“YOU can't make me say anything Ignacio! Just kill me already! Wala kang mapapala sa akin!—"
Hindi na napigilan pa ni Rutherford ang sarili at muling sinapak si Helga na ngayon ay nakatali sa isang kinakalawang na bakal na upuan habang puno ng pasa ang mukha.
Kahit pa parang sasabog na ang ulo nito sa sobrang dami ng namamagang bukol ay gusto lang itong dagdagan nang dagdagan ng kapitan. Lalo lamang humihigpit ang pagkakakuyom niya sa kamao suot ang matigas na brass knuckles bago muling sinuntok ang babae.
Ang alam niya lang ay galit siya. Dalawang araw ng nakahilata ang anak ng babaeng mahal niya na pinangakuan niyang ituturing na tunay na anak. Hindi niya kayang magpakita ng awa sa babaeng sumubok na patayin ang dalaga. Gusto niyang durugin ang mukha ni Helga kahit pa babae ito.
"I don't want to kill you immediately. I want you to suffer slowly, you'll feel ten times the pain of how my daughter felt when you shot her with a fucking poison."
***
Naalimpungatan si Polaris nang may marinig na mumunting hagulgol sa tabi niya. Akala ng dalaga ay nananaginip lang siya ngunit nang mamulat ang mga mata ay doon n’ya lang nakita kung nasaan siya.
Nakahiga siya sa hospital bed at sa tabi niya ay ang nakayukong ina na nakayuko sa kobre-kama at mahinang humihikbi.
Napaupo tuloy ang dalaga at balak na sanang hawakan ang ina nang bigla itong tumingala at halos tumalon sa tuwa nang makita siya.
“Oh!” Bigla siya nitong niyakap nang mahigpit bago muling umiyak, “I thought I lost you!”
Hindi na siya makahinga pero hindi niya magawang makawala sa ina na halos idikit na ang katawan sa kanya.
“May masakit pa ba? Ano pang ginawa sayo ng hayop na ‘yon?!” nag-aalala ngunit galit nitong tanong bago siya sinimulang suriin.
Sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at dali-daling pumasok sina Faker, Sirius, at Galileo na marami pa ring pasa at sugat sa mukha.
“Shit, North! Finally!”
“You're awake!”
Mabilis siyang dinulugan ng tatlo at panay ang tanong sa kanya kung anong nangyari. Hindi niya naman sila masagot nang diretsahan dahil wala sa kanila ang makalma.
Sunod-sunod ang mga tanong nito na parang aabutin hanggang bukas. Ngunit kahit pa ganoon ay napansin niya pa rin na may kulang.
“Nasaan si kap?”
Kung naroon si ang tatlo niyang ka-grupo ay dapat naroon din ang kapitan dahil magkakasama sila. Ngunit ni anino nito ay wala.
“He went back to the haven. He’s keeping Helga company.” simpleng sagot ni Cassiopeia bago hinaplos ang likod ng anak.
Maya-maya pa ay pumasok na ang nurse na agad na nanlaki ang mga mata at napaatras nang makita siya. Para itong panandaliang natakot bago mabilis na kinalma ang sarili at sumagot.
“Pwede na po kayong umuwi. Okay na si… ma’am.”
Parang sinaulo nito ang isasagot at tila walang emosyon. Napatingin siya sa mga kasama at nakitang iba ang titig ni Galileo sa nurse.
Ilang segundong napaisip si Polaris bago niya napagtantong kinokontrol ng binata ang utak ng nurse. Parang ito ang nag-uutos kung ano ang sasabihin sa kanya.
“May ospital naman sa NGA, bakit hindi tayo roon?” tanong ni Polaris nang maintindihan niyang nasa ibang ospital siya. Ospital ng mga para sa ordinaryong tao.
BINABASA MO ANG
Team Genesis (Book 2) [Completed]
Science FictionKung pagtatago ang usapan ay walang tatalo kay Polaris Aragon. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nahuli ng Bureau of Special Forces of the Philippines (BSFP), kaya't tahimik siyang namuhay sa siyudad na parang hindi niya itinatago ang kapangyarih...