Crystal Kingdom...
Rafael Lax POV
"Kamusta ang apo ko, Allan?" Habang isa isang binabasa ang mga papeles para sa proyekto dito sa Crystal Kingdom na pagmimina ng mga gems na maaaring ibenta o baka may masagap kaming kakaibang gem na makakatulong emperyo.
"Nasa maayos naman po ng kalagayan ang apo nyo, kamahalan... Ngunit may nabalitaan mula sa Moon Kingdom kung saan nagmula ang ina ng inyong apo na mukhang galit ang hari nila doon sa mahal na Emperor dahil sa kawalan ng hustisya ng pagkamatay ng kanilang prinsesa na si Princess Asteria, at ang Emperor ang sinisisi nya."
Agad nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya at napatigil sa aking ginagawa. "How come na may kinalaman dito ang anak ko?"
"Hindi ko po alam, kamahalan. Ngunit kung susumain ay kailangan nyong ingatan ang apo nyo."
"Why? Dahil ba sa wala na ang tagapagmana ng trono ng Moon Kingdom, kaya ang apo ko ang natatanging pag-asa nila?"
"Parang ganun nga po pero hindi pa rin tayo nasisigurado lalo't may bali-balitang na may namamatay na mga batang babae na kasing edad lamang ng inyong apo, mukhang may gustong pumatay sa apo nyo."
Huminga ako ng malalim at mukhang napansin ni Allan kaya dali dali syang kumuha ng isang baso ng tubig at inabot sa akin na agad ko naman kinuha tsaka ito ininom.
"Allan, magpadala ka ng mensahe kay butler John at sabihin sa kanya na maglaan ng tatlong magagaling at tapat na knights para sa pagbabantay sa apo ko at sabihin mo rin na huwag sabihin sa emperor ang tungkol dito, ayaw ko'ng malaman nya ito. Gawin mo na!" Madiin at agaran ko'ng utos.
"M-masusunod po, kamahalan."
Nababahala ako ng lubusan para sa kaligtasan ng apo ko dahil wala ngayon si Radson dahil nasa misyon sya na patungkol sa mistoryosong pagpatay na nagaganap sa mga batang babae. Ayos lang sa akin na maging tagapagmana ng trono ng Moon Kingdom ang po ngunit hindi ako papayag na kunin at ilayo nila ang apo ko.
Ayaw ko sabihin anak ko dahil alam ko naman na wala sya pakialam kaya ano pa ang silbi kung sasabihin ko sa kanya, tsk!
My poor granddaughter but it's okay because I'm here and her foster father; Radson.
Amira/Astrid's POV
Boring...
Ang boring dahil wala si dada. Namimiss ko na sya, wah!
Kamusta na kaya sya? Hindi ba sya nagpapagutom?
Tapos these days ay laging ko nararamdaman na parang may nakamasid sa akin. Creepy.
"Hey, you okay, lady Astrid?" Muntik na ako mapamura nang may magsalita sa tabi ko.
Narinig ko ang tawa nya kaya nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa gilid ko at nakita ang male lead ng kwentong ito. Si Archie Errol.
"You're so cute, my lady." Natatawa nya nyang saad.
Kung hindi lang ito cute at male lead baka nasuntok ko na pero hindi pwede baka kamatayan pa ang parusa lalo't soon to be Grand duke ang isang ito.
"G-ginulat mo kasi ako ha ha." Pilit ko'ng tawang tugon dito.
"I-I'm sorry. You're spacing out, kanina ka pa ganyan simula kaninang umaga pa. Pwede mo naman sabihin sa akin kung may problema ka."
"Wala naman, iniisip ko lang si dada. Nag-aalala kasi ako sa kanya." Ilang araw na nasa misyon si dada pero ni isang balita wala pa akong natatanggap.
Ayon sa aking source na yung misyon ni dada ay alamin at hulihin kung sino yung nasa likod ng pagpatay ng mga batang babae na ka-age ko. Nakikita na lang ang nagiging biktima na wala ng mata at may saksak sa dibdib.
BINABASA MO ANG
The Abandoned Princess
FantasyAmira Jane, a renowned and brilliant physician recognized for her medical expertise, tragically lost her life while saving a woman carrying a baby crossing the street. Incredibly, when she regained consciousness, she found herself reborn as... a bab...