa likod nya.
"Let's go, my little princess?" Malambing nyang aya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya ng matamis at umaktong na para akong isang disney princess na hinawakan ang kamay nya. Kakapanood ko ba naman dati ng mga disney princess noong ako pa si Amira, hindi lang halata pero kaming dalawa ni Carlo.
Mahilig ang baklang iyon sa ganung palabas dahil gusto daw na maging isang prinsesa hindi prinsipe na dati ay inaasar ko kanya.
Habang binabagtas namin ang daan papunta sa palasyo nila kuya ay bigla akong napaisip sa kung anong mangyayari kapag nakita ko na ang bruha kong kapatid at si kuya Apollo. Kahit may atraso ang Apollo na iyon ay hindi pa rin mawawala na kapatid pa rin sya ni Astrid.
Ano kaya ang magiging reaksyon sa mga dadalo mamaya kapag nalaman nilang anak din ako ng emperor?
Hindi ko maiwasan na malungkot sa nangyari kay Astrid sa librong nabasa ko. Kahit ni isang atensyon mula sa ibang tao at ni katiting na pagmamahal sa pamilya nya ay wala syang nakuha kaya naging ganun na lamang ang naging ugali nya hanggang sa mamatay sya sa kamay ng sarili nyang ama.
Ang dating masayahin at mabait na bata ay naging masama at puno ng galit, selos, at kalungkutan ang puso nya.
Napabalik na lamang ako sa katinuan nang maramdaman ang tapik ni kuya Alex sa ulo ko.
"You okay, lil sis?" Nag-aalala nyang tanong.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Kinakabahan lamang ako, baka kasi hindi ako tanggap doon, kuya..." Malungkot ko syang tiningnan.
"Paano na lang kung ayaw akong tanggapin ni kuya Apollo o di kaya ni papa bilang kapatid at anak, kuya?" Hindi ko na lamang namalayan na may tumulo ng isang patak ng luha ko.
Nakita ko sa mukha nya ang pag-alala at kalungkutan. Pinunasan ang luhang iyon at nginitian ako kahit sa mga mata nya bakas pa rin ang kalungkutan nito.
Niyakap nya ako at dahan-dahang nyang hinaplos ang buhok ko. "Don't cry, my baby sis. Your brother Alex is always here by your side, if they don't accept you, I'm here with open arms to accept and love you."
Tumango na lamang ako at niyakap din sya pabalik. "Thank you very much, bwother (brother) Alex. I love you po." Malambing kong sabi pero hindi naiwasan na mag-crack ang boses ko at siniksik ko sa kanyang dibdib ang mukha ko.
"I love you too, baby sis. So, hush now. Ayaw kitang nakikita na umiiyak, ayaw kong nalulungkot ang baby sis ko. For me you're the only one my baby sis." Naramdaman ko ang halik nya sa tuktok ng ulo ko then he humming the same lullaby a kinanta nya noong nakaraan para sa akin.
***
"Baby sis, gising na. Nandito na tayo."
Umayos naman ako ng upo. Nakaidlip pala ako habang nakayakap kay kuya.
Naunang bumaba si kuya ng karwahe at inilahad nya ang kamay nya kaya kinuha ko ito, inalalayan nya akong makababa. Pagkababa ko ay napanganga ako habang nakatingala na nakatingin sa aking harapan.
Wews!
Ganito ba talaga ang palasyo? Grabe mas mas maganda pa ito kaysa sa inaakala ko habang binabasa ko pa dati ang libro.
Beyond in my imagination na ganito kaganda at kalaki ang palasyo. Full of luxurious, sa materyales pa lang ng mansyon ay napakamahal na, labas pa lang pero paano na lang kung nasa loob kami.
Dahil gabi na ay hindi ko pa rin maiwasan na mapahanga ng sobra, mga nakabukas kasi ang mga ilaw ng palasyo na mas nagpadagdag pa sa ganda nito.
"Ang ganda..." Mangha kong sabi. Tumingin ako kay kuya Alex na nakatitig pala sa akin na may kumikinang na mga mata.
"Ang ganda ng palasyo nyo, kuya Alex."
Ngumiti lamang sya at hinawakan ang kamay ko na inaalalayan nya ako na tila isa akong babasagin na bagay. Puno ng ingat nya na nakahawak sa kamay ko habang binabagtas namin ang pinto ng palasyo.
"I agreed, baby sis. This castle is yours too because you are Astrid Athena Calliope Villena my only sister."
Ngumiti lamang ako ng pilit. Kahit naman na sabihin nya na isa rin akong Villena ay hindi pa rin maaalis na illegitimate child ako ng emperor in short anak sa labas.
Unwanted child ako kaya nga inabandona ako ng emperor at sa South Cold Mansion ako nakatira pero si Freya na masaya at kasama ang emperor sa palasyo at ang mga kapatid nya. Bigla na lamang akong nakaramdam ng kirot sa puso ko, ang damdamin ni Astrid ito.
Palihim akong napangiwi sa sakit na iyon. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili.
Napatigil kami sa paglalakad nang nasa harapan na kami ng malaking pinto ng palasyo na gawa sa ginto.
Yumuko sa amin ang isang kawal na mukhang sya ang magbabatid sa pagdating namin. Ngumiti na lamang ako sa kanya na ikinaiwas nya ng tingin habang may namumulang mukha.
"Sina prinsipe Alex Villena at young lady Astrid ay nandito na!" Kasabay no'n ang pagbukas ng pinto.
Napasilaw ako sa liwanag na bumungad sa amin at ang katahimikan ng mga dumalo na nandito.
Mula sa musika hanggang sa mga pagkukwentuhan ng mga Noble, Officials, Royalties, at ang mga hari at reyna sa ibang kaharian na mayroon sa Vile Empire.
Napatingin ako sa dulo at doon ay nakita ang tatlong mag-aama na nakaupo sa kanilang mga trono.
Isang malamig at diretso na tingin ng ama ko nahagip ko sa kanilang tatlo, ganun din si kuya Apollo ngunit nakita ko ang pagtaas ng kilay ng female lead ng kwento na si princess Freya, nagtataka siguro kung bakit ko kasama si kuya Alex.
Totoo nga ang sinabi ng tatlo. Ibang iba ang description sa kanya sa libro kaysa na personal.
Ano pa nga ba ang aasahan ko? Expected vs Reality pa nga.
Napatingin ako sa paligid at nahagip ng paningin ko ang mga male leads ng kwento. Ang pagkakaalam ko ay dalawa lang ang male leads ayon sa libro pero ngayon na personal na ay may dumagdag na isa na hindi pamilyar sa akin.
White hair na kakulay gaya ng snow with golden eyes, syempre hindi mawawala na gwapo sya. Mga kasing-edad lang sya ni kuya ganun din yung dalawa na katabi nya sa isang mesa.
Ang tatlong itlog este male lead.
To be continued...
September 12, 2023
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...