MAHIGIT limang taon na ang nakalipas simula nang maglayas si Polaris sa kanila. Simula rin noon ay itinago na niya ang pagiging Adiel para hindi siya mahanap ng ina at ibalik sa kaniyang lasinggerong ama.
Ngayon ay dahil lamang sa isang estranghero ay maaaring bumalik sa miserable niyang buhay ang dalaga. O ang mas malala pa ay maaaring malagay siya sa matinding peligro. Ang dating tahimik at normal kahit puno ng hirap niyang buhay ay maaaring magbago dahil lang sa isang pagkakamali.
Hindi nakatulog nang payapa si Polaris. Gusto niyang hanapin ang binata at kumprontahin ito para malaman kung may balak ba itong isuplong siya sa Special Police. Ano naman kaya ang makukuhang benepisyo ng lalaki kung magsumbong siya? Wala namang patong sa ulo ang mga tulad niya na nagtatago lamang, liban na lang kung isa siyang bounty hunter o talagang nakagawa siya ng krimen.
Natigilan bigla si Polaris at napailing nang mapagtantong nakagawa nga pala talaga siya ng krimen. Nahuli siya sa akto na ginagamit ang kapangyarihan para magnakaw. Puwede pa rin na humirit ng pabuya ang lalaki.
Imbes tuloy na matuon ang pokus ni Polaris sa ginagawang takdang aralin ay lalo siyang nabagabag. Sa halip na maisaulo ang Code of Ethics for Professional Teachers ay mas iniisip niya ang guguguling taon sa kulungan. Isang oras na lamang ay kailangan na niyang bumalik sa klase pero wala pa ring pumapasok sa utak niya, may koneksyon sa pinag-aaralan.
Nasa ilalim siya ng puno ng mangga habang titig na titig sa kaniyang tablet kung saan niya binabasa ang dinownload na PDF ng Code of Ethics at ang mismong manual para sa subject na Teaching Profession. Doon siya madalas mag-aral dahil sa isip niya'y malaking tulong ang ihip ng preskong hangin sa pagkalma ng kaniyang isipan.
Ngunit iba ang araw na iyon. Maaaring masayang din lang ang pinag-aaralan niya kung makulong siya sa salang pagsuway sa gobyerno.
Hindi makakapayag si Polaris. Kailangan niyang patahimikin ang lalaki. Mas kailangan niyang atupagin ang paghahanap.
Tumayo siya mula sa madamong lupa at nagpagpag ng sarili bago isinara ang gadget at inilagay sa bag. Hindi niya man alam kung paano magsisimula ngunit susubukan niyang maglibot. Aalis na sana ang dalaga nang bigla siyang nakarinig ng malakas na kalabog mula sa likuran ng mismong puno na sinasandalan niya.
Tumakbo si Polaris papunta sa likuran ng puno ng mangga at nakita ang nakadapang lalaki na nakasuot ng pamilyar na unipormeng panlalaki habang umaaray sa sobrang sakit ng pagbagsak. Lalapitan na sana siya ng dalaga ngunit nang gumulong ang estudyante paharap ay agad na nagdilim ang kaniyang paningin.
"It's you! You're the one who gave me that damn paper, you dick!" dinuro pa ni Polaris si Sirius habang mariin itong nakapikit at sapo ang likod.
"Fucking hell!" usal ng binata bago naupo at umusog palapit sa puno para sumandal saka humingal.
"Are you stalking me?! You damn pervert! You better shut your mouth or you'll never see the light of day—"
"I already broke my back and now you want to blind me?!" reklamo ni Sirius at muling naghabol ng hininga.
"Blind you?! I will kill you!"
Pinagsisipa agad ni Polaris si Sirius kaya't imbes na likuran niya lang ang problemahin ay nagtamo pa siya ng sakit sa buong katawan.
"Aw! Stop it, miss!"
"You think I'm scared of you?! You think I'll tremble just because you sent me that note?!" singhal ni Polaris bago tumigil sa pagsipa at dinuro muli ang lalaki.
"Hey! I didn't scare you okay! I just said I saw what you did! It didn't mean anything! If you got scared then that's not my fault!" inis naman na paliwanag ni Sirius bago muling sumandal sa puno bago nangiwi sa sobrang sakit sa katawan.

BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...